SPOILER: THE HYBRID's OBSESSION

2.7K 59 6
                                    

Barcelona, Spain

Walang hinto sa katatakbo ang isang babae. Wala itong suot na kahit anong supot sa paa at halata sa itsura nito na tumakas lamang ito sa kung saang impyerno. May kung sinong humahabol rito.

"P-Please...p-please..." Panay ang pagsusumamo nito habang punong puno na ng pawis at luha ang pisngi nito. Halatang malayo na ang natakbo nito.

Bigla itong napahinto sa daan ng mapansing may iilang tao itong nakita at kasali na roon ang isang lalaking nakasuot ng maroon na sumbrero. Matangkad ito. Kasing tangkad ng taong nagkulong, nagsamantala sa kanya at ngayon ay hinahanap at hinahabol siya.

Napaatras ang mga paa niya at nanginginig siyang bumalik sa daang dinaanan niya kanina ng makita niya ang lalaki na tumatakbo papunta sa direksyon niya. Naaamoy niya ito katulad ang amoy nito ng lalaking tinatakasan niya.
Hanggang sa mapadpad siya sa isang masikip na kanto at dumiretso pa siya sa loob ng isang abandonadong gusali.

Hindi niya alintana ang pagod at sakit mula sa namamaga at dumudugo niyang mga braso at paa. Mapapansin rin sa katawan niya ang ilang malalaking pantal na halatang dinaanan ito ng isang matigas na bagay at ang maraming bakas ng kagat sa iba't ibang parte ng katawan.

Dali dali itong naglakad papunta sa hagdan pataas ng gusali. Ngunit bago ito tuluyang makapunta sa huling hagdan ng gusali ay may biglang humablot sa kamay nito at agad itong isinandal ng malakas sa malapit na pader.

"You can't leave me, bitch!" Sigaw ng lalaking humablot at nagpasandal rito sa pader.

"P-Please....ple---" Hindi na nito natuloy ang pagmamakaawa ng bigla itong sinikmuraan ng lalaki. Agad na napadaosdos ang mahinang katawan ng babae pababa ng sahig. Nanginginig ito sa takot habang patuloy na umiiyak ngunit parang hindi ito makita ng lalaki. Ito ang lalaking hybrid na patuloy na pinapahirapan ang blangko niyang alaala.

"You're mine..you are.." Bulong ng lalaki sa babae habang mahigpit nitong hinawakan ang bagsak at magulo nitong buhok.

"P-Pakawalan m-mo na ako...p-please..." Nahihirapang sambit ng babae. Ngunit ngumisi lamang ang lalaki at agad nitong pinahiga ang babae sa sahig. Mahigpit nitong hinawakan ang nagpupumiglas na kamay ng babae na halatang nawawalan na ito ng lakas.

"You're mine...Athena!" Singhal nito bago kinagat ang mahinang katawan ng babae. Napapikit na lamang ang babae habang patuloy na iniinom ng lalaki ang dugo para mawala ang lakas at malay nito. Ilang sandali pa ay nanghina ang babae at malalim na naman ang paghinga nito.

Lumayo ang mukha ng lalaki mula sa leeg ng babae at dahan dahan nitong tinanggal ang pawisang hibla ng mga buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Akin ka lang at kahit kailan hindi ako papayag na makuha ka ng lalaking nakatakda sa iyo. Akin ka lang, Athena..." Usal nito.

"Hinding hindi ka mapupunta sa mga kamay ni lotharion o kahit na sino! Hindi ako papayag!" Dugtong pa nito na waring maririnig pa ng walang malay na babae ang sinasabi niya.

Siya si Zherus Earl Cañunez. Ang dating alpha ng ikalawang angkan at hawak niya ang kakambal ng lunang si Aphrodite Altazer- De Guzman na si Athena Gonzales.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें