Chapter 37

53 19 0
                                    


Matagal ang naging yakapan namin ni Jack pero sya na mismo ang naghiwalay sa aming dalawa dahil hindi ako makabitaw.

"Ano bang problema, Yna?" Tanong ni Jack at pinunasan ang tumulong luha sa mata ko, hindi ko manlang napansin na naiyak na pala ko.

"Umamin ka, Jack... Alam mo ba?" Tanong ko habang pinipigilan ang pag-iyak.

"Ang alin?" Takang tanong ni Jack na nakatitig sa mga mata ko, siguradong na wiwirduhan na sakin si Jack pero alam kong may alam sya!

"Alam mo ba ang mangyayare sayo sa digmaan!? Alam mo bang kailangan mong mag-sakripisyo para sakin!?" Sigaw ko sa kanya at hinampas ng kamao ko ang dibdib nya.

"Pano mo nalaman?" Nag-aalalang tanong ni Jack. Naluha ako dahil sa sinagot nya, so may alam nga sya?

"Jack naman eh! Ba't di mo sinabi sa akin!? Alam mo bang pagsisisihan ko toh buong buhay ko kapag may nangyare sa inyong masama ng dahil lang sakin!?" Sigaw ko ulit, tingin ko nga mawawalan ako ng kontrol dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko.

"Yna, tanggapin na lang natin na hanggang bukas nalang ang ating huling pagkikita, wag mong sasabihin sa mga kaibigan natin ang nalaman mo." Sabi ni Jack, kita ko ang lungkot sa mga mata nito habang tinititigan nya ko.

"PERO BAKIT!?!?" sigaw ko habang humahangin ng malakas, naging kulay itim narin ang buo kong mata. Hinawakan naman ako sa mag-kabilang braso ni Jack.

"Kumalma ka, Yna. Eto din naman ang gusto kong mangyare, ayaw kong mapahamak ka kaya handa akong ibuwis ang buhay ko para sayo." He sincerely said.

Nagtuloy tuloy ang patak ng luha sa mga mata ko ng sabihin nya yun, lalo ding bumigat ang pakiramdaman ko hanggang sa umulan na ng malakas.

"BAKIT!? BAKIT KAILANGANG MAY MAWALANG BUHAY PARA SA AKIN!? BAKIT KAILANGAN MONG MAGSAKRIPISYO? BAKIT KAILANGAN KANG MAWALA SA AKI--"

Natigil lang ako sa pagsigaw ng hawakan ni Jack ang kaliwang pisngi ko at hinatak ako palapit sa mukha nya.

Hinalikan nya ko.

Umaliwalas bigla ang paligid at nawala na rin ang ulan. Bumalik din sa normal ang kulay ng mga mata ko at pumikit para damhin ang halik ni Jack sakin, ginalaw nya ang labi nya pero hindi ako makatugon sa halik, lumuha lang ako habang hinahalikan nya.

Hindi labag sa loob ko ang ginawa nyang paghalik sa akin dahil sa maingat nya kong hinahalikan. Ano ba talagang nararamdaman mo Jack? Ba't ba kase hindi kita mabasa?

Hiniwalay na ni Jack ang labi nya sakin pero hindi ko parin minulat ang mata ko.

"Hindi eto ang gusto kong mangyare..." Bulong ko sa aking sarili habang nakayuko, narinig naman ni Jack ang bulong ko kaya hinawakan nya ko sa baba at inangat ang ulo ko.

"Hindi rin ganto ang gusto kong mangyare sa atin, Yna. Hindi ko gustong iwan ka." Sagot ni Jack.

"Bakit?" Tanong ko, hindi ko nga alam kung bat natanong ko yan.

"Dahil mahal kita."

Natahimik kaming pareho ni Jack dahil sa sinagot nya. Lumipas ang ilang segundong pagtititigan namin bago ako nakapagsalita.

"Mahal mo ko? Kailan? Paano?" Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi nya, hindi ko naman alam ang nararamdaman ko para sa kanya, ni hindi ko nga napansin na mahal nya pala ko.

"Oo at kaya kong gawin lahat ng makakaya ko para sayo." Sagot nya ulit.

"Then, wag mong tuparin ang propesiya! Wag mo kaming iwan! Wag mo kaming iiwan!" Sigaw ko sa kanya. Lumapit sya sa akin at inilagay ang palad nya sa likod ng ulo ko at hinatak nya ko. Pinatong nya ang ulo ko sa balikat nya sabay yakap sakin ng mahigpit.

"Ayan ang hindi ko magagawa dahil ayokong mapahamak ka. Matagal ng nakasulat sa libro ang mangyayare sa atin kaya tanggapin nalang natin ito." Bulong nito sakin habang yakap ako, napahagulgol naman ako at mas nilubog ang mukha ko sa leeg nya.

In the end, niyakap ko nalang si Jack. Hindi ko alam kung gano kami katagal magkayakap pero it seems na parehas kaming ayaw bumitaw. Ayaw kong umalis sa mga bisig nyang yun.

.

.

.

"Napapansin mo ba yung dalawa?" Si Lorin na bumubulong sa AOF.

"Sinong dalawa?" Tanong ni George.

"Sina Jack at Yna." Sagot ni Lorin.

"Anong bang meron at pinapakialaman nyo yung dalawa?" Tanong ni Gray.

"Kanina pa kase yang dalawang yan, alam kong hindi sila madalas mag-usap pero kahit tingnan manlang ang isa't isa hindi nila magawa ngayon." Sagot ulit ni Lorin

"Baka LQ?" Hula naman ni Josh.

Tinitigan kaming dalawa ng AOF, kapatid ko, pati nina Katie at Mia. Nasa magkabilang dulo kami ngayon ni Jack, as in ang layo namin sa isa't isa.

Ako, nagbabasa ako ng libro sa lamesa habang sya nagkakalikot ng mga libro sa bookshelves kanina pa pero kahit isang libro wala manlang syang kinuha tapos di pa kami nagpa-pansinan kaya agaw pansin kami.

Alangan naman kaseng sabihin ko kay Jack na salamat sa paghalik sakin kanina, nakakaloka.

"Hey, Jack may problema ba kayo ni Yna?" Lakas loob na tanong ni Josh kay Jack pero tinitigan lang sya ng killer eyes ni Jack.

"Sabi ko nga, dapat hindi na ko nangingi-alam." Napatango pang sabi ni Josh at lumayo na kay Jack, si Gary naman ang lumapit sa akin at pumameywang sa tabi ko.

"Ano na naman bang pinag-awayan nyo? Nabuntis ka ba ni Jack?" Nanlake ang mata ko dahil sa sinabi ni Gary pero mas nagulat kami nung may tumamang kidlat sa mismong kinatatayuan ni Gary, buti nalang nakailag agad kaming dalawa ni Gary.

"Haisst! Nakakaloka! Nagtatanong lang naman ako plano mo pa kong i-letson!" Sigaw ni Gary kay Jack pero hindi sya nito pinansin.

"Kung ano mang problema nyo, ayusin nyo na. Bukas na ng gabi ang digmaan at hindi natin alam kung sino ang mawawala sa atin." Sabi sa amin ni Olivia kaya napalingon ako sa kanya, kita ko naman sa mata ni Olivia ang pag-aalala ganon din sa iba ko pang kasama.

"Tama si Olivia, magbati na kayo kung may problema man." Dagdag pa ni Gray. Napatingin ako kay Jack at saktong nilingon nya rin ako, nagkatitigan kami saglit bago tumayo si Jack.

"Walang problema." Sabi ni Jack at naglakad palayo. Tinignan ko ang likod ng papalayong si Jack bago ako tumayo din, napatingin naman sakin ang lahat.

"KAKAUSAPIN KO SYA AT HINDI KO SYA TATANTANAN!" sabi ko bago umalis, nakita ko pa sa peripheral vision ko na napangiti silang lahat at naghampasan.

"KAKAUSAPIN KO SYA AT HINDI KO SYA TATANTANAN!" sabi ko bago umalis, nakita ko pa sa peripheral vision ko na napangiti silang lahat at naghampasan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now