Kabanata 37

2.4K 79 0
                                    

MATHEO

"Sir andito na po iyong pinapahanap niyong files sa akin tungkol sa kapatid niyo." Paalala sakin ng secretary ko bago iniabot sakin ang isang file. Agad ko itong binuksan at binasa.

"Aphrodite Altazer De Guzman?" Tanong ko.

"Opo. Hindi po siya ang tunay niyong kapatid." Sagot niya.

"B-Bakit kamukha siya ni Aphro. Ng kapatid ko and to think na magkapangalan pa sila." Sabi ko.

"Kasal po siya sa isang De Guzman and they were settled in the Philippines at ito pa pala, Sir." Binigay niya pa sakin ang isa pang file.

"Iyong matandang babae na naging witness nung aksidente, she's her biological mother base na rin sa DNA Test na isinagawa ng team natin." Paliwanag niya.

"Iyong katulong namin? Si Aling Sol?" Tanong ko. Tumango ang secretary ko.

"Kung ganun nasaan ang katawan ng kapatid ko?" Naguguluhan kong tanong.

"We're still having our intense searching and investigation, Sir. Hindi kami titigil hangga't hindi namin natatagpuan ang bangkay ng kapatid niyo." Sagot niya.

"Kindly hand me the telephone. Mukhang kanina pa ito tumutunog." Utos ko at kinuha niya ito at ibinigay sakin.

"Hello, this is Atty. Matheo Gonzales how may I help you?" Sabi ko sa telepono ngunit walang sumasagot rito.

"Hello?" Ngunit wala paring sumasagot. Akmang ibabalik ko na sana ito ng may biglang nagsalita.

"This is Selene Madrigal. Please meet me now at your sister's favorite cafe. May importante akong sasabihin sayo." Diretsang sabi ng isang babae mula sa telepono. Agad niyang pinutol ang tawag sa kabilang linya.

"Sir, are you okay?" Tanong sakin ng secretary ko.

"Ah yes. Kindly report to me every progress of your searching. Paki hand over na rin ng mga files na to sa Police Station for further investigation." Utos ko at sinimulan ng isuot ang coat ko. Agad akong lumabas ng opisina at pinaharurot ang kotse ko papunta sa cafe.

Pagkalabas ko mula sa kotse ay dali dali akong pumasok sa loob ng cafe. Isang babae ang nagtaas ng kamay niya. Siya na ba to?

Naglakad ako palapit sa table na inuupuan niya.

"Are you Ms. Madrigal?" Tanong ko at umupo sa harap niya. Tumango siya.

"So, what's the--" Hindi niya na ako pinatapos. Agad siyang nagsalita.

"Kailangan ng bumalik ni Aphro sa Pilipinas. That's the only way to stop her husbands marriage to another woman." Paliwanag niya.

"Hindi ko alam kung anong meron sa inyo but please reconsider my sister's physical condition. Hindi ito magiging madali sa kanya." Paliwanag ko naman.

"Hindi siya ang kapatid mo." Pagtatama niya sa sinabi ko.

"Ok fine but still she's under my responsibility." Sagot ko naman.

"Ok I get it. But still, I need your help." Pakiusap niya.

"Sige." Pagpapayag ko. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya.

"Hindi nga pala siya nakaka-alala. Ako na ang nagbigay ng pangalan niya kasunod sa pangalan ng kapatid ko at tamang tama naman na magkapangalan pala sila." Paliwanag ko. Ngunit mukhang hindi siya nagulat.

"Siya lang ba ang sinadya mo rito?" Tanong ko. Huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot.

"Hindi. May isa pa akong hinahanap. Ang lalaking nagdala sa kanya rito." Sagot niya.

"Ah..Kilala mo ba kung sino ang tunay niyang mga magulang?" Tanong ko. Seryoso siyang tumingin sakin.

"Matagal na silang wala at tanging ang pamilya nalang na umampon sa kanya naghihintay sa kanya sa Pilipinas." Paliwanag niya.

"Eh..si Aling Sol. Iyong kasama niya ng maaksidente ang sinasakyan nila, sino siya? Base kasi sa DNA Test na isinagawa sa kanila, lumabas na magkadugo sila." Tanong ko.

"Sol? Mirasol Rebenicio? Buhay siya?" Nagtatakang tanong niya. Kilala niya si Aling Sol?

"Isa siya sa mga witness ng maganap ang aksidente at siya ngayon ang nagbabantay kay Aphro." Paliwanag ko. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Nasaan siya ngayon?" Tanong niya. Biglang dumilim ang mukha niya.

"Kasama niya ngayon si Aphro. Nasa hostel sila. Doon kami tumutuloy." Sabi ko.

"Puntahan na natin. May sinabi na ako kay Aphro through text." Usal niya. Ano kaya iyon?

Agad kaming umalis ng cafe at bumyahe papunta sa Hostal Bonita kung saan kami tumutuloy. Pagkarating namin ay dali dali kaming naglakad papasok ngunit bago pa kami makapasok ng tuluyan sa loob ay huminto si Selene at seryosong tumingin sakin.

"Isa kang hybrid?" Tanong niya. Teka, kilala niya ang lahi namin. Hindi ako sumagot. Alam kong may kakaiba rin sa klase ng amoy meron ang dugo niya. Nakita ko rin ang contact lens na sinadyang ilagay sa mga mata niya.

"You'll regret soon being born as one, young man." Dagdag niya pa.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now