Chapter 27-The plan

57 25 0
                                    


Kakatapos lang ng laban at lahat kami ay naghahabol ng hininga.

Hinihintay namin ang mag-asawa dito sa gubat, umalis kase ang mga ito at sinabing kukuha ng tubig para sa amin.

Habang nag-hihintay ay ginagamot ko ang sarili ko. Yes, you read it right. I can heal myself kaso nanghina ako dahil sa pag-gamit nito kaya napasandal ako sa puno na kinauupuan ko.

Gagamutin ko na sana ang mga kaibigan ko ng biglang may nagsalita.

"Don't." napatingin kaming lahat kay Jack na nagsalita, nakatingin naman si Jack sa akin kaya napatitig din ako dito.

"Anong don't?" tanong ko dahil hindi na sya nagsalita pagkatapos nyang sabihin ang 'Don't.'

"Lalo kang manghihina. Masyado mong nagamit lahat ng kapangyarihan mo kanina sa laban kaya kapag ginamitan mo pa kami ng healing ability mo, mahihimatay ka." sagot ni Jack na hindi manlang hiningal sa dami ng sinabi nya kaya napatigil ako sa pagtayo at yumuko para magpahinga.

Lahat kami ay bagsak. Bagsak as in tumba kami sa sobrang pagod.

Pagkatapos patigilin ng mag-asawa ang training kanina, lahat halos kami ay himatayin, parang si Jack nga lang ang nanatiling nakatayo ng time na yun eh.

Bumalik ang mag-asawa kasama ang headmaster kaya napalingon kami sa gawi nila.

"Congrats, hindi kayo patay." natutuwang sabi ni Head kaya napasimangot ako.

"So dapat pa pala akong matuwa na humihinga pa ko, great." sabi ni Ley at napayuko.

"Kung hindi ka natutuwang buhay ka pa, hindi ka namin pipigilang magpakamatay." sabat ni Frena na nag-rolleyes pa, napa-angat ng tingin si Ley kay Frena sabay tinitigan ito ng masama. Hindi naman nakatingin si Frena kay Ley.

Bahagya akong napatawa dahil kina Ley at Frena sabay nakitawa na din si Gary sa tabi ko tapos nag sunod-sunod na sila.

"Huwag muna kayong makampante Empyrean's dahil hindi pa tapos ang training. Pag nakapagpahinga na kayo ay uumpisahan ulit ang ensayo." seryosong paalam sa amin ni Head at umalis, naiwan kaming magkakaibigan dito kasama ang mag-asawa.

"Bumalik muna kayo sa dorm nyo at mag-pahinga. Pupunta kayo sa klase niyo pagkatapos ng 30 minutes, bukas na lang ulit ang training." sabi ni Mrs Vann at tumalikod na para umalis, sumunod naman ang asawa nya.

Grabe puno pala schedule ko. Kung alam ko lang na mangyayare ito dapat pala sinulit ko na yung oras ko sa mundo ng mga tao hay... Dapat nagbakasyon manlang ako bago pumasok sa lugar na ito.

"Narinig nyo ang mag-asawa, sumunod na kayo." sabay tayo ni Jack at umalis. Wala kaming magawa kundi ang tumayo. Kung pwede lang naming i-glue ang pwet namin sa lupa ay hindi pwede dahil may klase pa kami. Akala ko pa naman excuse kami sa lahat ng klase ngayong araw.

LUMIPAS ang mga araw at nagpatuloy ang training at pati na rin ang pag-aaral namin, sumasama pa din samin sina Jessi, Katie at Mia.

Alam nyo yung pagod ka na nga sa pag-ihensayo, mapapagod ka pa sa kakabunganga ng teacher nyo. Kaya minsan hindi ko matitigan si Sir Delikado dahil nang-gagalaiti ako.

"Ate ayoko munang magtraining ngayon." napatingin ako sa kapatid kong nagrereklamo kaya napairap ako.

"Kasalanan mo din naman. Sumali sali pa kase kayo, eh laban namin ito." sagot ko. Nasa labas kami ngayon ng kapatid ko, nag-mumuni muni lang naman kami dahil naiingayan ako sa loob ng canteen.

"Eh ate, kung ano ang laban nyo ay laban din namin dahil pare-parehas tayong mga taga Empyrean. Kahit papano ay concern ako sa pwedeng kahinatnan ng palasyong ito bago at pagkatapos ng digmaaan." napatingin ako sa kapatid ko ng sabihin nya yun, matured na sya sa edad nyang toh, nakakamangha naman.

Habang nagtititigan kami ng kapatid ko ay nakaisip ako ng idea.

"Tumakas kaya tayo?" tanong ko sa kapatid ko at nagtataka namang napatitig si Jessi sa akin.

"Saan naman tayo pupunta, Ate? Alam mo namang Empyrean itong kinasasadlakan natin. Hindi normal ang mga tao dito kaya malaman sa malamang ay mahahanap nila tayo." napaisip ako dahil sa sinabi ng kapatid ko.

"Sa mundo ng mga tao." biglang nasabi ko at napatingin kay Jessi. Nakita kong napangiti si Jessi kaya napangiti din ako.

"This is exciting. Tamang tama at nami-miss ko na ang mga kaibigan ko at mga dati kong kaklase." ganyan din ang rason ko kaya naisip kong bumalik sa mundo ng mga tao. Namiss ko ang mga collegue ko at pati na rin ang boss kong panot.

"Pumunta ka na sa klase mo, pupunta ako ng library para hanapin ang spell para sa lagusan papuntang earth." nakangiting utos ko at nagpaalam sa kapatid ko, hinalikan ako nito sa pisngi at nagtatakbong bumalik ng klase habang ako ay dumiretso papuntang Library.

Nang makapasok sa library pumunta agad ako sa spell section. Habang naghahanap ako ng libro, nakita ko si Jack na naghahanap din ng libro sa kabilang book section kaya nagkatitigan kami between the shelves.

Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Kinabahan ako dahil may masama nga pala akong binabalak at yun ay ang bumalik sa earth.

"Anong hinahanap mo?" tanong nya kaya kinabahan ako.

"Ah... Hehe... Ikaw na ba ang librarian ngayon?" pagkatapos kong sabihin yun ay nag 'tss' lang sya at nagpatuloy sa paghahanap ng libro nya kaya ganon din ang ginawa ko.

Hindi nagtagal nahanap ko din ang kailangan ko... 'Spells To Open A Portal.' napangiti ako at sinilid ko ito sa aking bag, pwede kaming kumuha ng libro dito basta ibabalik within a month, wala ng lista-listahan dahil naka-monitor ang bawat shelves. Pero paalis palang ako ng makasalubong ko si Jack.

"Hello!" sabay kaway ko pa dito at nag dire-diretso ng lakad pero bigla ako nitong nahatak sa likod ng aking damit. Patay...

"Ano yung libro na yun?" tanong nito na nakakunot pa ang noo habang ako... PINAGPAPAWISAN SA NOO!

Binitawan naman agad ako ni Jack kaya hinarap ko sya at lumayo ng konti.

"AHEHE... kalma dude, spells for magic yun, na-curious kase ako eh. Hehe." nakangiting sagot ko pero mukhang hindi ito kumbinsido kaya unti-unti itong naglakad papalapit sa akin... Ako namang si TANGA umatras pa! Napaghahalataan tuloy na kinakabahan ako.

Dumating ang punto na wala na kong maatrasan kaya napatingin na lang ako sa malayo. Nagulat ako ng ilapit ni Jack ang mukha nya sa akin kaya napaharap ako sa kanya at tumitig sa mga mata nya, nginisian nya ko sabay lakad paalis.

Hindi naman ako makagalaw dahil sa sobrang shock.

What's wrong with him?

Dapat na ba kong kabahan? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko!?

Dapat na ba kong kabahan? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko!?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now