Kabanata 35

2.4K 76 2
                                    

Ten Years Later

Granada, Spain

APHRO

"Hija, ok ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong sakin ng matandang babae na nagbabantay at nag-aalaga sakin. Tumango lang ako sa kanya at inubos na ang laman ng basong nakalagay sa mesang nasa harapan namin. Nasa isang cafe kami at kaming dalawa lang ngayon ang pumunta rito. Hindi nakasama sa amin ngayon ang kapatid ko dahil tambak ang trabaho nito sa opisina.

Bumalik ang tingin ko sa labas ng cafe kung saan malinaw kong nakikita sa glass window nito ang taong dumaraan rito. Madalas akong namamasyal rito sa cafe kasama ang matandang nag-aalaga sakin. Hindi na kasi ako nakakalakad kagaya ng mga taong nakikita ko sa paligid ko.

Naputol ang buto ng dalawang binti ko sanhi ng aksidenteng natamo namin ng kapatid kong si Matheo isang dekada na ang lumipas.

"Hindi ka ba giniginaw, hija?" Tanong niya ulit sakin. Sa ilang pagkakataon pa ay naiinis akong sinasagot siya lalo pa kapag umiinit ang ulo ko. Parang sino kasi siya kung umasta sakin. Akala niya siguro, nanay ko siya.

"Ok lang ako! Tigilan mo na ang pagtatanong, may iniisip ako!" Singhal ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumango nalang. Bumalik ang tingin ko sa labas ng cafe at ganun na lamang ang takot ko ng makita na naman ulit ang bulto ng isang babae na nakatayo sa di kalayuan mula rito. Araw araw ko itong nakikitang nagmamasid dito sa loob ng cafe na waring gusto niyang pumasok rito.

Minsan pa nga ay nagtatagpo ang mga mata namin at agad kong binabawi ang tingin ko sa kanya dahil bigla nalang sumasakit ang ulo ko at may kung anong magugulong imahe ang lumalabas sa utak ko.

"Kilala niyo ba siya?" Tanong ko sa matanda ng hindi tinatanggal ang tingin ko dun sa babaeng nasa labas ng cafe. Nakatayo ito katabi ng isang stool mula sa isang boutique.

"Saan, hija? Wala naman akong makita." Sagot niya. Ano ba yan, nakalimutan kong matanda na pala siya at malabo na ang paningin.

"Wala na. Hayaan niyo na. Dumaraan lang siguro iyon." Baling ko at ibinalik na ang tingin ko sa platong may laman na carbonara. Sinimulan kong kainin iyon. Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko.
Si Kuya Matheo, may pinasang text message.

Happy Birthday, Aphrodite. Wait me at home. We will celebrate your day.

Iyan ang tinext niya sakin. Napangiti ako bigla. Oo nga pala, kaarawan ko ngayon. Mabuti nalang at hindi niya nakakalimutan palagi ang birthday ko. Sinimulan kong tipain ang keyboard sa screen ng phone ko upang magreply sa message niya.

Thank you, Kuya Matt. You're the best! Don't forget to bring my favorite.

"Hija, halika kana. Dadaan pa tayo sa paborito mong bakeshop para kunin iyong order mong cupcakes at cake." Paalala sakin ng matanda. Agad kong inilagay sa bulsa ng jacket ko iyong phone ko. Habang pumunta naman siya sa likod ko para alalayan akong mapa-andar ang wheelchair ko. Bago pa man kami nakalabas sa loob ng cafe ay binuksan na niya ang makapal na payong na siyang nagiging panangga ko sa araw. Nasa autumn season ngayon ang Granada at dahil allergic ang balat ko sa sikat ng araw ay kinakailangan kong sumilong sa makapal na payong.

Nang marating namin ang bakeshop ay agad na kinuha ng matanda ang inorder ko. Ngunit bago pa man kami makalabas sa loob ng shop ay laking gulat ko ng humarang sa dinadaanan namin iyong babaeng palagi kong nakikita sa labas ng cafe.

Mataman niya muna akong tiningnan bago siya nagsalita. Iyong mga titig niya parang matagal na niya akong kilala.

"A-Aphro..?"

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon