Chapter 9- Trouble

109 52 29
                                    


Kasalukuyan akong naglalakad pabalik ng Dorm namin dahil tapos na ang mga klase ko. Katulad sa normal na mundo, may curfew din dito sa Empyrean Academy.

Habang nag lalakad naisip ko na, sino nga bang mag-aakala na tatagal kami dito ng kapatid ko, ano? usually sa gantong sitwasyon na may nakapaligid sayong mga di pang karaniwang pangyayari dapat patay ka na o nahimatay kana sa sobrang gulat o kaba.  Nakakagulat naman kase ang existence ng lugar na ito kaya hindi ka talaga makakapaniwala.

Akalain nyong naka 2 months na ko dito? Congrats sakin, wiiih~~

Habang nagmumuni-muni, hindi ko namalayan na may nakatayo sa harap ko kaya nabangga ko sya, nagulat naman ako at nag sorry agad.

"Pasensya na hindi ko sinasadya." sabay bow ko pa dito habang nahingi ng paumanhin. O diba bongga? may pag bow pa ang lelang mo puro nood kase ng korea novela.

"Anong hindi sinasadya? Kita namang nasa harap mo si Olivia eh." galit na sita nung kasama nang nabangga ko.

Olivia? parang pamilyar... Sya yata yung sinasabi nina Katie na nasa rank. Mukhang bigatin tong nabangga ko, lagot.

Saka hindi ko talaga sinasadya dahil hindi ko nakita si Olivia kuno daw sa harap ko.

"Hindi ko nga sinasadya, kasasabi ko lang." sagot ko na ikinasama ng mukha ni ate. Patay ako.

"Aba't--" sasagot pa ata yung isa pang kasama nina Olivia nung inawat sya ni Olivia mismo.

"Hayaan nyo na, baka bago pa lang sya dito at hindi pa tayo kilala." Awat nung Olivia sa mga kaibigan nyang pasugod na sakin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Pero pag nakita ulit kita Miss..."

"Yna." sagot ko.

"Pag nakita ulit kita Miss Yna at ginawa mo ulit yun... You're surely dead." Banta nung Olivia na nakatingin sakin na para bang wala talaga syang pake kahit mamatay ako. Kinabahan ako at napalunok.

"Anong nangyayare?" may biglang dumating na babae na may maamong mukha na nagtanong nan.

Hindi ko napansin na marami na pa lang nakatingin samin nina Olivia at nagbubulungan pa sila kaya naka create ng ingay sa paligid.

Ganito ba talaga ang mangyayare kapag nakabangga ka ng bigtime? suwerte ko naman, kapalit ba toh ng one week na pagkawala ni Sir Delikado?

"Wala naman po Miss Lorin, nagkaroon lang ng kunting gulo." Sagot nung kasamahan nung Olivia.

Kunti pa ba yon na kapag next time na magkita ulit kami ni Olivia ay ma de-deadbol na ko?

"What's with the commotion?" bigla namang dumating ang pambansang poker face kasama ang mga friendster nya at tinanong yan.

Trouble nga naman~~

Simple akong napailing at bahagyang napatingin kay Olivia. Nakatitig si Olivia kay Jack at ganon din si Jack kay Olivia.

Wala akong pake kung nasa in a relationship ba sila,...ang nasa isip ko lang ngayon ay nasa trouble na naman ako, lintek na yan.

Nabangga ko lang si Olivia pero para namang nasapak ko sya dahil sa nangyayaring gulo dito, makaalis na nga.

Pasimple akong nagpa slide slide paalis at nung medyo nakalayo na ko ay tumakbo na ko papuntang dorm.

Josh POV

Hala san napunta si Yna? nung pagkadating namin dito ay nakita pa namin sya, pero nung nagkatitigan kaming lahat na nandun ay bigla na lang syang nawala.

Hinanap nga namin sya pwera kay Jack pero wala talaga, mukhang tumakas sya mula sa gulong nabuo nya. Pero sabi nila wala lang naman daw yung gulo na nangyari kanina, may kunting pagkakamali lang daw si Yna.

Yna's POV

"Balita namin nasali ka daw sa gulo ah?" bungad sakin ni Mia na kasama ang dalawa pa na nakaupo sa sofa, tumabi naman ako sa kanila.

"Wala yun, nabunggo ko lang si Olivia pero ang laking gulo na. Grabe naman, ang bigtime nya." sagot ko.

"Syempre nasa rank yun eh wag mo na lang ulitin sa susunod." bilin ni Katie na sitting pretting nakaupo sa sofa habang nainom ng orange juice. Pansin ko ngang mahilig uminom ng orange juice si Katie.

"Sinong namang nag-sabing uulitin ko pa yon?" banat ko.

"Buti nakaiwas ka sa gulo at hindi ka nasabunutan ng dalawang kasama ni Olivia." saad ni Frena na parang wala lang sa kanya kahit makalbo ako nung mga yun o wala lang talaga syang pake.

"Bakit parang yung mga kasama lang ni Olivia yung nalaban at nasagot para sa kanya?" tanong ko, pansin ko lang kase na parang wala syang pake kahit patayin na ko nung dalawa nyang kasama, though si Olivia din naman ang pumigil sa mga kaibigan nya na sugudin ako kanina. Yung isa nya pang kasama ay naka cross arm lang na nakatingin sa akin.

"Mas gusto ni Olivia ang patayan kesa away. It's just a first warning kapag na confront mo yung dalawa na sina Melli at Jane, second warning pag nakausap mo na yung isa pang kasama ni Olivia na sobrang tahimik na si Hannah at pag nakapangatlo ka na... si Olivia na makakaharap mo or tawagin na nating... si kamatayan. That's the reason why ilag kami sa mga yun dahil pag nagkamali ka sa kanila, patay ka." paliwanang sa akin ni Mia kaya napalunok ako ng laway.

Hirap naman pa lang kalabanin ng limang yun.

"Actually parehas lang sila ni Jack." biglang saad ni Frena kaya napalingon ako sa kanya.

"Patay ka pag-nakabangga mo sila. Parehas lang din silang walang pake sa mundo." taimtim akong nakikinig kay Frena nung sinabi nya yun.

Kaya pala parang parehas sila ng aura nung nakita ko sila ng sabay kanina.

"Ano bang...relasyon nilang dalawa?" ewan ko kung bakit natanong ko yun pero parang may something kase sa pagitan nilang dalawa.

"Mag ex sila." sagot ni Mia kaya nabuga ko yung iniinom kung tubig na nasa ibabaw ng coffe table kanina.

"One day they broke up and no one knows what's the reason or who was the reason." sagot ni Katie na papuntang kusina para ilagay sa lababo ang pinaggamitan nyang baso at kumuha ng basahan para punasan yung nabuga ko. Grabe nakakahiya, kaya ako na ang nagpunas nung maabot na ni Katie yung basahan.

"That's it for today kailangan na nating matulog at may gagawin pa tayo bukas." Paalam ni Frena na tumayo na at umakyat papuntang kwarto, sinundan naman sya ng dalawa pa na nag goodnight na din sa akin.

Oo nga pala, may potion making pa kaming gagawin bukas at maghahanap pa kami ng pwedeng gawing potion. Maghahanap din kami ng ingredients sa gubat o sa loob ng school.

Hayyy... nakakagimbal ang araw na toh, kailangan ko ng ipahinga ang beauty ko.

Simple beauty lang naman ako. Straight ang buhok kong kulay itim, medyo maputi ang balat ko at may pinkish na labi.

Matambok din ang pisngi ko, hindi ko din alam kung bakit pero dahil siguro napakababaw ng kasiyahan ko at panay tawa lang ako for my whole life kaya tumambok pisngi ko.

Yung kapatid ko naman ay medyo kamukha ko lang kaso pa wave ang buhok nya at mapula naman ang labi nya. Parehas kaming matangkad at tama lang ang katawan. Diba napakasimple? Goodnight na nga

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now