Chapter 16-Mission

98 38 11
                                    


Nag-lalakad ako sa hallway ngayon. Ramdam ko pa ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadanan ko na tila ba nakapatay ako ng dalawang aswang kahapon. Pasalamat pa nga sila na hindi ko sila napatay.

Alam ko ang mga pinag-gagawa ko kahapon pero wala akong kontrol nun sa sarili ko o sa kapangyarihan ko.

Wag lang talagang subukan nung dalawang bruha na yon na salubungin ulit ako kung ayaw nilang maghalo ang balat sa tinalupan.

"Sya pala ang nakatakda..."

"Kaya pala parang iba ang itsura nya sa atin."

"Ang ganda ng pagkaputi ng buhok nya..."

"Ano pa kayang kakayahan nya?"

"Maililigtas nya kaya tayo?"

Naku ate hindi ko pa kayang mag-take risk. Ayokong lumaban sa digmaan pero kailangan.

Yan lang naman ang mga narinig kong bulungan pagkapasok ko ng classroom namin. Hindi ko alam kung bulong pa ba ang tawag dun dahil naririnig ko naman kahit nasa pinto pa lang ako papasok ng classroom.

NAG-UMPISA ang klase ni Sir Delgado samin. Oo nakabalik na sya at panay ang tingin nya sa gawi ko ganon din ng mga kaklase ko, hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong-hininga.

"Miss Mendoza, pinapatawag tayo ng Headmaster." biglang sumulpot si Han sa pinto namin kaya nagpigil ng kilig ang ilan. Nag-lelecture pa nga si Mr Delgado tapos sumabat sya bigla.
"Mukhang ihahanda na sya." Bulong ng isa sa mga kaklase ko.

"Goodluck girl." Sabay nginitian ako nina Mia at Katie na ilan din sa mga nawindang ko kahapon.

°Flashback°

Third Person POV

Hindi makapaniwala sa nangyare ang lahat lalo na't natuklasan na nila kung sino ang nakatakda. Saksi ang ilan sa mga istudyante at malamang sa malamang ay mabilis na kakalat ang mabuting balita na ito.

Nakatulalang nakatingin sina Katie at Mia kay Yna, ganon din ang reaksyon ng AOF.

"Malakas ang taglay nyang kapangyarihan." Tumabi si Frena sa mga kaibigan nya matapos sabihin iyon.

"Hindi ko alam na nasa paligid lang pala natin ang nakatakda, kaibigan pa natin." Ani Katie na ikinatango ni Mia.

"Tapos na ang misyon natin." Sabat ni Han na nakangiti pa.
"Nagsisimula pa lang tayo." Matapos sabihin ni George yun ay nilampasan nya ang AOF at sinundan sa clinic ang walang malay na si Yna.

°End of Flashback

Yna's POV

"Ano pang hinihintay mo dyan?" Bigla na lang nagsalita si Jack sa likod ko kaya napapitlag ako.

Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala sya. Nasa harapan kase ako ngayon ng pinto sa office ni Headmaster. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyare sa akin sa loob.

"Huwag kang kabahan, hindi pa ito ang simula ng pagsubok mo bilang nakatakda." Pumasok na ng Headmaster office si Jack pero iniwan nyang bukas ang pinto. Napabuntong hininga na lamang ako sabay sumunod na kay Jack. Sinara ko muna ang pinto bago ako pumasok ng tuluyan sa opisina.

Pagkatapos kung pumasok sa loob ng office nagulat ako dahil nakatingin silang lahat sa akin.

"Ahehe... Akala nyo si Marian Rivera Dantes noh???" biro ko sabay upo sa katabing sofa ni Olivia.

"Anong problema ng mga kaibigan mo, Olivia?" tanong bigla ni Headmaster na tinutukoy ata sina Jane at Melli kaya napatingin silang lahat sa aming dalawa ni Olivia samantalang ako ay nagtataka lang na may kasama na ring gulat.

"Alam ko pong ginagamit lang ako nung dalawang yun dahil sa kasikatan. Hinayaan ko na lang na dumikit dikit sila sa akin. May galit din sa akin ang dalawang yun dahil alam nilang malapit ako kay Jack." kalmadong paliwanag ni Olivia na nakapagpatango kay Headmaster.

