Kabanata 49

2.2K 54 1
                                    

APHRO

"Nang mapulot namin siya ng tatay mo sa isang tagong daan, duguan pa ito at halatang isinisilang palang." Kwento uli ni nanay.

"Eh yung kakaiba po sa kanya, ano ho iyon?" Tanong ko uli. Huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot.

"Hindi siya katulad niyo, natin. Anak siya ng isang immortal." Paliwanag niya.

"Paano naman niyo po yun nalaman?" Kyuryoso kong tanong.

"Anak siya ng isang bampira kaya mabilis siyang lumaki at nung bumisita kayo dito sa villa noon, natakot ako na baka mag-iba ang pakikitungo niya sa inyo lalong lalo na sayo." Kwento niya.

"Pero naging matalik ko naman po siyang kaibigan. Ang akala nga po ng iba, magkapatid kami kung medyo maliit lang siya at kapantay ko." Sabi ko.

"Iyon nga ang pinagtaka ko. Wala siyang kaibigan noon dahil kakaiba siya sa mga normal na bata kaya natuwa ako ng maging magkaibigan kayo." Paliwanag ni nanay.

"Eh paano po siya nahiwalay sa inyo?" Tanong ko. Nang umalis na kami kasi noon dito sa villa pabalik ng syudad dumating ang balita samin na pumunta na daw si Jerusha sa ibang bansa.

"Naalala mo si Earl? Iyong lalaking minsan mong nakalaro dito?" Tanong niya sakin. Si Earl?
Hindi ko siya makakalimutan dahil bukod sa minsan ko siyang naging kaibigan may naging atraso din siya sakin.
Tumango ako.

"Magkapatid sila ni Jerusha sa ina at siya ang nagpakilala rito sa isang lalaki, kay Zherus." Kwento ni nanay. Biglang tumindig ang mga balahibo ko.

Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sakin. Siya ang dahilan kung ba't hindi na ako nakakalakad ngayon at kung bakit ako naging immortal.

"Nanligaw kay Jerusha si Zherus kaya naging malapit ang loob namin sa kanya. Kaya minsan kaming nakipagsundo sa kanya na tulungan kaming makita kayo ng kakambal mo." Paliwanag ni nanay.

"Kaya lang hindi namin akalaing may kapalit pala ang pagtulong niya." Dugtong niya. Tama si nanay. Kapalit ng pagtulong ng halimaw na yun sa kanila ay ang pagkagat niya sakin dahilan para maging isang bampira ako ngyon.

"Ang mas masakit lang anak dahil sinaktan ka rin pala niya!" Sumbat ni nanay. Umiiyak na naman ito. Niyakap ko siya at hinagud hagod ang likod.

"Ayos lang yun, nay. Ang importante po buhay pa ako at nakilala ko kayo sa wakas." Bulong ko sa kanya. Bumitiw ako sa yakap niya at pinunasan ang mga luha niya.

"Nay, nakilala niyo po ba dati si Eros? Di ba po naging magkasintahan sila dati ng asawa ko." Kyuryoso kong tanong. Biglang natahimik si nanay. Mukhang nag-aalangan siyang ikwento sakin. Biglang pumasok sa loob ang magkambal na sina Selene at Selina. Umupo sila sa sala.

"Ok lang po yun, nay. Huwa---"

"Nagka-kilala sila dati sa isang bar at nagkayayaang uminom at..." Biglang sabat ni Selene ngunit hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng hawakan siya sa kamay ni Selina. Kumirot bigla ang puso ko.

"Ah.." Tanging sambit ko at tumango tango. Pero ang totoo nagseselos na ako.

"Matagal na panahon na yun, anak. Kalimutan mo na yun.." Pagpupuna ni nanay. Huminga  ako ng malalim at tumango sa kanya.

"Don't worry, Aphro. I'm sure walang nangyari sa kanila. Trust me." Pangungumbinsi sakin ni Selina. Oo nga pala, mga seer sila at malamang sa malamang alam nila ang pinaggagawa ng asawa ko. Ngumiti lang ako sa kanila ng tipid.

"Anak, naalala mo noon iyong isang maliit na papel na nakadikit sa isang libro sa library niyo?" Biglang tanong ni nanay. Papel? Maliit na papel sa isang libro sa library namin?
Pilit kong inaalala kong kailan ko yun nakita.

"Ako ang naglagay nun don. Sinadya ko yung ilagay dun sa libro para makita mo iyong address ng antique shop ni Selina." Pagkukwento ni nanay. Bigla kong naalala iyong libro noon na nasa library namin.

"Iyong galing po ba sa Italy, iyong tungkol sa mga kwintas?" Nagtataka kong tanong. Naalala ko na. Iyong hinahanap ko pa ang kasagutan kung ba't sakin binigay ng ina ni Eros itong amulet na nakasuot ngayon sa leeg ko.

"Oo, anak. Galing iyong address kay Selina. Siya mismo ang nagbigay sakin nun." Sagot niya. Napatingin ako kay Selina at kinindatan lang ako. Biglang nagbalik ang alaala ko sa tatlong palapag na building na pinuntahan ko noon.

"Salamat po dun. Dahil dun nakilala ko silang dalawa at ang iba pang kaibigan ni Eros. At tsaka naranasan ko ring magcreepy-hiking dun." Natatawa kong sabi. Natawa rin sila. Hindi biro ang pinagdaanan ko noon dun. Naalala ko pa nung nagising ako sa isang kweba at pinaghahanap ko iyong suot kong supot sa paa.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon