Kabanata 1

9K 214 12
                                    

APHRO

Kilala ako sa pangalan ko bilang Aphrodite ngunit kadalasan ay tinatawag ako sa palayaw ko na Aphro. In ancient greek time, the great Goddess of love.

Anim kaming magkakapatid at ako ang bunso, unica hija at nakatakda nang ikasal ngayong buwan ng hunyo.

It was a nice catch to be a June Bride but it doesn't fix any little fact that there's no love involved in this romantic stage of my life.

Isang pangarap ng mga kababaihan ang makasal sa lalaking mahal nila at mahal din sila. But in my case, it was just a firm contract because of the traditional thread that has been born since my ancestor's credit past.

"Hija magpahinga ka na dahil siguradong bukas ay gigising ka ng maaga." Paalala sakin ng aking mayordoma. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago pumasok sa aking kwarto.

Tulad ng mga nagdaang araw ay maaga akong nagising hindi dahil sa excited ako para sa aking kasal, kundi dahil sa walang humpay na paggising sakin ng aking mayordoma.

"Dapat ay maging masaya ka hija. Hindi lahat ng kababaihan ay nararanasang makasal sa simbahan." Paliwanag niya upang maibsan ang pansamantalang kalungkutan na umaapaw sa aking dibdib.

Isang pilit na ngiti na lamang ang aking ipinakita. Hindi ko lubos maunawaan ang aming ama dahil sa mga naging desisyon nito sa amin.

Simula sa panganay kong kapatid na si kuya Apollo ay ganoon din ang naging desisyon niya. Isang bagay na talagang pamana ni ama para sa aming pamilya.

Pumasok sa aking kwarto ang dalawang bakla na tutulong sa pag-aayos sakin. Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nila pinahintulutang tumayo upang maiayos ang laylayan ng aking traje de buda.
Isang malaking salamin dito sa aking kwarto ang naging saksi sa aking kagandahan ngayong araw.

Tatlong malalakas na tunog ng kampana ang nagpagising sa aking diwa. Bigla kong naramdaman ang kaba. Kasabay ko sa pagbaba mula sa puting sasakyan ang aking mga magulang at ang dalawang baklang nag-ayos sakin na nakahawak na ngayon sa laylayan ng aking engranding wedding gown.

Sa unang apak ko sa pintuan ng simbahan ay narinig ko ang isa sa mga paborito kong kanta.

Beautiful in White

Unti-unti kong naramdaman ang excitement na di ko inakalang mararamdaman ko sa sarili kong kasal na pawang pinagdesisyunan lamang ng aking ama at ng kanyang matalik na kaibigan.

Nasa pinakadulo pa kami ng aisle ng matanaw ko malapit sa altar ang isang binata na blangko ang ekspresyon. Sigurado akong ito ang tinutukoy ng aking ama na anak ng matalik niyang kaibigan.
Samantalang inaanak ni ama sa binyag ang kapatid nitong babae.

Nakadamit ito ng pangkasal ngunit sa sahig ng simbahan ito nakatingin at parang napakalalim ng iniisip.

Nasa kalagitnaan na kami ng aisle ng biglang tumingin sa direksyon namin iyong binata.
Anak mayaman, iyan ang unang pumasok sa isipan ko.

Ang totoo, gwapo ito. Moreno at makinis ang mukha at maamo ang dalawang matitingkad nitong mga mata. May mapula rin itong labi at bumagay ng husto ang suot nitong mamahaling damit pangkasal.

Ang swerte ko naman sa mukha ng mapapangasawa ko. Perfect package kasi ang mala-adonis nitong mukha at katawan.

Pero teka, swerte nga ba ako?
Nakita kong sinusuri rin nito ang aking kabuuan at mataman akong tinitingnan na parang x-ray ang mga mata.

Ano kayang problema? Naisip ko bigla. Well, may ipaglalaban din naman ako kung sex appeal manlang ang pag-uusapan.

Dahil sa maraming bagay na umiikot sa aking diwa ay hindi ko na namalayan ang pag-abot ng aking ama sa aking kamay papunta sa nasabing binata. Mukhang nahipnotismo rin ata ang aking diwa.

"Please take care of my daughter, son." Habilin ni ama na parang hindi na kami kailan man magkikita.

"I will sir." Tugon naman nung binata sa aking ama. Aba, ang galang naman niya, sa isip ko.

Sa paglapat ng aming mga kamay ay naramdaman ko ang kakaibang boltaheng nananalaytay sa aking buong katawan.

Pakiramdam ko may kakaiba sa kanya.

Ngunit hindi. Hindi lang may kakaiba sa kanya.

Kundi sa pareho naming katawan. Pakiramdam ko nakita ko na sya noon. Naglandas na ang daan naming dalawa.

Naging pamilyar ang lahat simula ng magtagpo ang aming mga mata.

"P-Primo...?"

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now