Chapter 32- Espiya

57 22 0
                                    


Third Person POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang ginawang pagtakas ng magkapatid na sina Yna at Jessi. Natutulog pa din si Yna hanggang ngayon.

Mas lalo namang nag-ensayo ang AOF, Katie, Mia at Jessi, Pati narin ang students ng Empyrean.

At kung akala nyo ay ang Empyrean lang ang nag-eensayo, nagkakamali kayo dahil nagpapakahirap ding mag-ensayo ang Dark Kingdom. Isang hampas ng latigo ang matatamo kapag hindi inayos ang pakikipagdwelo sa mga mababangis na hayop bilang ensayo.

"Hindi pa din po nagigising ang nakatakda." nakayukong turan ng isang alagad ng Demon sa Hari nito.

"Mabuti kung ganon. Pagbutihin mo pa ang iyong pag-eespiya ng sa ganon ay makakalap pa tayo ng impormasyon na pwedeng magpabagsak sa Empyrean! HAHAHAHA!" sabay nakakatakot na tawa ng King of Dark. Umangat ang ulo ng alagad nito at nag-umpisa ng umalis para bumalik sa Empyrean.

"Saan ka nanggaling, Jack?" tanong ni George sa bagong dating na si Jack na papasok na ng clinic para bisitahin ang natutulog na si Yna. Nandun din ang buong AOF pati sina Jessi, Katie at Mia.

"May pinuntahan lang." walang emosyong sagot nito kay George.

"Eh bakit nakita kitang palabas ng Academy?" takang tanong ni Jessi kay Jack dahil galing ito sa labas kanina.

Napahinto si Jack sa paglapit sa mga kaibigan samantalang napatingin naman ang lahat kay Jessi.

"Nakita mong lumabas si Jack?" tanong ni Gray kay Jessi at nang tumango si Jessi, tumingin silang lahat kay Jack para humingi ng paliwanag.

"Nag-ensayo ako sa labas, humanap ako ng mga mababangis na hayop na pwede kong kalabanin." walang emosyong paliwanag nito at naglakad na muli palapit sa mga kaibigan.

Mukhang nakumbinsi naman ni Jack ang mga kaibigan kaya hindi na sila nagtanong pa pero napatitig si Olivia kay Jack.

Ano na naman bang binabalak mo?

Tanong sa isip ni Olivia habang nakatitig kay Jack samantalang si Jack ay busy lang sa pagbabasa ng librong hiniram nyang muli sa library.









"Buti naman at gising ka na!" sigaw ni Jessi sa kapatid nitong si Yna na mulat na ang mata.

"Buti at ligtas ka." sagot pabalik ni Yna na nakatingin sa kapatid. Narinig naman ng buong AOF yun dahil nasa tabing gilid lang sila.

"Walanghiya ka, Yna. Tingnan mo nga ang sarili mo! Bugbog sarado ka na, iba pa ang inalala mo!" sigaw ni Mia kay Yna. Napangiti si Yna dahil sa pag-aalala ni Mia.

"Oo nga ate! Halata namang ayos ako, nag-alala ka pa talaga!" bulyaw din ni Jessi.

"Oo na! Ayos na ko kaya wag nyo na kong bulyawan pa, haha. Ganyan ba talaga kayo mag-alala? Ampapanget nyo. Haha." natatawang sabi ni Yna, hindi naman makapaniwala ang mag kakaibigan dahil sa narinig.

"Pigilan nyo ko sasabunutan ko yan." banta ni Gary sabay lalapit na sana kay Yna pero nahawakan agad sya sa magkabilang braso nina Olivia at Gray.

Napatingin si Yna kay Gary sabay tawa.

"Pagbigyan mo na Gary. Alam mo namang nabagok yang si Yna kaya wala sa tamang katinuan."sabi pa ni Josh pero tinawanan lang sya ni Yna kaya napangiwi ito.

"Malakas na tama ng isang yan. Dalhin nyo na sa Mental." sabi ni Olivia na naka-poker face pa.

"Haha...hayy.. Masaya lang talaga kong buhay pa ko... I though, huli ko ng kita sa inyo yun nung time na pumikit ako." nakangiting sabi ni Yna kaya natigilan ang lahat. Hindi nila maintindihan kung anong nararamdaman nila.

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon