Chapter 3- Takas

145 70 35
                                    


Yna's POV

Kasalukuyan akong nag papaikot-ikot dito sa sala namin sa apartment dahil sa sinabi nung mga lalaking nanloob sa amin at sasabihing Empyrean's daw kami.

Ang sabi ng tatlo, ang Empyrean daw ay isang uri ng nilalang na may kakaibang kapangyarihan. Mygulay! Mga gwapong abnormal ba sila? Saka yung kapatid ko napatulala na lang dahil sa sobrang gulat.

Gusto ko sanang matawa sa mga desisyon ng mga lalaking ito sa buhay, kaso huwag na lang dahil mababaliw ako.

"Teka lang Ate, kumalma ka nga!" Sita sakin ng kapatid ko dahil siguro nahihilo na siya sa kaka-paikot-ikot ko.

Kalma!? Sasabihin ng tatlong adik na toh na nanloob samin na Empyrean's daw kami ta's sasabihan niyo ko nang kalma!?

"Teka nga, ano bang mga pangalan nyo?" Tanong ko nang tumigil na ko sa pag papabalik-balik at hinarap ang tatlong lalaki.

"Im Joshua, Josh nalang at your service." Sabay kindat sakin nung nanggulat samin kanina.

"Ako naman si George." Sagot naman nung isa.

"Jack."

Jack daw pakilala nung isa. -______-

"Ano ba talagang kailangan niyo ha? Baka mamaya kidnap for ransom ito at niloloko nyo lang kami. Wala kaming pang ransom dahil wala kaming ibang kilalang kamag-anak dito." Tanong ko sa kanila dahil nagugulahan ako.

Malay nyo bagong modus pala toh! Yung tipong Empyrean ka daw eh hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang Empyrean. Tas bumalik kana daw sa tunay mo na tahanan para makilala mo pa yung iba mo pang kamag anak. Like duh? Hindi ako uto-uto.

On second thought...

Medyo uto-uto ako, happy now?

Pero hindi naman ako magpapaloko sa ganitong sitwasyon noh. Modus toh men!

"Ilang beses ba naming kailangan sabihin sa inyo na sinusundo nga lang namin kayo para ibalik sa tunay niyong tahanan?" Tanong nung George na halatang naiirita na sa usapan namin.

"Paano mo mapapatunayang hindi niyo kami niloloko?" Confident na tanong ko.

"NILOLOKO!? Kingina, ang layo nang nilakbay namin para lang mahanap kayo tapos iisipin niyong niloloko lang namin kayo?!"

Bigla na lang sumigaw yung Josh kaya napapitlag kaming lahat bukod sa isang lalaki na walang emosyon simula nang makita namin siya. Napayakap din sakin yung kapatid ko.

"Sorry, nadala lang ng damdamin..." Nakapikit na sabi nung Josh at hinawi ang buhok niya pataas na para bang kinakalma niya talaga yung sarili nya, bigla naman siyang binatukan nung George kaya nagulat kami ng kapatid ko.

"Aray--!" Medyo tumalsik si Josh at napatingin kay George habang hawak niya ang kanyang batok.

"Baliw ka, tinakot mo pa! Pano pag lalong hindi sumama iyang mga yan, edi lagot tayo sa mga yun!" Sita nung George.

"Sorry na! Ang layo ng nilakbay natin tas mukha pa tayong nagjo-joke neto. Nakikain na nga ko dahil sa sobrang pagod at gutom tas, NAG JO-JOKE LANG PALA KO!?" sorry na kase, malay niyo mino-modus nga lang talaga kame, diba?

"Bahala kayo kung ayaw nyong maniwala pero dadalhin at dadalhin namin kayo sa Empyrean kahit ayaw niyong sumama." Walang emosyong sabi nung isa na si Jack ata? tahimik kase eh, yan tuloy di ko napapansin.

"Wait lang! Pag-usapan natin toh! Bumalik na lang ulit kayo dito bukas baka sakaling ready na kaming mag desisyon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari eh. Kakauwi lang namin! Pag-pahingahin nyo naman kami!" Sigaw ko sa tatlong lalaki.

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon