Chapter 23- Madam Everest

62 28 0
                                    


"Pagod is really really real~~." Reklamo ni Ley na pinipilit na lang na umakyat ng bundok. Lahat kami may hawak ng mahabang sanga para alalayan ang sarili namin sa pag-akyat .

"Shut up guys naiinis ako sa lahat ng bagay ngayon!" Sigaw sa amin ni Olivia na nakakunot ang noo.

"Buwanang dalaw mo ba ngayon?" Tanong ni Lorin kay Olivia kaya tinignan sya ng masama ni Olivia, napaatras naman si Lorin dahil sa takot.

"No. Naiinis lang talaga ako sa lahat ng bagay ngayon. I'M NOT IN THE MOOD!"

I'm not in the mood daw! Bilisan na natin sa pag-akyat baka ako pa pagbugtungan ng galit ng isang yan. Pagod na pagod na siguro kaya galit.

"Kumalma nga kayo!" Lagot, sumigaw na si Jack. Mukhang inis na rin.

"Sigaw pa more." Sabay irap ni Gary na tinutukoy si Olivia. Inis na nga talaga sila, hayyy.

"Pfft--" biglang nagpigil si Han ng tawa dito sa tabi ko. Baka siguro ayaw nyang mapuna sya ni Olivia kaya pinigilan nyang matawa.

"Olivia oh, si Han nagpipigil ng tawa." Sumbong ko  kaya napatingin ng masama si Olivia kay Han.
Nagtago naman si Han sa likod ko para hindi sya makita ni Olivia.

"Ikaw naman, Yna! Hindi kaya ako natawa!" Depensang sigaw ni Han kaya medyo napatawa ako. Inalis na ni Olivia ang tingin nya sa amin kaya pagkakataon na ni Han na hampasin ako sa balikat.

"Aruuuy! Bakit ba?" Mahinang sigaw ko sa kanya. Di mo gets? Mahinang sigaw? Sya patiwakal. De joke lang nananalantay na naman kase lahat ng kalokohan at kapasawayan dito sa katawan ko.

"Binuking mo ko." Nanlilisik na matang sabi nya sakin kaya napatawa ako at patakbong lumapit kay Jack, bago pa ko makalapit kay Jack...

"ANOO!?" tarantang sigaw ko. May dumagit kase sa aking malaking ibon. Napahawak sa kamay ko si Jack dahil naramdaman nya ang pagkakadagit sa akin.

Magkahawak kami ng kamay ni Jack pero malapit na kong mapabitaw kaya inatake ni Lorin ng Air ball ang ibon kaso hindi ito natinag sa pagkakahawak sa akin.

Sunod-sunod na silang umatake samantalang si Jack ay hindi maka-atake dahil hawak nya ko.

Masakit na rin ang pagkakahawak sa akin ng ibon dahil sa matutulis nitong kuko kaya unti unti akong nanghihina.

'Di nagtagal ay napabitaw na ko. Kasabay ng pagkakabitaw ko kay Jack ay syang pagkakadagit din sa kanilang lahat at dinala kami sa kung saan.

Feeling ko dadalhin nila kami sa pinakamataas na parte ng bundok.

Nang makarating kami sa pinaka tuktok binitawan ako bigla ng ibon kaya napasigaw ako.

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"

Naramdaman kong may sumalo sa akin mid-air kaya napatingin ako dito. Nakita ko naman si Jack na nakalabas ang pakpak at buhat ako ng pa-bridal style habang nasa ere kami.

Pagka-landing naming dalawa sa lupa, binitawan agad ako ni Jack at dinamba naman ako ng yakap ni Frena.

Ang iba ay nakaupo sa lupa dahil katulad ko binitawan din sila ng mga ibon sa ere.

"Grabe yung mga ibon na yun! Wala manlang kaawa awang binagsak ako!" Reklamo ni Ley na nakahawak sa balakang nya.
"Binitawan din naman kami sa ere pero di kami nagrereklamo!" Sabay rolleyes ni Frena kaya napa-roll eyes din si Ley.

"Tumigil na nga kayo sa pag-aaway nyo! Ako ang naloloka sa inyo eh!" Saway ni Gary sa dalawa. Bigla namang nagsalita si George kaya napatingin kami sa kanya.

"Tingin nyo kanino kayang templo toh?" Tanong sa amin ni George kaya napalingon kami sa tinitingnan nya. Nang makita namin yung kanina nya pa tinititigan ay napanganga kame.

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon