Chapter 38

50 20 0
                                    


Pagkaalis ni Jack agad ko itong sinundan hanggang sa makarating siya sa loob ng library, pumasok naman ako sa library at hinanap sya sa loob, nawala kase kaagad sya sa paningin ko pagkapasok nya sa library.

Hinanap ko sya sa bawat section ng mga bookshelves. Potion section, math section, power section hanggang sa history section. Nahanap ko naman si Jack na nagkakalkal ng libro sa history section kaya napahinto ako at napatitig kay Jack.

"Ano pang ginagawa mo dito? May problema ba?" Tanong ni Jack na hindi manlang ako tinignan at nakatingin lang sya sa mga libro na nasa shelves. Nairita naman ako at lumapit sa tabi ni Jack.

"Tayo, Jack. Tayong dalawa ang problema." Natigilan naman si Jack at humarap sakin ng sagutin ko yun.

"Anong problema sa ating dalawa?" Tanong niya na nakatingin na sa mukha ko kaya nakaramdam ako ng hiya.

"Lahat! Yung... Yung nakatadhana para sa buhay mo at... saka... yung nararamdaman mo...para sakin... " Napangisi naman si Jack sa huli kong sinabi samantalang ako naman ay napayuko.

"Ano bang nararamdaman mo para sakin, Yna?" Tanong nito na ikinagulat ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya, hindi naman agad ako nakahanap ng sagot dahil hindi ko rin maintindihan yung sarili ko.

"Tell me, Yna. Para magkaroon ako ng dahilan para ipaglaban ang buhay ko at mapaglaban ka." Naiiyak naman ako sa thought na... Mawawala si Jack sakin pero sapat bang dahilan para sabihing gusto ko din sya?

No, hindi pwedeng mangyare mamatay si Jack. Pano nalang ang AOF? Siguradong masasaktan din sila! Right?

"H-hindi ko alam." Nasagot ko, napayuko naman si Jack at nginitian ako.

"Kahit hindi ka sigurado sa feelings mo. I'lll alaways protect you. You're precious for me, Yna. Ayokong masaktan ka o kayo sa mga kaibigan ko kaya mabuti ng ako ang magsakripisyo." Maglalakad na sana paalis si Jack ng hawakan ko ito sa kanyang wrist para pigilan sya, napahinto naman si Jack at tiningnan ako sa likod nya.

"Pero hindi ko maitatangging hindi ako nag-aalala sayo kahit na hindi ako sigurado sa feelings ko, Jack." Hinarap ako ni Jack at ngumiti matapos marinig ang sinabi ko.

"Lahat naman ng magkaibigan nag alala sa isa't-isa. " Sabi nito at umalis na, naiwan naman akong nakatulala. Lumipas ang ilang segundo nakaramdam ako ng sobrang lungkot kaya napaupo ako sa sahig at tahimik na umiyak.

Bakit naman ang simpleng tahimik na tao na nakilala ko noon ay handang ialay ang buhay nya para lang sakin ngayon? Ganon ba talaga ang love? Mapanaket? Kung alam ko lang na ganto palang magmahal si Jack, dapat pala matagal palang minahal ko na sya.

Naglalakad ako ngayon hallway ng Empyrean Academy, lahat ng estudyante ay may determenadong mukha at handa ng lumaban, may iba namang halatang kinakabahan pero handa ding lumaban.

Dito sa Academy gaganapin ang digmaan dahil dito din ang pinakaligtas na lugar para sa mga Empyreans. Nakakalungkot isipin na siguradong pagkatapos ng digmaan ay masisira ang Academy.

Pero mas nakakatakot ding isipin na mananalo ang Dark Kingdom kaya pagbubutihan ko ang laban. Bumaba na ko ng School building at pumasok sa dormitory building for girls. Nakita ko namang naghahanda na sina Katie at Mia para sa digmaan sa sala namin. Wala si Frena dito sa dorm dahil meeting nila ng AOF. Nililinis ng dalawa ang kanilang mga sandata kaya lumapit ako sa kanila.

"Gutom ka na ba, Yna? Balita ko, kinausap ka daw ng headmaster?" Tanong ni Katie. Oo kinausap kaming dalawa ni Jessi ni Headmaster. Humingi sya ng tawad at pinatawad na din namin sya ni Jessi, malapit na ang digmaan kaya wala ng dahilan pa para magtanim ng galit o tampo dahil baka bukas... katapusan na ng buhay ko. Naalala ko naman si Jack, magiging ayos lang kaya sya? Nangako sya sakin... Dapat maging ligtas sya, kundi magagalit ako kay Jack.

"Oo, nagutom na nga ko. Dami dada ni Jessi eh. Hindi na naubusan ng kwento yung babaeng yun." Sagot ko kaya natawa yung dalawa.

"Sige, ikukuha na kitang pagkain. Hindi pwedeng magutom ang tagapagligtas noh." Sabi ni Mia at tumayo para pumunta ng kusina. Napangiti naman ako sa sinabi ni Mia pero nawala din ang ngiti kong iyon, Tagapagligtas? Maliligtas ko kaya sila? 

Kailangan ko silang mailigtas. Nangako ako sa mga magulang ko na patutunayan ko ang kakayahan ko, hindi pwedeng ibalewala ko nalang ang mga naging sakripisyo ng mga magulang ko at pati ng kay Jack. Ginawa ni Jack ang lahat para matuto ako at maging ligtas.

Hay, Jack jack jack, bat tayo nagkakaganto? Kung dumistansya ka lang sana sakin edi hindi ka sana nahulog sa ganda ko! Hindi sana tayo nalilito sa feelings natin! Malupet pa dun ngayong digmaan ka pa nagtapat! Hay hindi kita maintindihan.

Naiwan kaming dalawa ni Katie dito sa sala habang pinupunasan nya ang kanyang sandata, gusto ko namang tumulong kaya kinuha ko ang dagger sa isang tabi at inabot ang pamunas na nasa tabi ni Katie, nagdampi ang balat naming dalawa ni Katie at bigla nalang syang napadaing at yumuko.

"Katie?? Katie!??" Pinilit kong iangat ang ulo ni Katie dahil hindi ko makita kung saan ang masakit sa kanya.

Nakahawak kase sya sa kanyang noo kaya pakiramdaman ko dun galing ang sakit kaya nadaing si Katie.

Nagulat naman ako ng pag-angat ng ulo ni Katie purong kulay puti na ang mga mata nya. Bahagya akong napalayo kay Katie at napatingin sa kanya ng nag-aalala. Nagkakaroon ba sya ng visions? Perks of being a fortune teller?

"Masasaktan ka, Yna... Masasaktan ka ng sobra." Sabi ni Katie at pumikit ulit tapos pagmulat nya, balik na ulit sa normal ang kulay ng mata nya.

"Ma-sasaktan... Ako?" Tanong ko kay Katie.

"Huh? Anong masasaktan ka?" Tanong ni Katie na halatang nagtataka kaya nangunot ang noo ko.

"Hah? Pero sabi mo sakin kanina-- nevermind." Sabi ko nalang at nagpatuloy sa pagpupunas. Pinagsawalang bahala nalang ako ni Katie at tinuloy na rin ang pag-aayos ng gamit nya.

Bukas ng gabi... Magiging madugo na dito sa Empyrean.

Third Person POV

Nakapalibot ngayon ang buong AOF sa isang lamesa at nag-uusap usap ng kanilang mga plano para sa gaganaping digmaan.

"Tandaan nyo ang pinaka main priority natin." Salita ni Jack kaya napatingin sa kanya ang buong AOF.

"Protektahan ang Empyrean." Sagot ni Frena.
"Protektahan ang mga istudyante." Sagot naman ni Gary.
"At protektahan si Yna." Dagdag pa ni Jack kaya nag-aalalang napatitig si Olivia dito.

"Jack..." Tawag ni Olivia sa mahinang boses, napalingon naman si Jack sa kanya at nginitian si Olivia.

"Magiging maayos ako, Olivia." Nakangiting sabi ni Jack nagtataka namang napatingin si Gary sa dalawa.

"Ano na naman pinag-uusapan nyong dalawa, hah? Lagi nalang kayo lang ang nagkakaintindihan, i-share nyo naman mga nalalaman nyo!" Sigaw ni Gary kaya napatawa ang AOF.

"Sige ka nyan, Kuya Jack baka magselos si Yna kapag nalaman nyang ganyan kayo ka-close ni Olivia." Natatawang sabi ni Lorin kaya natawa ang lahat at napangiti naman si Jack sa thought na yun na magseselos si Yna.

Huling beses na makikita ko silang nakatawa...

Sabi ni Jack sa isip nya at malungkot na ngumiti habang nakatingin sa mga kaibigan nya na nag-aasaran.

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon