Chapter 32- Espiya

Magsimula sa umpisa
                                    

"Makakalabas ka na ng clinic bukas, pero kung sa tingin mo hindi mo pa kaya, then stay. We also have a practice tomorrow." anunsyo ni Jack, napaisip naman si Yna then tumango.

"Of course, I will be discharge here by tomorrow. May practice pa tayong dapat gawin!"

Yna's POV

"Sya ang nakatakda diba? Pero bakit hindi nya natalo ang isang demon lang?"

"Isang demon lang, napunta pa sa clinic, hah! Buti hindi yan namatay!"

"Sure ba silang ligtas tayo sa kanya?"

"I dont know, nag da-doubt na rin ako.."

Yan ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa hallway habang dumadaan ako. Wala naman akong ibang magawa kundi ang yumuko at tanggapin na mahina talaga ko.

Nagtataka nga rin ako kung bakit nasali pa ko sa team ng AOF? Bakit ako ang nakatakda? Bakit ako pa?

"May bumabagabag sayo, Yna?" salubong na tanong sa akin ni Jack ng makarating ako sa gubat na pagpa-paktrisan namin. Kaming dalawa palang dito at napansin nya atang bagsak ako.

"H-hah?... Ano... Kase..."

"Nagtataka ka kung bakit ikaw ang napiling nakatakda?" tanong ni Jack kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Y-yeah.."

"Maybe it's beacause you care... Alam namin na hindi mo pababayaan ang Empyrean, hindi mo kami pababayaan... Hindi mo hahayaang matalo ka at manaig ang kasamaan." paliwanag ni Jack kaya napangiti ako at pinigilang maluha.

"Yan ba ang... Tingin mo sa akin, Jack?" nakangiting tanong ko kay Jack, nagulat naman ako ng ngitian nya din ako.

"More than that..."

Sagot nya na nakapagpataka sa akin sabay tinalikuran nya ko.

More than that? What's that supposed to mean?

Hindi rin nagtagal nagsidatingan na ang iba kaya nag-practice na kami.

Natapos ang pag-ehensayo nagsipuntahan na sila sa kanya kanya nilang dorm para magpahinga pero nagpaiwan ako para mag-gala. Hindi na sila umapila sa pag-gagala ko dahil pagod na sila at wala ng lakas na makipagtalo sa akin.

Nakarating ako sa isang lugar na tinatawag nilang Garden of Paradise. Sabi nila nabuhay daw muli itong garden na ito nung dumating ako. Tinawag ito noong garden of darkness dahil sa nakakatakot nitong aura. Nakakaintriga naman dahil ang sabi nila dito daw ako pinanganak.

Grabe naman, mother earth, talagang niluwal mo ko sa lugar na kasing ganda ko, wiw.

'Anak...'

May narinig akong boses na nanggaling sa loob ng Garden of Paradise kaya hinanap ko ito sa paligid.

"Nay, ikaw ba yan?! Magpakita ka!"

Hindi ako magkakamali dahil alam kong boses ng nanay ko iyon!

Nag papaikot ikot ako sa paligid  hanggang sa makita ko ang mga magulang ko na nakatayo sa tabi ng isang waterfalls.

Nilapitan ko sila at tinangkang yakapin pero hindi ko sila mahawakan. Napatingin ako sa palad ko at sa mga magulang ko.

"Bakit hindi ko po kayo mayakap?" tanong ko.

'Nakakulong kami sa sumpa kaya hangga't hindi mo naliligtas ang Empyrean Kingdom, hindi mo kami mahahawakan.'

Malungkot na paliwanag ni Papa kaya napasimangot ako.

"Pano ko po sila maliligtas? Eh, wala na nga silang tiwala sa akin."

'Anak... Atlis alam mong may tiwala ang mga kaibigan mo sayo. May tiwala si Jack sayo. May tiwala kami sa iyo.'

Sagot ni Papa kaya napaluha ako. May tiwala si Jack sakin? Ano namang gustong palabasin ni Papa at inihiwalay nya pa ng banggit si Jack? Ma-issue din si Father?

'At nakalimutan mo na ba ang kakayahan nating mga Empyreans?'

Tanong ni Mama kaya nangunot ang noo ko. Maraming katangian ang Empyrean pero mas marami ang akin dahil half demon ako. Aling katangian  ang tinutukoy ni Mama?

'We have wings, Yna. And do you know what are the use of our wings?'

Nanatili akong nakatingin kay Mama habang nagsasalita sya.

"Wings are made to fly." sagot ko out of nowhere.

'Exactly, Yna. So use them, fly and don't let anybody bring you down. And if you fall, fly again. Try and try until you proved them something. Pakitaan mo sila ng bagay na hindi nila kayang gawin na ikaw lang ang makakagawa bilang nakatakda at ang pagligtas ng Empyrean ang sagot sa problema mo.'

Naiiyak na napatitig ako sa mga magulang ko. Si Mama na nagmahal at si Papa na nagtaksil sa Dark kingdom para lang maligtas kami. I've decided that I wont let them down. Hindi ko hahayaang mabalewala ang sakripisyo nila dahil lang pinang-ihinaan ako ng loob.

'Now, Yna. Spread your wings and fly.'

'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon