Kabanata 31

2.4K 64 0
                                    

Flashback
ZHION

Mataman kong tinitingnan ang bumubukang bibig ni Lander. Kasama niya ngayon si Moira, pinsan ko at siya ang luna ng ikatlong angkan. Sinusubaybayan ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Styllone para makilatis ko at malaman ko kung hindi siya nagsisinungaling.

"Kailangan lang naman kita para dun. After that, malaya ng mapasayo ang amulet kapalit ng pagtulong mo." Sabi niya. So iyon pala ang pinakay nila rito.

"Bakit ako? Sino ba ang bagong nagmamay-ari ng amulet at parang komportable kayong ibigay sakin iyon?" Tanong ko. Alam ko naman kasing hindi sila basta bastang pupunta dito sa teritoryo namin kung wala silang magandang dahilan.

"Kilala mo ang bagong may-ari nito at balita kong magkaibigan kayo." Sagot ni Lander. Tahimik lang na nakikinig sa usapan namin ang asawa niyang si Moira. Pinsan ko nga pala siya sa pamilya ng aking ina. Magkaiba kami ng ina ni Zherus, ang alpha ng angkan namin. Mas matanda siya sakin ngunit hindi kailan man niya makikitang ganun ang ituturing ko sa kanya. May malaki siyang atraso sa akin na kahit buhay niya ay hindi sasapat bilang kapalit.

"Sino?" Nagtataka kong tanong. Kaibigan ko? Kung sa teritoryo namin, isa lang naman ang kaibigan ko, si Jerusha lang. Ngunit kung sa mundo ng mga mortal ang pag-uusapan, marami akong kaibigan o mas magandang sabihin na kinakaibigan. Kahit saang anggulo naman madali silang pikutin at gamitin.

"Ang anak ni Celerio, si Aphrodite." Nabigla ako sa sinabi ni Moira. Siya ang sumagot sa tanong ko. Si Aphro?
Paano siya naging luna ng unang angkan?

"Ano ba ang gagawin ko?" Tanong ko. Kaibigan ko si Aphro. Nakilala ko siya minsan sa villa nila kung saan ko rin nakilala si Jerusha.

"Papatayin mo lang naman ang kapatid ni Lotharion. Pagkatapos nun, iyong iyo na ang amulet." Paliwanang ni Lander. Si Hera? Mukhang mahirap tong gagawin ko. Mabangis ang babaeng yun.

"Mukhang malaki ata ang atraso ng alpha ng unang angkan, ngayong pati kapatid niya papatusin niyo na." Sabi ko. Ngumisi lang silang dalawa.

"Wala akong tiwala kay Lotharion. Isa pa ikaw ang papatay sa kapatid niya hindi kami." Sagot ni Lander. Mataman kong pinag-isipan ang kondisyon nila.

Ang totoo, kailangan ko ang amulet para makuha ang loob ni Jerusha na siyang asawa ng kapatid kong si Zherus. Kailangan ko ng kapangyarihan at una sa dapat kong gawin ay ang kumapit sa luna ng angkan namin na may galit na rin ngayon sa kapatid ko. Kailangan ko ng kapangyarihan para maipaghigante ang pagkamatay ng ina ko. Kapag naging makapangyarihan si Jerusha magiging makapangyarihan rin ako.

"Sige, pumapayag ako. Basta ang usapan, akin ang amulet." Sagot ko. Wala akong pakialam kahit pati asawa ni Lotharion mapatay ko kung sakaling hindi nito ibigay ang amulet. Ang importante makuha ko ang kailangan ko. Hindi naman kami ganun ka-close bilang magkaibigan para hindi ko siya patayin. Isa pa kilala ko yun, mahina ang loob ng babaeng yun at kapag pumalpak ang plano, pwede ring siya nalang ang pumatay sa kapatid ng asawa niya.

Pagkatapos ng usapan naming tatlo ay agad kaming pumunta sa lumang villa nina Aphro at nakita kong magkasama sila ng kapatid ni Lotharion.

"E-Earl?.." Usal niya. Kilala niya pa pala ako. Nanghihina na siya dahil sa ginawa kong pagkontrol sa katawan niya.

"I'll kill you all! I swear! Fuck!" Narinig ko ang pagmumura ni Hera na nahihirapang pumalag sa patibong na nilagay ko sa loob ng bahay. Nakita ko rin ang panghihina ng katawan nito.

Bago pa bumagsak sa sahig si Aphro ay agad kong hinablot ang amulet na nakasuot sa leeg niya at inilagay sa kamay niya ang isang patalim. Ilang sandali pa ay pina-amoy ko sa kanya ang isang black potion mula sa isang maliit na bote.

Dahan-dahan siyang bumangon ng wala sa sarili dahil kinokontrol ng potion ang katawan at isip niya. Nagsimulang humakbang ang mga paa niya papunta sa nakaluhod na ngayong si Hera. Hawak-hawak niya ang patalim na inilagay ko sa kamay niya.

"Kill her!" Utos ko at kusang tumaas ang kamay niya at isinaksak sa babaeng lotharion ang patalim.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now