Kabanata 6

4.1K 113 1
                                    

APHRO

Sinimulan ko nang pasukin ang building. Hindi malansa ang amoy ng hangin sa bandang to’ yun nga lang medyo malamig.

Hindi ko alam pero tumatayo ang mga balahibo ko sa tuwing dumadampi sa balat ko ang malamig na hangin. Sa tingin ko kasi hindi lang basta lamig ang dala nito.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad habang tinitingnan ang bawat pinto ng kwarto.
Nasa Room 490 na ako.
Isang hagdan pa ang dadaanan ko papunta sa susunod na palapag.

Malala ata itong exercise ko. Mukhang magkakapulikat pa ako. Pero ayokong huminto. May prinsipyo ako sa buhay. Lahat ng nasisimulan ko kailangan kong tapusin.

“Para rin naman sayo to’ Aphro.” pangungumbinse ko sa sarili. Kailangan kong malaman kung ano nga ba ang tungkulin ng kwintas na’to sa akin. Kung ano ang koneksyon nito akin, saming mag-asawa at sa magmamana nitong magiging anak namin ni Eros na babae?

Well, di nga lang ako sigurado kung may balak nga ba siyang magka-anak sakin.

Nasa huling room na ako ng ikalawang palapag pero wala parin akong nakikitang room 501. Huminto muna ako.
Pansin kong ako lang mag-isa ang nagbabaybay sa building na ito.

Sa baba lang ata may mga tao, iyan ang naisip ko.
Wala bang may balak na tumira rito o umuupa man lang?
Huminga ako ng malalim.

Kinuha ko ang phone ko sa daladala kong sling bag. Tatawagan ko si Manang. Hindi ko na kaya. Sasabog na ang dibdib ko sa kaba at takot sa building na ito. Mukhang haunted na ata ito.

Tatawagan ko na sana sya ang kaso wala akong mahagilap na signal.

Searching…

Emergency call…

Ano ba yan!
Nawawalan na ako ng pag-asang ipagpatuloy ang lakad ko ng may maisip ako bigla.

Unang room na tiningnan ko ay room 486 na nasa unang palapag.
Ngayon nasa huling room na ako ng ikalawang palapag.

Nasa room 495.

Room 495?   

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now