Kabanata 3

5.3K 158 7
                                    

APHRO

Inanyayahan kami ng magulang ni Eros sa kanilang mansion para sa isang family dinner. Nasa sala sina Eros kasama ang mga magulang niya at ang aking ama.

Nandito rin ang aming mga kapatid.
Tumutulong ako sa paghahanda ng aming dinner sa mesa ng lumapit sakin ang mama ni Eros.

“Good evening, Tita.” Bati ko rito. Isa siya sa mga hinahangaan kong babae na kakilala ng pamilya ko. Naging sundalo kasi siya bago maikasal sa ama ni Eros. She's a brave but softhearted women.

“Hello, hija. May gusto sana akong ibigay sayo at sana’y huwag mo itong iwawala. Ipamana mo rin ito sa magiging apo kong babae sa inyo ni Eros.” Paliwanag niya at binigay sakin ang isang makintab na kwentas. Gawa sa ginto ang lace samantalang dirty white and pendant nito.

“Ang ganda po. Salamat at makakaasa po kayong iingatan ko ito.” Wika ko. Kinuha niya ito sa aking kamay at pumunta sa likod ko at siya na mismo ang nagsuot nito sakin.

“Bagay na bagay sayo, hija.” Komento niya.

“Ba’t niyo po pala ito ibinibigay sakin Tita?” tanong ko dala ng kuryosidad.

“Nasa iyo ang kasagutan, hija.”tanging sagot niya na lalong nagpadagdag sa aking kuryosidad. Nasa akin ang sagot?

Tahimik akong kumakain at nakikinig sa usapan ng aming mga magulang. Nasa hapag-kainan na kaming lahat.
Malalim kong iniisip iyong kwintas na kabibigay palang ng mama ni Eros sakin.

May sentimental value ito sa ina ng aking asawa kaya’t nagtataka ako kung bakit niya sakin ito ibinigay. Nang tingnan ko ang kapatid ni Eros na si Hera ay wala naman itong kwentas ng katulad sakin.

“So, how’s my daughter, Eros. Hindi ba siya nangungulit?” birong tanong ni ama na nagpaputol sa aking malalim na pag-iisip.

“No, Tito. We are on the same page.” Sagot ng aking asawa kaya pinukulan ko ito ng masamang tingin.

Same page daw, eh di ko nga maramdaman na asawa pala ako ng isang nilalang na tulad niya.

“So, ilan ang plano niyong anak?” pagtatanong ng aking kapatid na si kuya Apollo. I remain silent.

Where does this question came from?

Di ba nila napapansing pinakaiiwasan ko ang tanong at usapang ito.

“It depends on my wife, bro. Right, hon?” Sagot ni Eros. Wala sa sarili akong napatango.

Wait, Hon?
Bigla akong napatingin sa kanya.

Anong nakain nito at tinawag akong hon? First time ata to.

“I think my daughter has the guts to bear such plenty of babies.” Komento ni ama sakin.

Seriously? Anong akala nila sakin inahing baboy?

Di nga ako sigurado kong mamumulaklak ba iyong sunflower ko. Kung may pag-asa ba.

“Goodluck to your sexy and warm venture, bro.” wika ng kapatid ni Eros na si Hera.

“Gusto ko ng maraming apo, Eros.” Paalala ng aking ina.

“Damihan niyo lang ang lalaki, bro.” suhesyon naman ng isa ko pang kapatid na si kuya Hector.

Ano bang trip nila?

Why does this people keep insisting this extremely awkward situation?

Haler, di ko nga alam kong may balak bang ikama ako nitong asawa ko. I take a deep breath before continue eating my dinner.

Umuwi kami sa sarili naming bahay pagkatapos mismo ng family dinner. Actually, lunch and family dinner iyon.

EROS

Blangkong ekspresyon lamang ang kaya kong ibigay sa babaeng kaiisahan ko ng dibdib. Siya raw iyong anak ng matalik na kaibigan ni papa na si Don Celerio. Simula sa araw ng pagtatapos namin ng dati kong karelasyon hanggang sa mismong araw ng aking kasal ay di ako nakitaan ng mga kaibigan ko ng pagkasabik. Magtatapos na ang aking bachelor life. Iyan ang unang nagpapa-inis sa akin.

I don't hate commitment. I just hate it now because its not a good timing.

Napilitan akong tapusin at hiwalayan na lamang ang aking dating kasintahan dahil sa desisyon ni papa na ikasal ako sa babaeng ni pangalan ay di ko nga alam.

Kahit nasasaktan ay pilit naming tinatanggap ng dati kong kasintahan ang katotohanang pareho kaming matatali sa isang kasal na batay sa isang kasunduan at tradisyon ng aming mga pamilya.

Katulad ko ay ikakasal na rin ito sa ibang lalaki sa susunod na linggo sa Amerika.
Sa mismong kasal ko na nalaman ang pangalan ng mapapangasawa ko.

Aphrodite ang pangalan niya. Mga ilang araw pagkatapos ng aming kasal ay mag-isa akong umaalis ng aming bahay na regalo pa samin ng aking mga magulang.

Masyado itong malaki para samin ngunit di ko na nagawang magreklamo dahil nais ng aming mga magulang na bumuo ng isang malaki at masayang pamilya.

I always left our house to met Selene. She’s our clan seer. She always accompany me every time I go home. My wife can finally meet her in my own room but I resisted.

“She does’nt know yet our clan, right?” Selene asked. I nodded.
Aphro never knows this and that in the very first place.

“She must know before the blue moon, Eros.”she suggested.

“Its not yet the time for her to know.” sagot ko.

“But it will help to keep out the disaster in our clan, so I sugg---“

“NO! And that’s final, Selene. Disobey me and I’ll kill you.” Mautoridad kong sabi.

“B-Bu---"

“I said NO!”

“Fine. But we must secure her before the blue moon or else it would be an end to everything we risk for it.” Paalala sakin ni Selene.

“She’s listening.” Pagdadagdag ni Selene. It’s true. She’s quietly listening outside my room.

“Leave.” Baling ko kay Selene. It’s not yet the time for them to meet.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now