Kabanata 16

3.6K 129 2
                                    

APHRO

Pumasok ako sa loob ng banyo dito sa kwarto ni Eros. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako rito. I started to survey his things.

Nakita kong iisang pares lang ng mga gamit meron ang banyo nya. So ibig sabihin, wala syang babae?

Kinuha ko ang toothbrush at shave nya. I smelled it.

Amoy ni Eros. Wala akong maamoy na perfume ng babae.

Hindi kaya nagdadala rin ng sarili nyang gamit yung babae tapos itinatago niya lang dito sa loob?

Kaya ang ginawa ko. Tiningnan ko lahat ng sulok na pwedeng pagtaguan ng gamit. Pero wala akong nakita.

Baka naman kasi masyado lang ako nag-iisip ng advance. Pero kasi may narinig akong kausap niya. And I'm sure hindi iyon through phone call at alam kong boses ng babae yun.

Anyway,  sa susunod ko nalang hahanapin ng masugid ang mga yun. I need to fix myself. Kaya naligo na ako. Ginamit ko lahat ng gamit ni Eros sa pagligo.

Naku, ganito pala talaga ang pakiramdam ng may asawa. You can use each other things from shampoo, body moisturizer, face mask, brush, towel. Kulang nalang pati shave niya gamitin ko rin. Kung di lang ako nagpa-wax nung mga naunang araw, naku tsuge rin sakin to.

Lumabas na ako ng banyo. Kinuha ko iyong pares ng damit na nasa ibabaw ng kama. Pinanibigay raw ni Eros sakin. Nandito nga pala yung kambal. Sina Von at Clon sila ang nagdala nong damit.

Babantayan daw nila ako.

How sweet naman. Pero kasi andito naman yung asawa ko kaya ba't pa nila ako babantayan?

Anyway kailangan ko ng mag-ayos baka kasi bigla nalang pumasok si Eros. Tapos hindi pa ako nakaayos.

I spent few minutes fixing myself. Pagkatapos umupo ako sa kama then sumandal sa may headboard. Kumuha rin ako ng isang libro sa shelf ni Eros. Para pagpasok nya kunwari nagbabasa ako.

Mga ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin pumapasok si Eros. Baka kinakaban rin sya tulad ko.

Kaya naghintay pa ako. Hindi pa rin naman ako inaantok. Tumingin ako sa kisame dito sa loob. Hindi ko pa binubuksan iyong libro. Props lang naman kasi to.

Sinimulan kon isipin kung may mangyayari samin ngayon ni Eros tiyak pwede nang mamukadkad iyong sunflower ko. I can't wait to see our little Eros or little Aphro.

Ano kaya ang pakiramdam ng nag-aalaga ng bata?

Tiningnan ko iyong pinto. Sarado pa rin ito. Bakit wala pang nagbubukas ng siradura sa labas?

Nasaan na kaya sya?

Ilang minuto na ang nakalipas. Pagtingin ko sa side clock ng kama, mag-aalas nuebe na ng gabi. Napabuntong hinga ako.

Nagback out kaya sya?

Pero sabi niya he will take me tonight. Tapos sabi pa nga niya he will bite me and get me pregnant. Sa isip ko, may sexy side din naman pala ang asawa ko.

He will bite me daw tapos posible nya akong buntisin.

Diyos ko. Nasaan na ba sya. Mukhang di lang kaba ang nararamdaman ko ngayon kundi excitement rin.

Kaya hindi na ako nakapagtimpi. Lumabas ako ng kwarto niya.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko. Baka kasi nandun sya. Don sya nagpeprepared.

Pero hindi ko ito mabuksan. Naka locked yung pinto ng kwarto ko.
Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang nagbubukas.

Wala siguro sya rito. Kaya bumaba ako. Pagkadating ko sa sala. Walang katao tao. Nasaan si Manang Jing?

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi nga pa pala kami naghahapunan. Nasaan na ba Eros?

Pumunta ako sa kusina. Wala ring tao. Dumiretso ako sa maids room at kumatok. Ngunit walang nagbukas.

Nasaan na ba ang mga tao dito sa bahay?

Lumapit ako sa fridge namin. Kumuha ng tubig. Iinom na sana ako ng mapansin ko sa may gilid ng bintana ang isang anino.

Anino ng isang lalaki. Kasing tangkad ito ng asawa ko ngunit sigurado akong hindi ito si Eros.

Nasaan nga pala yung kambal? Baka kasama nila ito?
Hindi gumagalaw iyong anino. Nakaharap ito sakin. Parang mataman akong tinitingnan.

Kaya lumapit ako doon sa bintana ngunit ng ilang hakbang nalang ang layo ko ay nabigla ako sa aking nakita.

Namula ang dalawa nyang mga mata. Natigilan ako. Gumalaw ito at akmang babasagin na nito iyong bintana ng may malaking hayop ang sumungkab dito.

Napanganga ako. Pakiramdam ko nabalot ng yelo ang aking buong katawan. Ano iyon?

Nawala ang lalaki sa bintana. At dalawang palad ang tumakip sa aking mga mata. Naamoy ko ang pamilyar na pabango ng babae.

"H-Hera...?"

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon