Kabanata 36

2.4K 74 2
                                    

APHRO

"Kuya? May kakilala ka bang nagbabakasyon ngayon dito sa Spain?" Tanong ko kay Kuya Matt na ngayo'y umiinom ng dugo mula sa baso. Dugo ang nagsisilbing lakas namin sa katawan. Kapag karaniwang dugo lang o dugo ng hayop ang iniinom namin ay natatanggal lang ang uhaw sa aming katawan. Ngunit kapag dugo ng isang tao ang aming iniinom ay doon kami mas lalong nakukuntento dahil napapalakas nito ang aming mga katawan at nangyayari iyon sa tuwing sasapit ang unang pagsibol ng buwan. Katulad na lamang ngayon at sumabay ito sa kaarawan ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kuya Matt at agad nitong sinagot ang tanong ko.

"No, there's no one. Beside, hindi ngayon ang perpektong panahon para magbakasyon rito." Sagot niya. Tumango tango nalang ako at buti nalang hindi na niya ako tinanong kung bakit ko iyon natanong.

Pagkatapos naming ubusin ang isang pitsel ng dugo ay kanya kanya kaming pumasok sa mga kwarto namin upang magpahinga.

"Hija, huwag mong kakalimutang isuot itong jacket mo para hindi ka lamigin." Paalala nung matandang nag-aalaga sakin. Agad ko namang isinuot ito ng ibigay niya sa akin. Nang makaalis na siya sa kwarto ko ay agad akong humiga ngunit hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Naalala ko bigla iyong babae na humarang kanina samin sa bakeshop. Kilala niya ako. Ngunit hindi ko siya kilala at kahit siguro si Kuya Matt. Sa tingin ko rin, isa siyang pinay. Tiningnan ko ang litratong nakalagay sa sidetable malapit sa kamang hinihigaan ko. Nasa litrato kaming dalawa ni Kuya Matt. Naalala ko bigla nung mga panahong kagigising ko palang galing sa coma.

Tanging siya lang at iyong matanda ang unang nakita ng mga mata ko. Wala akong maalala ng gumising ako mula sa pagka-coma. Si kuya Matt na ang nagpakilala sa akin sa pangalan, edad at kung sino ako. Sabi niya magkapatid raw kami at naaksidente ang sinasakyan namin sanhi ng pagkamatay ng mga magulang namin. Ako lang at si Kuya Matt ang nakaligtas kaya lang ilang taon din akong nakoma at nawala ang mga alaalang meron ako sa nakaraan.

Huminga ako ng malalim ng maalala ko na naman ang mukha nung babae. Hindi siya nagpakilala sakin. Sinambit niya lang ang pangalan ko at base sa nakita kong reaksyon sa mukha niya kanina ay parang kilalang kilala niya ako. Maganda siya. Kulay kape ang mga mata niya ngunit nababakas rito ang kakaibang kalungkutan.

Sino kaya siya?

Nang magising ako kina-umagahan ay nakahanda na ang almusal ko. Kadalasang hindi sumasabay ang kapatid ko sa tuwing nag-aalmusal ako dahil agad itong pumupunta sa trabaho. Isa siyang attorney sa isang kilalang law firm dito sa Granada.

"Hija, kanina pa tumutunog ang phone mo." Pukaw sakin nung matanda. Agad ko itong kinuha mula sa ibabaw ng mesa sa sala. Nang buksan ko ito ay may isang message ang nag-appear sa screen ngunit hindi naka-save sa contacts ko ang numero. Agad ko itong binuksan at nagulat ako sa nabasa ko.

Bumalik kana sa angkan natin. Hindi ka tagarito. Tutulungan kita. Marami ang naghihintay sayo.

                           -Selene-

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now