Kabanata 33

2.3K 76 0
                                    

APHRO

Ito lang ang tanging paraan para mapagbayaran ko ang ginawa ko. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko pero sa tingin ko ito ang nararapat. Mula sa mayayabong na damo at naglalakihang mga puno ay wala sa sarili kong tinatahak ang daan papunta sa kung saan. Ang totoo walang ganap na direksyon ang tinatahak ng mga paa ko.

May malaki akong kasalan. Kasalanang hindi ko lubos maisip na magagawa ko sa tanang buhay ko. Agad akong huminto sa paglalakad ng maramdaman ko na naman ang pagkirot ng dibdib ko na siyang nagpapanginig sa mga kamay at paa ko.

Napaupo ako sa lupa. Napansin ko ang dumudugo kong paa dahil sa mga galos at sugat mula sa mga natapakan kong bato at mga tuyong sanga sa daan. Namumugto pa rin ang mga mata ko.

Nang maalala ko ang nanghihinang mukha ni Hera ay napahagulgol na naman ulit ako. Bumabalik ang mapait na alaalang nagpapabigat sa puso ko. Sinaksak ko siya ng isang patalim. Sinaksak ko ang kapatid ng asawa ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili ko na itinatarak ang patalim sa dibdib niya.

"S-Sorry...I'm sorry..." Patuloy ang pagsusumamo ko kahit alam kong walang makakarinig sa akin. Parang isang malayang ulan ang mga luha ko na siyang nag-uunahang tumulo sa pisngi ko. Dahan-dahan akong tumayo kahit nanghihina na ang katawan ko.

Wala sa sarili akong naglakad ulit. Nanginginig pa rin ang tuhod ko ngunit kailangan kong makalayo sa kanila, sa asawa ko at sa lahat ng taong kilala ko. Ayokong makita sila. Naalala ko bigla ang mga taong pumasok sa villa namin kasama si Earl.

Si Earl? Naalala ko ang ginawa niya. Akala ko pa naman isa siyang kaibigan. Ang totoo siya ang nagbigay sakin nung patalim hanggang sa natagpuan ko na lamang ang mga kamay ko na itinatarak iyong patalim kay Hera habang hinahawakan ito ng dalawang lalaki at nahihirapan. Bakas sa mukha nito ang galit at lungkot habang nakaluhod ito sa sahig.

Huminto ako sa paglalakad ng mapansin ko sa di kalayuan ang isang sementadong daan. Nasaan na kaya ako? Malayo na kaya ako mula sa mansyon nina Eros?

Dahan dahan akong naglakad papunta sa sementadong daan. Ngunit bago pa man ako maka-apak roon ay may kung sinong humablot ng kamay ko. Isang lalaking nakasuot ng itim na jacket at natatabunan ng malaking hood nito ang mukha niya. Sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Agad akong lumayo sa kanya ngunit mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"S-Sino ka...?" Nanginginig ang boses ko. Matangkad siya. Mas matangkad siya kay Eros. Nakita kong ngumisi ito at ganun na lamang ang takot ko ng tanggalin niya iyong hood niya at bumulaga sakin ang mapupula niyang mga mata na biglang naging itim.

Akmang tatakbo na ako ng bigla niya akong buhatin at ihampas dahilan para tumama ang katawan ko sa isang malaking puno. Narinig ko pa ang pagtunog ng nabali kong buto sa katawan. Hindi ko alam kung saang banda iyon. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko.

"It's nice to finally see you.." Narinig kong usal niya. Nasa harapan ko na pala siya. Napansin kong hindi siya basta normal na tao. Mas mabilis siyang kumilos kumpara sa mga ordinaryong tao. Agad niya akong sinakal at hinawakan ang leeg ko. Malakas siya. Sobrang lakas. Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko mula sa lupa.

At ganun na lamang ang takot ko ng biglang lumapit ang mukha niya sakin at ngumisi ito. Binitawan niya ako sanhi ng pagkaupo ko sa lupa. Sumisikip na ang paghinga ko.

"Mas mabuti sana kung narito si Lotharion at nakikita niya ang ginagawa ko sa asawa niya." Rinig kong sabi niya. Si Eros ba ang tinutukoy niya?

Si Eros? Naalala ko bigla ang madilim niyang mukha kanina ng pumasok kami sa mansyon kasama ang walang malay na katawan ng kapatid niya.

"P-Please kill me. Huwag muna a-akong pahirapan..." Pakiusap ko sa kanya. Gusto ko nang mawala sa mundo. Patuloy lang akong papatayin ng konsensya ko dahil sa ginawa ko. Humalakhak siya. Isa siyang halimaw. Nakita ko ang paglabas ng mga pangil mula sa bibig niya. Isa siyang bampira. Kakaibang bampira.

"Then...die with pain, bitch!" Bulong niya sa tenga ko bago naglandas ang bibig niya sa leeg ko. Mahigpit akong napakapit sa suot niya nang tumama ang mga pangil niya sa balat ko at ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng sakit.

"E-Eros..." Tanging nasambit ko bago kusang pumikit ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Just die, Aphrodite. Just die...

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz