Chapter 19- Bus and Jeep

78 36 0
                                    


Nagising ako dahil sa paggalaw ng bus na sinasakyan namin. Hindi ko pa nga namalayang nakasandal ako kay Jack na natutulog na rin kaya dumistansya agad ako.

Sumilip ako sa iba ko pang mga kasama at nakita kong natutulog din sila.

Nakita kong nakasandal si Frena kay Ley samantalang si Gray ang nakasandal sa balikat ng natutulog na si Olivia. Magkakatabi naman sina Lorin, Gary at Han. Si Gary nakapulupot kay Han na nakasandal sa bintana, nakakunot pa ang noo ni Han at tila naiinitan. Si Lorin naman ay tahimik na nakasandal kay Gary, tinulak pa nga ni Gary ang ulo ni Lorin na nakasandal sa bewang nya. Buti nalang hindi nagising si Lorin, hindi din natinag ang ulo nya dahil nakasandal pa rin sya kay Gary.

"Ba't gising ka?" nagulat ako sa biglang pag-sasalita ni Jack sa tabi ko na nagising din ata.

"Nagising kase ako." awkward na ngitian ko pa sya dahil hindi ako komportableng katabi si Jack.

"Matulog ka na lang ulit matagal pa ang byahe." tinanguan ko sya, sumandal si Jack sa bintana at sinubukang matulog ulit. Walang kagatong gatong na sumandal ako sa kanya, napatingin sya sa akin pero nakapikit na ko. Hindi na sya umangal at sumandal nalang ulit sya sa bintana.

"BABABA NA!!!!"

Otomatikong nagising kaming lahat dahil sa ginawang pag sigaw ni Josh. Naramdaman ko pang umalis si Jack sa pag kakasandal sa ulunan ko kaya napaalis ako sa pagkakasandal sa balikat nya.

"Ang sweet yong tingnan kanina." Bulong ni Lorin sa amin ni Jack mula sa likuran namin.

Namula naman ako nung marealize ko kung anong posisyon namin kanina. Magkasandalan kami ni Jack.

"Ma-issue ka Lorin." sagot ko.
"Ma-iisue ka dyan? gusto mo din naman eh!" Asar pa ni Lorin.
"Ngud-ngod kita dyan sa upuan mo, you want? Tigilan mo ko, Lorin. Gutom ako baka yung katabi ko ang makain-- what!? Ano-- ibig kong sab--"

Natawa silang dalawa na nakapag patigil sa akin sa pagsasalita.

Teka...






Dalawa????????????

Agad kong tiningnan si Jack ng marinig ko syang tumawa. T*ngina once in a lifetime lang ito. Kailangang sulitin!
Tila naestatwa lahat ng kasama ko dahil sa ginawang pagtawa ni Jack na tumigil na at nakapoker face ulit. Hala sayang! Hindi ko napicturan!

"Nakita mo yun, Yna?" Gulat na tanong ni Josh.

"O-oo" nauutal na sagot ko sa kanya.

"Ang daya hindi ko nakita!" maktol ni Josh.

"Same here. Kailangan mong ulitin yun Jack. Minsan na nga lang kitang makitang tumawa nakatalikod pa ko." sabi ni Han na nakapag pairap kay Jack.

"Shut up."

Nanahimik nalang ulit kami at bumaba na ng bus.

°Flashback°

"Bakit kailangang sa mundo pa kami ng mga tao maghahanap?" tanong ni Han na kahit ako ay pinagtataka ko rin kung bakit.

"Dahil alam na nila ang kapalaran na para sa kanila..." paliwanag ni Headmaster na mas pinagtaka namin.

"Alam nilang sila ang nakatadhana na magturo sa nakatakda. Kapalit ng kanilang kaligtasan kailangan nilang lumayo sa mga demons na nagtatangkang pumatay sa kanila."

"Masyado palang uhaw sa pagkapanalo ang demons..." sabi ni Lorin na ikinatango naming lahat.

°End of flashback°

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now