"Well, ang nakatakda ang may karapatang mag desisyon kung anong gagawin sa dalawa dahil sya ang naaragabyado." Ngayon, lahat sila ay nakatingin na naman sa akin. Nanlaki  ang mata ko at napailing iling habang nakabuka ang bibig para magsalita.

"Ahahaha, joker ka Headmaster. Wala kaya akong karapatan hehe." hindi ko na kinakaya. Ibig sabihin ba nito kailangan kong mag desisyon kung anong parusang gagawin sa dalawa?

"Unfortunately Miss Mendoza, hindi ako nagbibiro."

"Eh, okay na po sa akin na sunugin silang dalawa, mga plastic naman sila eh." Nakangiti kong suggestion na ikinalaki ng mata nila dahil sa gulat, tinitigan ko naman sila ng may nagtatakang mukha.
"Bakit, bawal ba?" takang tanong ko.
"Sigurado ka ba dyan, ate gurl?" tanong ni Gary.

"Mga hindi kayo mabiro,.. suspend nyo nalang po sila ng 5 years para wala na po silang mapurwisyo." Mas lalo namang nawindang ang pagmumukha ng mga kasama ko kaya napakamot ako sa ulo.

"Ako na ang magpapataw ng parusa." Saad ni Headmaster na tinanguan naming lahat.
"Mabuti pa nga Headmaster." dagdag  ni Lorin.

"Hindi ito ang pinakadahilan kung ba't ko kayo pinatawag." panimula ng Headmaster kaya napatingin kaming lahat sa kanya ng may seryosong mukha.

"Aware naman tayo na nahanap na ang nakatakda. Ang kailangan na lang gawin ay i-train sya." Ayos ah, parang aso lang. I-train daw.

"Kami-kami lang po ba ang mag ti-train sa kanya?" tanong ni Gray.
"Hindi." sagot agad ng Headmaster.

"May bago kayong misyon at ang misyon nyo ay hanapin ang mag asawang wizard na pwedeng makatulong sa atin sa pagpapalakas sa nakatakda." paliwanag ni Headmaster.

"Pano namin sila mahahanap?" tanong ni Jack.

"Eto ang radar, nakaka detect yan ng wizard." Binigay sa amin ni Headmaster ang radar na kinuha naman ni Frena.

"Patawa ka Headmaster, eh ang dami daming wizard sa mundo. Ano yun, iisa-isahin po namin ang mga jejemon?" tanong ni Gary na muntik ng magpatawa sa akin samantalang si Ley ay natawa na talaga.

"Siraulo ka talagang bakla ka. Ikaw lang ang nagpapatawa sa akin ng ganto! HAHAHA." Natatawang sigaw ni Ley na nakahawak pa sa tiyan nya.

"Bash ba iyan o compliment? Baka gusto mong sabunutan kita?" Banta ni Gary.
"Pwede both? HAHAHAHA!" ang babaw naman ng kasiyahan netong si Ley.
"Pwede Ley?? Manahimik ka na, naririndi ako sa tawa mo!" sigaw ni Frena kay Ley na natawa pa din, natahimik lang sya ng mapansin nyang nakatitig si Jack sa kanya.

"Tanging malalakas na wizard lang ang nadedetect ng radar na yan at ibang klase ang lakas ng mag asawang yun kaya hindi kayo mahihirapang hanapin sila." Paliwanag ng Headmaster, kung ganon...

Malalakas lang ang nadedetect ng radar?

"Grabe ang choosy pala ng radar na yan." Sabi ko na napapailing pa, napatingin naman silang lahat sa akin kaya napayuko ako. Kakahiya eh.

"Mag-uumpisa ang misyon nyo next week. That's it for today. Bumalik na kayo sa mga klase niyo." Anunsyo ni Headmaster na sinunod namin agad at lumabas na ng office.

" Anunsyo ni Headmaster na sinunod namin agad at lumabas na ng office

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.
Wings [Watty's 2020] Kde žijí příběhy. Začni objevovat