Chapter 33- The feelings

62 21 0
                                    


"Magkakaroon ng party next week sa empyrean. I-cecelebrate natin ang ika- 12,360 years ng Academy." anunsyo yan ni Ma'am Genovia sa unahan ng classroom namin.

Grabe namang 12,360 years yun, napakatibay naman pala ng Academy, kaya dapat hindi ito mawasak ng mga Demons.

"Yes! Sa wakas, may mangyayare ring maganda!" sigaw ng masaya kong klasmeyt kaya napangiti ako.

.

.

.

"Frena, ayusin mo ang paggalaw mo!"

"Josh, wag ka ngang maloko!"

"Han, itigil mo yang pagkain mo!"

"Olivia, don't be too agressive."

"Be alert, Jessi."

"Yna, dont be too fragile!"

Yan lang naman ang sigawan sa amin ng mag-asawang Vann, hindi na nga ako halos umihinga dahil sa pagod pero sige pa rin sa practice.

"Whoah! Kaya natin toh!" sigaw ni Gary na sinisipa yung kalaban nya.

Okay, kaya ko din toh. Hayyy.

Patuloy ang laban na ginagawa namin at napansin kong nangigigil na ko sa bawat atake ko sa kalaban dahil na din sa sobrang pagod at inis.

Naramdaman ko nalang na nag pure black ang aking mga mata na para bang sinasaniban ako dimunyo.

"Yna, tama na." naramdaman kong hinatak ako ni Jack sa magkabilang braso ko at hinarap ako sa kanya habang inaasinta ko ang kalaban.

"Hindi pa ko tapos." malalim na boses na sagot ko, para bang galing pa sa pinaka-ilalim ng lupa ang aking boses.

Bigla nalang akong hinila ni Jack payakap sa kanya kaya natauhan ako at bumalik na sa normal ang kulay ng mga mata ko kasabay ng pag-init ng mukha ko. Nag ba-blush? Nah, hindi pwede, napaka-imposible.

"Ah... Ano... O-okay na ko." nasabi ko habang yakap pa rin ako ni Jack. akasalampak ang mukha ko sa dibdib nya at hawak nya ng isang kamay ang likod ng ulo ko tapos nakapalibot naman yung isa pa nyang kamay sa balikat ko. Binitawan naman nya ko at tinitigan sa mata.

"Buti nalang may kwintas ka ni Everest, kung wala malamang nalabas mo na ang kapangyarihan mo." nasabi ni Mr, Vann habang nagtititigan kami ni Jack, napalingon naman agad kami sa kanya.

"A-ayos lang ako. Balik na kong ano.. Practice." sabi ko sabay layo kay Jack, AS SOON AS POSSIBLE!

"You sure?" tanong ni Jack kaya napapikit ako para magpigil ng feels.

"So sure!!" sagot ko habang nakangiti pero hindi nya naman kita dahil nakatalikod ako kay Jack. Ano ba itong nangyayare sa akin? Anong ginagawa mo sa akin Jack!?

________________

"Yna! Ang ganda ng gown na yun!"

"Hindi, Frena mas maganda yun!"

"Ate, gusto ko iyon!"

"Omg, ang gagandang gown!!"

"Pwede bang kumalma kayo?"

Okay..., nasa mall kami ngayon ng Empyrean kingdom para bumili ng susuotin namin para sa party.

Nagdecide kase ang faculty at ang mga kataas-taasan na mag formal wear kaming mga students ng academy for the celebration.

Magkakasama kami nina Frena, Katie, Jessi at Mia, kasama din namin sina Lorin at Olivia na mag-mall!

Nakakatuwa na nakisali samin si Olivia at iniwan nya na ang mga impakta nyang kaibigan, BWUAHAHA!

"I think this really suits you." sabi sa akin ni Olivia sabay pakita ng isang golden gown, ayos ah. May taste pala sa damit itong si Olivia dahil ang ganda ng napili nya, hinablot ko naman ang gown sa kamay ni Olivia at sinukat ito.

"Tenkyu!!" pagpapasalamat ko kay Olivia, nginitian naman nya ko. Wow, improving. Ngumingiti na, haha.

May nakita din akong red gown sa di kalayuan kaya kinalabit ko si Olivia at tinuro yung gown. Tinitigan naman ni Olivia yung red gown.

"Bagay sayo yun." bulong ko kay Olivia sabay kindat sa kanya at pumasok na sa fitting room.

Nakita kong bumagay sa akin yung gown pero hindi ko na pinakita sa friends ko ang itsura ko kapag sinuot ko yung gown. Sa party ko na ipapakita para surprise, hehe.

Nagbayad kami sa cashier matapos naming mamili ng gown tapos bumili pa kaming pang kerengkeng na pwedeng iterno sa gown na binili din namin bago bumalik sa dorm.

"San kayo galing?" tanong ni Ley kasama ang boys at nag ti-training sila.

"Girls bonding, bumili kami ng pang suot namin sa party." sagot ni Frena na kinagulat ni Gary.

"Whuut!? Hindi nyo manlang ako sinama sa girls bonding nyo!? Wala tuloy akong gown!" sabay pout ni Gary kaya tinawanan namin sya.

"O, sya. Tayo naman ang bumili ng atin, boys bonding naman!" sigaw ni Josh, hinatak din nila si Jack kase ayaw nyang sumama kaya natawa kaming girls.

"Come on, man! Wala namang mawawala kung sasama ka!" sigaw ni Han na hatak din si Jack.

"Magsisisi lahat ng nakahawak sakin ngayon." poker face na sabi ni Jack kaya napabitaw silang lahat, pinagpagan pa nga ni Gray yung damit ni Jack pagkabitaw nya.

"Sorry na boss." patawad ni Josh.

"Kaya kong maglakad." sabi ni Jack at nauna ng maglakad kaya natahimik ang lahat.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now