Chapter 2- A Visitor?

154 71 38
                                    


Yna's POV

Paalis na kami ng kapatid ko para pumasok. Siya sa school samantalang ako sa trabaho.

Nagtatrabaho ako sa isang publishing company bilang isang book editor at mayroon akong terror na boss na tawagin na lang natin sa pangalang Mr. Panotzki, tsk.

Hindi ko nga rin alam kung pano pero pinalad akong maging isang book editor.

"Alis na tayo ate!" Sigaw ng kapatid ko.

"Oo! Eto na patapos na, masyado kang nag-mamadali!" Sigaw ko pabalik habang binibigyan ng pagkain si Ferry, yung napulot kong pusa na pinangalanan ng kapatid ko na Ferry para masaya kasi parang katulad daw sa pangalan ng rides dun sa Peryahan dito sa lugar namin. Nagtaka pa ko kung ano yung tinutukoy niya pero bigla kong naalala yung Ferris wheel. Sabi ko naman loka-loka sya. Hirap talaga ng may kapatid kang lukaret.

Nung natapos ako, lumabas na kami ng apartment ni Jessi at ni-lock ko ang pinto.

.

.

.

"Miss Mendoza, gusto kong ayusin mo ito bago mag 8pm, maliwanag?" Tanong ng terror kong boss sabay nilapag sa lamesa ko yung sandamakmak na papel niya kaya napahinga ako nang malalim.

"Opo, Mr. Santos." Sagot ko at pekeng ngumiti kay Boss.

"Actually Sir madilim talaga, nagdidilim paningin ko sayo." Bulong ko nung nakatalikod na si Sir.

Alangan namang sabihin ko sa kanya yun ng harapan? Baka ma-tegok ako at mawalan pa ng trabaho. Tsaka may galang pa rin naman ako sa matatanda kahit papaano.

Shemay, minsan gusto ko syang ilibing ng buhay!

Hindi siya mismo ang CEO ng company pero siya ang editor-in-chief namin. Hayy, buhay. Bakit ko ba naisipang magtrabaho dito? Ba't hindi nalang ako nagtayo ng sari-sari store?

.

.

.

After several hours...

Sa awa ng diyos natapos ko naman yung mga pinapagawa ni Sir Panotzki sakin bago mag 8:00 pm. Pauwi na ko ngayon.

Siguradong gutom na yung kapatid ko, 8:30 na eh. Ba-byahe pa ko tapos kailangan ko pa siyang sunduin kina Aleng Mena dahil dun sya na diretso pagkagaling ng school dahil nga ni la-lock ko yung apartment namin.

Buti nga mabait sina Aling Mena which is yung landlady namin, saka hindi din mabo-bored kapatid ko dun dahil nandun yung mga apo ni Aling Mena na puros mga 4 to 6 ang edad at isip bata pa yung kapatid ko kaya hindi siya mahihirapang maki-get along.

Pagkababa ko ng jeep, kakailanganin ko pa ulit na dumaan dun sa madilim na eskinita kaya binilisan ko na ang lakad ko habang dumadaan dun.

Pagdating ko sa apartment building namin ay dumiretso ako kina Aling Mena at sinundo si Jessi na prenteng nakaupo sa sofa ng landlady namen.

"Maraming salamat po Aling Mena!" Pagpapasalamat ko.
"Salamat po!!" Paalam din ni Jessi, nginitian lang kami ni Aling Mena at tinanguan, pagkatapos no'n dumiretso na kami sa apartment namin at pinihit ko ang seradura ng pinto nang bigla itong bumukas.

Wings [Watty's 2020] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن