Chapter 18-Danger

83 36 3
                                    


"Pwede bang pag usapan natin toh? Hehe.." pakiusap ko sa nakahawak sa akin.

"Sad to say, Hindi ka na pwedeng magtagal." sagot nya, kinabahan naman ako.

"Eeeeeehhh!!! Huhuhuhu..." napapadyak pa ko na parang bata.

Laking pasasalamat ko na nakalayo na sa amin yung mga kasama ko. Kita ko pa naman sila pero hindi man lang nila napansin na missing in action na ko, mga dep*ta talaga. Note the sarcasm.

Frena's POV

Nakatulala lang akong naglalakad ng mapansin kong parang wala na yung katabi ko.

"Si Yna?" Tanong ko kay Han na malapit lang sa akin.

"Ano ba yan ang bagal naman nya... YNA NAMA--- YNA!!!" naalarma kaming lahat dahil sa ginawang pagsigaw ni Han kaya napatingin kami sa likod.

"Nasa trouble ka na naman ba Sis!?" sigaw ni Gary kay Yna na nasa malayo.

Hindi namin sya makita ng maayos dahil sa sobrang layo na ng nalakad namin kaya hindi namin alam ang dahilan kung bakit nakahinto si Yna at tila sobrang tuwid pa ng pagkakatayo nya.

Samantalang gulat ang itsura ni Gray. Enhance eyesight kase ang kapangyarihan nya kaya siguradong nakikita nyang mabuti kung ano ang nagyayari kay Yna ngayon.

"KINGINA NAGLALARO LANG KAME NI KUYAAAAAAA!!!" naiiyak na sigaw pabalik ni Yna kaya nataranta kaming lahat.

"May kasama sya dun?" tanong ni George samin.

"May nakahawak na demon kay Yna!" sigaw ni Gray na lalong kinataranta ko.

"Yna!!" Sigaw ko.

"Frena!" sigaw pabalik ni Yna.

Walang ka gatol-gatol na sumugod ako habang hawak ang aking espada. Wala na ding nagawa ang iba ko pang mga kasama at napasugod na din sila pero may hindi inaasahang pangyayare.

Mas lalo silang dumami dahil nag sibabaan ang iba mula sa mga puno.

"Hindi ito maganda..." bulong ni Olivia.

"Kumilos kayo ng naaayon!" pagkatapos ibigay ni Jack ang signal sabay sabay kaming sumugod sa mga taong nakaitim.

Yna's POV

Hindi pwedeng tumunganga lang ako dito at magpahawak sa kung sinuman na ito! Kailangan kong kumilos at tumulong.

Inapakan ko sa paa yung lalaking nakakapit sa akin sabay itinutok ko sa kanya ang kamay ko. May lumabas naman na force mula sa kamay ko kaya tumalsik ang lalake at tumama sa mga puno.

May nakita din akong mga demons na pasugod sa akin kaya hinablot ko sa kung saan yung dalawang staff na pag mamay-ari nung isang napatumba ni Jack.

Linagyan ko ng kunting twist yung staff ko dahil nababalot ito ng apoy. Iwinasiwas ko ang staff pahampas sa mukha ng mga demons na sumusugod sakin at nakakatulog ang mga ito, sinipa ko naman ang isa pa sabay palo sa ulo nito.

Nung wala ng sumusugod sa akin ay napatingin ako sa mga kasama ko.

Nakalabas ang pakpak ni Lorin habang inaataki nya yung mga nasa baba. Nakakatalon din sya ng mataas dahil nga nakalabas ang pakpak nya kaya madali lang para sa kanya ang umakyat sa mga puno sabay aatakihin nya ito ng kanyang air element.

Si Josh, George, Gray at Frena ay may hawak na espada at uminawasiwas nila ito sa mga kalaban.

Si Gary ay nagamit ng pana, ewan ko kung saan galing ang pana at palaso nya dahil wala naman syang dalang ganyan kanina, mukhang nagmaterialize lang ang palaso sa kamay nya at kada hila ni Gary sa palaso ay may nalabas ng pana na gawa sa liwanag.

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon