Kabanata 54

2.7K 57 2
                                    

HERA

"Hoy Ventures! Sa tingin mo, alin ang mas bagay sakin dito sa dalawang to?" Tanong ko kay Von na nagsusuot ngayon ng belt niya. Agad siyang tumingin sakin habang hawak hawak ko naman iyong dalawang hanger kung saan nakalagay iyong dalawang long dress na parehong kulay peach.

"Mas bagay sa iyo iyong nakahubad ka." Nakangisi niyang sagot. Minsan talaga wala siyang kwentang kausap. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Biro lang kumander! Syempre kahit ano namang isuot mo dyan bagay sayo at maganda ka pa rin." Pag-iiba niya ng sagot.

"Bolero!" Bulong ko at pumasok na sa banyo para isuot iyong isang long dress. Pagkatapos ko itong isuot ay agad akong lumapit sa malaking salamin dito sa loob ng kwarto namin ni Von.
Oo. Mag-asawa na ulit kami. Hindi dahil siya ang itinakda sa akin kundi dahil siya ang napili kong makasama sa buhay. Minsan na kaming pinaglayo at hindi ako papayag na mangyari uli iyon. Sa lahat ng magkakapares sa angkan namin, kami lang ni Von ang umiba ng landas. Walang makakapigil sa kapalarang kami mismo ang gumuhit.

"Tayo kaya kumander, kailan mo balak sagutin iyong second proposal ko?" Bigla niyang tanong.

"Kapag nasundan na ang magiging panganay natin." Sagot ko na ikinabigla niya. Bigla siyang huminto sa ginagawa niyang pag-ayos sa suit niya at napatingin sakin. Mula sa nakaharap na salamin samin ay kinindatan ko siya.

"Woah!! Tatay na ako!" Sigaw niya na parang timang pero ang totoo masaya ako sa naging reaksyon niya. Agad niya akong niyakap.

"Thank you, kumander." Bulong niya sa tenga ko.

"You're always welcome, heneral." Bulong ko naman. I'm three months pregnant. At kumpara sa normal na tao hindi na namin kailangang kumonsulta pa sa doktor o bumili ng pregnancy test para malaman kung nagdadalang tao kami o hindi dahil kusa na iyong nararamdaman ng katawan namin.

Pagkatapos naming mag-ayos ay agad kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse papunta sa simbahan kung saan ikakasal sa pangalawang beses ang kapatid ko.

ALEH

Nasa loob pa kami ngayon ng simbahan at katatapos lang ng kasal ng luna at alpha namin. Katabi ko ang di mapakaling si Jinx. Pero hindi ko pinapahalatang alam kong di siya mapakali. Kaya ang ginawa ko ay bigla kong pinulupot ang kamay ko sa braso niya. Tumingin siya sakin at nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya.

"May problema ba, Jinx?" Tanong ko ng di na makapagpigil lalo na ng medyo lumayo siya sakin. Naguguluhan akong tumingin sa kanya pero hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Umubo muna siya bago kinuha ang dalawa kong kamay at biglang lumuhod.

"W-Will you marry me, Ms. Gracia?" Kinakabahan niyang tanong sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko bigla akong nabingi sa sinabi niya.

He's proposing to me?

"WOAAH!!!" Sigaw ng mga kaibigan namin. Nahihiya akong tumango sa kanya. At last...

Hindi na siya torpe.

At magiging Mrs. Aleh Gracia-Pavel na rin ako.

APHRO

Masaya akong nakatingin ngayon sa magkayakap na sina Aleh at Jinx. Sa wakas, ikakasal na rin ang huling kaibigan ng asawa ko na mula sa single ang status ay naging in a relationship at ngayon soon to be married.

"Bagay sila noh?" Puna ko. Biglang yumakap mula sa likod ko Eros. Nasa loob pa nga pala kami ng simbahan para sa katatapos palang na picture taking.

"Wala ng mas babagay pa sa atin,  wife." Bulong niya sa tenga ko. Napangiti ako sa sinabi niya.

Ibang iba na siya sa dating Eros na nakilala ko. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito. Dati nung malamig pa ang pakikitungo niya sa akin nangako ako sa sarili ko na paninindigan ko ang pagpapakasal ko sa kanya dahil ako si Aphrodite- a women who has the nerve to wait (patience) and to make him fall in love with me (love). At di ko inaasahang makukuha ko rin ang puso ng kupidong ito.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now