Chapter 36-Jack

51 18 0
                                    


"Wow, singer pala tong si Yna eh." Puri ni Katie ng makababa na ko sa stage. Natawa naman ako dahil sa sinabi nya

"Singer ka dyan? Wala nga lang yung pagkanta ko na yun." Sagot ko. Pa humble ako eh, bakit ba?

"Naku!!! Magaling kang kumanta maniwala ka sakin!" Puri ulit ni Katie kaya mas lalo akong natawa.

"Eh... Nakita mo ba si Jack? Umalis kase sya bigla kanina." Tanong ko kay Katie kaya napakunot ang noo nya.

"Ang alam ko lumabas sya." Sagot nya sabay turo sa pinto palabas ng venue.
Napatango ako at hinarap si Katie.

"Ah, sige mamaya nalang." Paalam ko kay Katie. Nagtataka namang tinanguan nya ko bago ako lumabas sa pintuan na tinuro nya.

Pagkalabas ko, nakita ko kaagad ang likod ni Jack na naglalakad palayo kaya napatakbo ako para maabutan sya, bahala na kahit naka gown at heels ako.

"Jack!" Sigaw ko dito para pigilan sya, hinatak ko pa paatas ang gown ko para di ako mahirapan sa pagtakbo. Hindi naman ako nilingon ni Jack kahit alam kong narinig nya ko, ano na naman bang problema ng tahimik na lalaking ito?

Mas binilisan ko pa ang takbo ko at pilit inabot ang wrist ni Jack kaso dahil hindi ako sanay sa suot kong heels nadapa ako, bobo talaga.

"Ay, hayup!" Nasabi ko pa bago tumumba, ng madapa ako doon lang ako hinarap ni Jack at lumapit sakin para alalayan ako sa pagtayo.

"Tas ngayon mo lang ako lalapitan kung kailan nadapa na ko? Ano na naman ba kaseng life issue mo at umalis ka ng party?!" Sigaw ko dito habang tinatayo nya ko, he just let out a soft chuckle then look at me. Pinagpagan nya pa ang gown ko bago kami nagtitigan na dalawa.

"May mga bagay na hindi mo na dapat malaman, Yna." Sabi nito at umalis, hindi ko na sya mahabol dahil sa gulat.

.

.

.

Natapos ang party, balik na ulit sa normal ang academy at nag-uumpisa na ulit mag-training ang mga Empyreans.

Nandito ako ngayon sa library dahil pahinga namin saglit ng mga tropa mula sa training.

"Oh? Ba't dito mo naisipan magpalipas oras?" Nakangiting tanong ni Gray na bagong dating, nginitian ko lang sya at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro na kinuha ko.

"Nahilig na kase akong magbasa simula ng magtrabaho ako sa isang publishing company." Sagot ko dito sabay tumabi sya sakin sa pag-upo.

"Nagtrabaho ka? Hindi ka nag college sa mundo ng mga tao? Nakakahanga ka talaga, Miss Mendoza." Nakangiting saad nito kaya natawa ako. Hindi na naman din bago ang gantong case na gaya ko. Mga kabataang hindi nakapag-college. Laganap sa pilipinas yung mga katulad kong kabatang nagta-trabaho instead of going to collage dahil narin sa kahirapan pero hindi naman ako nag-rereklamo.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at nagsimula naring mangalap ng libro si Gray na nasa lamesa namin. Mga libro iyon na kinuha ko lang sa shelves ng basta basta, hehe.

Nakarinig naman kami ng bell sa pinto indikasyon na may pumasok sa loob ng library kaya napalingon kami dun ni Gray at nakita namin ang walang emosyong mukha ni Jack. Lumapit sya samin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Mag-uumpisa na ang practice." Simpleng sabi nito sabay lakad palayo samin.

"Hindi ko sya maintindihan." Napalingon sakin si Gray ng sabihin ko yun, nakalayo na din si Jack samin.

"Walang kahit sino man ang nakakaintindi sa nararamdaman nya kaya natatakot kami ng AOF na baka one day mag suicide nalang yan." Natawa ako dahil sa sinabi ni Gray. Mukha namang hindi suicidal na tao si Jack kaya hindi ko siguro kailangang mag-alala,... diba?

Nagtungo na kami ni Gray sa gubat para magpractice ulit. Nakakapagod na nga, pakiramdam ko hihimatayin ako sa mismong digmaan dahil sa sobrang pagod dahil sa practice.

Nag-umpisa ulit ang practice pagdating namin at sa gulat ko maaga kaming pinag pahinga ng mag-asawang wizard kaya nagsibalikan kami sa dormitory para magpahinga sa mga sarili naming dorm.

"Hay, magpapahinga na muna ako, wala na kong panahon para kumain." Sabi ni Frena at pagod na pagod na umakyat ng hagdan para magpahinga sa kanyang kwarto, naawa naman ako sa itsura nila.

"Sige magpahinga na kayo." Sabi ko sabay pasok na rin sa kwarto ko at hindi na naisipang mag-hapunan.

Iba talaga kapag lalaban ka sa digmaan, dapat nga hindi kami nagpapahinga eh. Hindi kase biro yung kakalabanin namin, buti sana kung normal na tao lang kaso demon yun.

Sinubukan kong matulog kaso nagpagulong-gulong lang ako sa kama ko pero 'di parin ako makatulog.

Kinuha ko na lang ang golden book sa side cabinet ko para makapagbasa, pampaantok lang ba.

Nag flip ako ng mga pages hanggang sa makita ko yung mga prophecy na nakasulat dun kaso isang specific propechy lang ang nakakuha ng atensyon ko.

The knight should sacrifice his life for his princess.

Ayan ang nakasulat sa golden book.

Pagkabasa ko nun bigla nalang may nag-flash na eksena sa utak ko.

Duguan ang mukha ni Jack at nakita ko rin na maraming naglalaban, mukhang itong scenario sa digmaan.

Bigla kong naibato pabalik sa cabinet ko ang libro at napaisip sa nakita ko. Bakit nag flash sa utak ko ang mukha ni Jack?

Hindi kaya...

Napatakbo ako palabas ng kwarto at lumabas ng dorm namin para pumunta sa rooftop ng dormitory building ng AOF. Ewan pero dun ako bigla dinala ng mga paa ko. Gusto ko lang namang hanapin si Jack dahil naguguluhan ako.

Nakaakyat ako ng rooftop at hinanap ang hinahanap ko, nakita ko naman itong nakatingin lang mula sa malayo habang nakatayo sa gilid ng rooftop.

"Anong ginagawa mo dito, Yna?" Tanong ng nakatalikod na si Jack sabay harap nya sakin, bigla ko namang naalala yung nakita ko kanina. Suddenly, I felt so emotional, gusto kong umiyak.

Tumakbo ako palapit kay Jack sabay niyakap sya. I buried my face into his chest, nagulat naman si Jack sa ginawa ko pero niyakap nya din ako pabalik kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

Naalala ko din ang mga sinabi nya sakin kagabi during the celebration nung sumasayaw kaming dalawa.

Flashback

"Jack?" Tanong ko, awkward eh. Hindi ko alam ang nasa isip nya kaya kinakabahan ako habang nakahawak sya sa akin at nagsasayaw kami.

"Mmm?"
"May problema ba?" Tanong ko ulit.
"None." Sagot nya at niyakap ako ng mahigpit, nanlake m ang mata ko dahil sa ginawa nya at napatingin sa mga kaibagan kong busy na din sa pagsayaw.

"It's just... How i wish that... I can stay like this forever..." Dagdag pa ni Jack na ikinagulat ko at kinataka na rin. Bakit..? Hindi ko sya maintindihan. Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumawag sa akin. .

End of flashback.

Eto ba yun? Ayun ba ang tinutukoy mo? Alam mo ba ang lahat?

Eto ba yun? Ayun ba ang tinutukoy mo? Alam mo ba ang lahat?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon