Chapter 31- Grandfather

53 20 0
                                    


Third person POV

"Masyadong delikado ang epekto sa kanya ng Angel's spell lalo na't isa syang part demon." paliwanag ng doctor sa AOF kasama sina Mia, Jessi at Katie, kasama din nila ang Headmaster.

Halata ang kaba sa mukha ni Jessi habang tinititigan nya ang kanyang natutulog na ate.

"Kamusta na ang Ate ko?" nag-aalalang tanong ni Jessi. Napayuko naman ang doctor at napailing.

"Masyadong komplikado ang lagay ng ate mo lalo na't nag lalaban ang dugong Demon at pagiging dugong Empyrean nya." napatitig ang lahat sa natutulog na si Yna ng sabihin yun ng doctor. Wala ng nagsalita simula ng marinig nila yun.

"Pwede ka ng magtrabaho sa iba pang pasyente, kami ng bahala kay Yna." sabi ni Head na hindi pinansin ng magkakaibigan dahil nakatingin sila kay Yna.

"Pasaway talaga." biglang bulaslas ni Frena habang nakakunot noong nakatitig kay Yna.

"Bakit ba ang pasaway nyong dalawang magkapatid?" tanong ni Josh kay Jessi at napatingin pa sila sa isa't isa pero malungkot lang syang tinitigan ni Jes kaya napayuko na lang si Josh.

"No wonder, dahil makulit at pasaway din ang anak kong si Lilia. Mas lalo pa syang naging pasaway ng mas piliin nya si Prince kesa sa akin o sa Empyrean." nakatulalang kwento ni Headmaster na nakatingin kay Yna.

Halata namang nagulat ang lahat bukod sa dalawang yelo ng istorya na ito na sina, Olivia at Jack.

"Ibig po bang sabihin kayo ang lolo namin?" takang tanong ni Jessi habang naluluha. Lalong napaiyak si Jessi ng tumango si Head kaya nataranta ang lahat na kahit ang mga yelo ay napakunot ang noo.

"Alam nyo po ba nung namatay ang mga magulang namin, panay si Ate ang naghihirap! Nagtataka ako kung bakit walang kamag-anak ang natulong samin ng kapatid ko! Hindi ako makapagtrabaho para sa kanya kaya nagtitiis na lang ako sa isang tabi habang tinitingnang naghihirap ang ate ko! Kaya isinusumpa ko LAHAT ng mga kamag-anak naming hindi tumulong samin o nagpakita manlang!" bigla itong tumayo sa sofa at nag-walkout, napatingin ang lahat sa headmaster at napayuko naman ito.

"Nagalit ako kay Lilia kaya hinayaan ko sya at hindi na ko kumuha ng balita tungkol sa kanya... Sarili ko lang ang inisip ko noon." nakaramdam ng galit sina Han, Ley, Frena at Olivia sa Headmaster pero pilit nilang inintindi ito dahil malaki nga naman ang kasalan ni Lilia.

Umibig sya sa ibang uri... Kasalanan ba talaga ang magmahal?

"Susundan ko siya." paalam ni Josh at umalis na.

"Okay lang po yan, Headmaster. Siguro balang araw maiintindihan ka din nya." pagpapagaan ng loob ni Lorin sa Head. Nginitian naman sya nito at umalis.

"Ang dami naman pa lang pinagdaanan nitong si Yna sa buong buhay nya." biglang nasabi ni Han ng makaalis na ang Head.

"I envy her, kahit kailan kase hindi ko sya narinig magreklamo about her past life. Samantalang ako reklamo ng reklamo kapag may training." nakayukong sabi ni Ley.

Napatingin si Mia sa mga kasamahan nya.

"Hindi kaya... Kaya sya tumakas papuntang mundo ng mga tao ay dahil gusto nya lang magpahinga?" tanong ni Mia kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"Kung ganon ay ang tanga natin dahil nakipaghabulan pa tayo sa kanila." saad ni George kaya natahimik ang lahat.

Jessi's POV

Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob pero naiinis lang ako kapag naiisip ko lahat ng pag-hihirap ni Ate.

Nang dahil sa akin nagpakahirap sya sa pagtatrabaho para lang mapag-aral ako tapos wala pang tumulong sa amin, imposible namang hindi alam ni Headmaster na nabubuhay kami. At kung hindi man nya alam na nagkaroon ng anak sina Mama at Papa hindi ko na alam ang iisipin ko.

"Jessi?" napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Josh.

"Anong kailangan mo?" tanong ko kay Josh at nagpahid ng aking luha.
Umupo naman sya sa tabi ko. Nakaupo kase ako sa isang bench dito sa garden ng Academy.

"Galit ka ba kay Head?" tanong ni Josh sa akin kaya napangiti ako.

"Eh ano bang pakialam mo?" natatawang tanong ko kaya napailing si Josh.

"Alam mo bang masamang magtanim ng sama ng loob? Kaya forgive and forget. Alam mo namang sinuway ng mga magulang mo ang patakaran ng Dark kingdom at Empyrean kaya sumama ang loob ni Head sa anak nyang babae. May kasalanan din si Head kaya kailangan mag-usap usap ang pamilya nyo para maliwanagan kayo." nakangiting paliwanag sa akin ni Josh kaya napatitig ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko si Josh sa bewang at sumandal sa dibdib nya. Nagulat si Josh pero niyakap nya pa rin ako pabalik.

Sanay kase ako na mangyakap kapag masama ang loob ko, kahit nga teacher ko nayakap ko noon kase sumama yung loob ko sa isa kong kaklase ng tinamaan ako ng bola. I feel better now. Buti nalang kinausap ako ni Josh.

Headmaster's POV

Malaki ang kasalanan ko sa pamilya ko, kailangan kong kausapin ang mga apo ko. Sana mapatawad ako ng anak kong si Lilia dahil hindi ko nagawang tulungan ang mga anak nya.

"Sir? Ano po bang klase ng Demon ang kinalaban ni Yna? Hindi pa po ba yun ang pinuno nila?" tanong sa akin ni Han dito sa aking opisina, pinatawag ko kase silang magkakaibigan.

"That is the upper class demons, pangalawa sa pinakamataas. Ang pinakamataas ay ang King nila." paliwanag ko naman.

"Patay na po ba sila?" tanong naman ni Olivia.

"Yung sinaksak ni Yna ng glass shard ay namatay since may angel's spell ang ginamit nyang pangpatay. Yung isa pa nilang kasama ay nabuhay dahil may kakayahan silang i-heal ang sarili nila. Ordinaryong espada lang ang ginamit ni Yna sa demon na yun." paliwanag ko ulit sa tanong ni Olivia. Both empyrean and demons can heal themselves pero mas mabilis gumana ang healing ni Yna dahil nga dalawa ang katauhan nya.

"Another task for you, kiddos." napalingon ulit silang lahat sa akin ng seryoso ang mga mukha, kapag nag task kase ako ibig sabihin importante ang ipagagawa ko sa kanila, kaya nagsalita ulit ako.

"Mag ensayo pa kayo, at kapag gumaling si Yna ay isama nyo na rin sya... Also, sabihan nyo na rin ang mga teachers na i-train ang Empyrean Students. Protektahan nyo sina Yna at Jessi, protektahan nyo ang sarili nyo and protect the kingdom.

Nakakalimang kabilugan ng buwan na tayo at kapag naka anim na, kailangang handa na tayo sa laban." seryosong utos ko kaya sumeryoso din sila.

Tumango silang lahat kaya napasandal ako sa upuan ko because of relief.

"Naiintindihan namin." saad ni Jack na tumayo na at yumuko sa akin saka umalis, ganon din ang ginawa ng iba kaya naiwan na kong mag-isa sa office ko. Napahinga ako ng malalim bago nag-umpisa ulit magtrabaho.

 Napahinga ako ng malalim bago nag-umpisa ulit magtrabaho

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now