Prologue

264 76 29
                                    

'Paano kung malaman mong hindi ka pala normal na tao lang?'

.

.

.

Naglakad-lakad pa kami nang dahan dahan ni Jessy nang may biglang...

"ATEEEEEEEEEEE!" 

MAY DUMAGIT SAMIN MULA SA TAAS!

"AHHHHHHH! Sino kayo?!"

Napalingon ako sa mga kumuha samin mula sa likod at nakita kong mga tao ito na may...

itim na pakpak?

"Ibaba niyo kami! JESSIIIIIIII!" 

Kahit baliw ang kapatid ko, nag-aalala pa din ako para kay Jessi. Pano pag himatayin sya tapos mahulog sya mula dito sa taas?

"ATEEE!!!" sigaw pabalik sa akin ni Jessi habang nagpupumiglas sa may hawak sa kanya.

Ano ba kase 'tong mga ito? Ba't may pakpak sila!?

Natatakot ako dahil sa... 

SOBRANG TAAS NA NG LIPAD NAMIN FEELING KO LALABAS NA KAMI NG EARTH!

Nasa kalagitnaan kami ng pag pa-panic ni Jessi ng biglang tumalsik yung kasama ko at nabitawan nya ko.

"KINGINAAAAAAAAAA!" sigaw ko habang bumubulusok ako pababa ng biglang may sumalo sakin.

Si George.

Na may pakpak na kulay puti.

Tangna, anong kaguluhan itong napasok namin? Simula ng makilala namin itong mga taong ito, bigla na lang gumulo ang tahimik kong buhay. 

"ATE YNA!" Sigaw ng kapatid ko at nakita kong buhat na siya ni Josh. 

Nakita ko ding nakikipaglaban na si Jack dun sa dalawang may itim na pakpak na dumukot samin.

"Ilayo nyo na sila dito, dalhin niyo na sila kung saan sila nararapat. Hindi na sila ligtas!"

Anong klaseng lugar pa nga ba ang matatawag naming ligtas?

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now