Kabanata 38

2.4K 78 7
                                    

APHRO

"B-Bakit ka nandito?.." Tanong ko sa babaeng nakaupo sa harapan ko. Kasama niyang dumating rito sa hostel ang kapatid ko. Siya iyong babae na laging nasa labas ng cafe at humarang sakin kahapon sa shop. Hindi siya umimik. Seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"Ikaw ba si S-Selene..?" Tanong ko ulit. Biglang umawang ang bibig niya.

"Naalala mo na kung sino ako?" Tanong niya na ikinabigla ko. Naalala ko? Bakit may amnesia ba ako? Kinakailangan ko bang maalala ang pangalan niya?

"Hindi kita maintindihan. Hindi ba't sayo galing iyong text message?" Naguguluhan kong tanong. Napabuntong-hininga siya. Tahimik lang na nakaupo si Kuya Matt katabi iyong matandang nagbabantay sakin.
Bakit nga pala nandito tong matandang to?

"Manang ba't po kayo nandito dapat nasa ku---" Hindi ako pinatapos ni Kuya. Agad siyang nagsalita na ikinabigla ko.

"Siya ang tunay mong ina, Aphro. Hindi tayo magkapatid." Paliwanag ni Kuya Matt na ikinabagsak ng balikat ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Kung ganun, si Aling Sol ang tunay kong ina at ano?

"After the accident you're the only body that the officers retrieved. Nung una, nagdududa ako kung ikaw ba talaga ang kapatid ko but given the circumstances I claim your body at agad kitang pinagamot para gumaling. And I was surprised when you wake up after you are bedridden for almost five years, kasi wala kang maalala not even your name. Magkamukha kayo ng kapatid ko and I wasn't sure if we are related not until this morning when my secretary told me the DNA result." Paliwanag ni Kuya Matt. Humigpit ang hawak ko sa wheelchair na inuupuan ko. Kumirot rin ang dibdib ko.

"B-Bakit hindi siya katulad ko, natin Kuya Matt? She doesn't drink blood like we do." Puna ko. Nanlaki ang mga mata nung babae.

"Fuck, Matheo! Anong ginawa mo kay Aphro?!" Singhal niya sa kapatid ko.

"Wala akong ginawa sa kanya and I was surprised when she started to crave blood like me after niyang makoma. Hindi siya isang hybrid, she's a pure vampire and I don't know who bite her." Paliwanag ni Kuya Matt. Tama siya, iyon ang isa sa pinagkaiba namin. Isa siyang hybrid, ibig sabihin pinaghalo sa katawan niya ang dugo ng isang bampira at lycans- ang dugo ng isang lobo.

"Kailan siya naging ganyan? Hindi siya immortal ng mag-asawa pa sila ng pinsan ko." Komento nung babae. Naguguluhan akong tumingin sa kanila. Agad akong hinawakan sa kamay ni Aling Sol at pinisil pisil ito. Asawa? Ako, asawa ng pinsan niya?

"She was bitten before the accident happened by a hybrid. Pero hindi naipasa sa katawan niya ang dugong hybrid nor the lycan. Aphro was a pure vampire, Ms. Madrigal." Paliwanag ni Kuya Matt.

"S-Sino ang kumagat sa kanya? Hindi kaya..." Nanlaki ang mga mata nung babae na tumingin sakin.

"Holy Shit!" Tanging nasambit nito at napahilot sa sarili niyang sentido.

"Sa tingin ko kailangan na niyang magpahinga." Paalala sa kanila ni Aling Sol ng mapansin nitong nanginginig na ang dalawa kong kamay. Agad na tumango si Kuya Matt at inalalayan na akong makapasok sa kwarto ni Aling Sol.

Nang nasa loob na kami ng kwarto ko ay agad niya akong pinahiga sa kama.

"N-Nay..." Naluluha kong tawag sa kanya. Huminto ang mga kamay niya sa paglagay ng kumot sa katawan ko. Umiiyak siyang napayakap sakin.

"Namiss kita anak. Ilang taon kaming naghintay ng ama mo na makita at makilala mo kami pati na rin ang kakambal mo." Usal niya na lalong nagpaiyak sa akin.

"S-Sorry po kung hindi maganda ang pakikitungo ko sa inyo. Sorry po, nay.." Pagsusumamo ko. Naalala ko bigla ang mga nagiging reaksyon niya sa tuwing nagagalit ako sa kanya. Kaya pala ganun nalang ang pag-aalala niya sakin.

"Ok lang yun anak, ang importante nakakasama kita." Sambit niya.

"Nasaan po ang tunay kong ama. May kapatid po ba ako? Sabi niyo may kakambal ako, nasaan siya?" Tanong ko. Kumawala siya sa yakap namin at hinawakan ako sa mukha.

"Wala na ang tatay mo at kung naaalala mo lang, nagkita-kita na tayo dati. Kami ang nagbabantay sa villa na pag-aari ng mag-asawang umapon sayo. Sila ang kumupkop sayo hanggang sa maikasal ka sa anak ng kaibigan nila." Pagkukwento niya.

"May kakambal ka at tulad mo ay inampon sila ng mag-asawang taga rito sa Spain. Siya ang totoong kapatid ng kuya Matt mo. Nang mawala kayo sa amin ng ama mo ay nagdesisyon kaming ampunin ang isang batang babae napulot namin minsan sa daan." Pagpapatuloy niya.

"Bakit po kami kinuha ng ibang tao, nay? Bakit po may ibang umampon samin ng kambal ko?" Naguguluhan kong tanong.

"Dahil sa pagkakautang namin sa kanila at sa paniniwala namin ng tatay mo na mas gaganda ang buhay at kinabukasan niyo kung ibang tao ang mag-aalaga at magpapalaki sa inyo." Paliwanag niya.

"Ako ang dapat na humingi ng paumanhin sa inyong dalawa ng kakambal mo. Dahil hindi namin sa inyo naibigay ang buhay na dapat niyong matamasa kaya kayo nagkahiwalay ng kakambal mo." Pagpapaumanhin niya.

"Ayos lang po yun. May dahilan naman po kayo ang importante po ay nakilala ko kayo sa hinaba-haba ng panahon. Pero nay, bakit po ako naging bampira at paano niyo po ako nasundan dito? Bakit kayo normal na tao lang tapos ako isang immortal?." Tanong ko. Bigla siyang natahimik.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now