Chapter 4- The school

130 48 35
                                    


Yna's POV

"Hoy, paano yung Jack na yun do'n?!" Sigaw ko sa dalawang lalaki na kasa-kasama ni Jack kagabi sa apartment. Palayo na kase kami kay Jack na nakikipaglaban sa dalawang impakto na dumagit samin kanina.

"Kaya niya na yun, si Jack pa? Ang kailangan naming gawin ngayon ay madala kayo ng ligtas sa Empyrean!" Sigaw sa akin pabalik ni George.

"Hindi nyo pa ba kayang palabasin ang pakpak nyo? Kingina ang bigat ng isang toh." reklamo ni Josh na buhat-buhat si Jessi.

"Eh kung alam lang namin, edi sana nilabas na namin kanina pa diba!? Common Sense naman! Mabubulok utak mo niyan pag di mo ginagamit!" Sigaw ni Jessi kay Josh. Nasa ere kase kami ngayon at nalipad.

"Kasalanan ko pa!?!"

"Alangan namang ako pa!?"

"Tumigil na nga kayo dyan! Bumalik muna tayo sa bahay dahil kailangan pa naming kunin ang gamit namin!" Sita ko kina Jessi at Josh kaya tumahimik na yung dalawa.

"Wag na, may mga gamit na naman din kayo sa Empyrean." paliwanag sakin ni George pero hindi ko pwedeng iwan na lang ang mga gamit namin dun.

"Paano yung mga importanteng gamit namin!? Bumalik na lang kasi tayo! Mabilis lang naman toh dahil nakapag empake na kami kahapon!" Sigaw ko. Marahas na napalingon sa akin si Josh kaya gulat na nilingon ko sya.

"Impake!? Wait... Binalak nyo bang tumakas samin?!" Sigaw ni Josh na nanlalake ang mata sa amin. Gulat na napatitig ako sa kanya, ikakaila ko na sana yung paratang niya nang biglang magsalita si Jessi.

"Pake mo bang kupal ka, hah!? Eh sa mukhang di kayo mapagkakatiwalaan?!" Sigaw na sagot ng kapatid kong nababanas na sa may buhat sa kanya.

"Abat--!"

"Tama na yan! Bilisan na lang natin." Sita ni George sa kanila sabay parang nagteleport kame kaya napasigaw ako habang nakapikit, pagmulat ko ay nasa tapat na kami ng pinto ng apartment namin ni Jessy.

"Tingnan mo, kaya naman pa lang mag teleport ang lakas pa ng loob mong sitahin yung bigat ko!" Sigaw ni Jessi kay Josh, napatingin na lang kami sa kanila.

"Shut up!" Sigaw ni Josh kay Jessi at biglang may nag flash na malaking liwanag sa tabi ko kaya napapitlag ako.

May sumulpot kase bigla, nagteleport lang pala si Jack papunta din dito sa apartment, pero bakit parang kidlat ata yung pang teleport niya?

"Ano pang ginagawa nyo dito?"

Damnnnnn... Nakakatakot namang mag salita ng isang toh, mas mabuti pang manahimik sya eh. Ang lalim kase ng boses niya.

"May mga mahahalaga pa daw na gamit na kukunin yung dalawang magkapatid." Sagot ni George kay Jack.

"Ano pang ginagawa niyo dyan? Kunin niyo na. Nasasayang oras natin baka maabutan pa nila tayo dito." Walang emosyong utos ni Jack kaya napa madali ako na ipasok ang susi sa seradura ng apartment namen, pati si Jessi ay napamadali din dahil siguro natakot din siya kay Jack.

Matapos naming kunin ang mga importanteng gamit namin, binuhat din ni Jessi si Ferry para dalhin kasama sa Empyrean. Pumayag naman yung tatlo at hinawakan kami sa kamay tapos bigla na lang kaming lumiwanag na parang flash ng kamera at sa isang iglap lang ay nasa tuktok na kami ng building.

"Hindi ba tayo pwedeng mag teleport patungo sa patutunguhan?" Umiling si George bilang sagot sa akin.

"Hindi pwedeng gamitin ang teleportation mula dito papunta sa Empyrean. Kailangan nating lumipad at bigkasin ang spell." Paliwanag ni Josh, napatango na lang ako. Hindi naman nagsalita si Jessi dahil pagod na.

Wings [Watty's 2020] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant