Kabanata 26

2.8K 84 6
                                    

APHRO

Nasa loob ako ngayon ng dati kong kwarto dito sa luma naming villa. Nasa kabilang kwarto naman si Hera.

Tahimik akong nakahiga sa kama. Unti unti kong iniisip ang lahat. Ano kayang nangyayari sa pamilya ni Eros?

Bakit kaya parang hindi napapanatag ang loob ko ngayong alam kong hindi mapalagay si Hera kaninang pumasok kami sa loob ng villa?

Luma na sa katunayan ang villa na to. Wala na rito ang pamilya ng kaibigan ko na dating nag-aalaga at nagbabantay dito.

Biglang may kumatok sa labas ng pinto ng kwarto at pumasok si Hera. May dala dala itong medic box. Lumapit siya sakin.

"Magbihis ka. Pansamantala kong gagamutin iyong mga sugat mo." Paalala niya. Tama siya. Kanina ko pa tinitiis ang sakit ng aking buong katawan.

Mula ito sa mga hampas nung lubid sa ritwal. Isang ritwal ang pinagdadaanan ng mga babaeng nagiging luna ng angkan nina Eros.
Hindi ko nga lubos maisip na may gaanong klase ng tao pala ang nabubuhay rito sa mundo. Iyong angkan nina Eros.

Agad kong isinuot iyong damit. Dala ito ni Hera na hindi ko napansin nung pumasok siya. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng banyo.

Umupo sa kama katabi ni Hera. Nakatalikod ako sa kanya. Dahan dahan niyang inilihis iyong damit ko pataas. Naramdaman ko ang pagdampi nung bulak sa balat ng aking likod.

"Sabihin mo sakin kung nasasaktan kana?" Paalala sakin ni Hera. May kunting kirot akong naramdaman sa ginagawa niya pero kaya ko namang tiisin iyon.

"Pasensya kana kung umabot sa ganito ang lahat." Pagpapatuloy niya. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya.

"Ikaw ang bagong luna ng angkan namin. Kaya bilang isang luna, may malaking responsibilidad kang dapat na panindigan. Kahit hindi mo ito pinili hindi mawawala ang basbas ng pagiging reyna mo sa angkan namin. Kaya mapipilitan ka pa ring panindigan ito" Paliwanag niya.

"Bakit ako ang pinili niyo? Marami namang ibang babae sa mundo. Ba't ako?" Tanong ko. Hindi ko parin kasi maintindihan kung bakit ako ang pinili ng sarili kong ama at ang ama ni Eros.

"Dahil ikaw ang nakatakda para sa kapatid ko. Bawat miyembro ng angkan namin ay may nakatakdang kapares. At ikaw, hindi lang basta arranged marriage ang meron kayo. Sinadya talaga ang pagpapakasal sa inyong dalawa ng kapatid ko." Paliwanag niya.

"Paano niyo nalaman na ako ang magiging sunod na luna niyo?" Tanong ko ulit. Huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot. Nakaharap na ako sa kanya.

"Ang kapatid ko ang makakasagot niyan sayo. Basta ang alam ko lang, hindi ka tunay na anak ni Don Celerio." Nabigla ako sa sinabi niya.

"H-Huwag ka ngang magbibiro ng ganyan." Pakiusap ko. Pero ang totoo may kung anong kirot at kaba akong naramdaman sa mga sinabi niya.

"M-Matutulog na ako." Paalam ko sa kanya. Humiga ako sa kama habang siya naman ay nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto. Ang totoo, gusto lang iwasan ang pinagtapat niya.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Bago pa man siya tuluyang makalabas ay nagsalita siya ulit.

"Dalawang babae ang nakatakda sa kapatid ko. Dalawa kayo, Aphro." Mahinang usal niya at lumabas na sa loob ng kwarto.

Samantalang ako, dahan dahang tumulo ang mga luha sa mata ko.

Dalawa kami?

Dalawang babae ang dapat makasama ng asawa ko?

Sino pa ang isang luna maliban sakin?

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon