Chapter 15- The True Yna

92 41 22
                                    


"Isa sa alam naming posibleng kapangyarihan ng nakatakda ay kadiliman at liwanag. Ang mga pakpak din nito ay kulay itim dahil nga ang nakatakda ay isa't kalahating demon at empyrean. Siguradong napakalakas ng taong ito." Kasalukuyan kaming nasa classroom at nakikinig sa teacher namin na si Miss Sarah.

Napaka awkward ng sitwasyon na ito para sa akin. Hindi sila aware na nasa paligid lang ang nakatakda at sya pa ang topic. Mas awkward pa dito ay ako ang lesson for today.

Actually medyo napa-praktis ko na ang mga kakayahan ko katulad ng pagpapalutang, teleportation at iba pa. Salamat sa Golden book nalaman ko ang mga bagay na yun. Alam ko rin na napaka gifted ko dahil ang bilis kong matuto na kahit ako ay nagulat dahil dun.

Nakikinig lang ako dahil sigurado akong marami pa kong hindi alam.

Hanapin nyo ko ng mabilis AOF, jebaaaaal~~

.
.
.
.
.
.
.
.

"Olivia, ano nang gagawin natin dito sa babaeng ito?" Nakangising tanong ng kasama ni Olivia na si Melli ata.

"Do what you want." Simpleng sagot ni Olivia samantalang ako eh nakakunot pa rin ang noo habang hawak ang tray na binili ko sa cafeteria.

Nasa cafeteria kase kami ngayon dahil kakatapos lang ng klase kaya nandito kami nina Katie at Mia. Papunta na nga sana ko sa mesa namin ang kaso gumagawa na pala ng eksena ang mga taong ito.

Pinapanood ko pa din ang nanyayareng gulo ng bigla akong mapansin ni Jane na isa sa mga tropa ni Olivia.

"Oh! Mukhang merong may gustong makisali!" Nakangiting ani ni Jane na nakatingin sa akin kaya napangiwi ako.

Plain lang na napatingin sa akin sina Olivia at Hannah samantalang nakakatakot na nakangiti sa akin sina Melli at Jane.

Napansin ko din ang itsura nung babaeng binubully nila kanina na tila nag-aalala sa akin, ganon din ang reaksyon ng ibang istudyante samantalang ang iba ay tila nasisiyahan pa sa nasasaksihan nilang 'scene'.

"H-hah?? Ahehehe nanahimik ako dito eh... walang damayan mga bes hehe~" sagot ko at awkward na tumawa pa.

Lumapit bigla sa akin yung Jane at nginitian ako, sobrang lapit ng mukha nya sa akin, napalunok tuloy ako at napayuko.

Kung pwede ko lang sanang i-praktis sa kanya ang Dark magic ko na nabasa ko sa Golden book ay gagawin ko talaga, kaso di pwede.

"Fck you, btch. Sinasagot mo kami kahapon ng pabalang at wala ka pang galang kay Olivia. Tingin mo makakatas ka pa ngayon ng ganon-ganon na lang lalo na't wala ang ibang members ng AOF dito?" Sabay tinawanan pa ko ni Jane, nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya dahil hinila nya bigla ang buhok ko na nakapag padaing sa akin. Nabitawan ko din ang dala kong tray dahil hinatak nya ako palapit kina Olivia.

"Ah! Bi-bitawan mo ko!" Sigaw ko pero patuloy nya pa rin akong hinahatak palapit kina Olivia na wala pa ring reaksyon habang hatak ako ng alagad nya.

Nakita ko naman sina Katie, Mia at ang kapatid ko na nag-aalalang nakatingin sa akin kaso natatakot silang madamay.

Binalibag ako ni Jane palapit dun sa babaeng binu-bully nila kanina lang kaya napadaing ako. Pag-kalapit ko dun sa babae ay hinawakan ko ang kamay nya.

"Anong pangalan mo ate?" Bulong ko dun sa babae habang nakangiwi dahil ramdam ko ang sakit ng balakang ko.

"H-hah??" Napatingin pa sya sa akin habang gulat ang ekspresyon nya.

"Ano ba yan ate! Sa gantong klaseng sitwasyon, dapat talasan mo ang senses mo! Ang tanong ko, anong pangalan mo? Para alam ko kung sino ang kasangga ko sa mga oras na toh. Sabay nating kakalbuhin ang mga bruhang yan pagdating ng araw." Bulong ko ulit pero may diin na yung pagkakasabi ko.

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now