Kabanata 41

2.4K 64 13
                                    

MATHEO

"Bakit di niyo agad sa akin sinabi na kayo pala ang tunay na magulang ng kapatid ko. I mean...shit!" Naguguluhan akong napatingala sa ceiling.

"Paumanhin, hijo. Gusto lang naman namin makita silang dalawa." Paliwanag ni Aling Sol. Siya ang tunay na ina ng kapatid kong si Aphrodite at ng kakambal nitong kapangalan rin pala niya.

Ikweninto na niya sa akin kung bakit sila napadpad rito sa Spain at kung bakit siya lumabas bilang witness ng accident one decades ago. Bago kasi nangyari ang aksidente, our family decided to settle here in Granada, Spain from the Philippines. We are hunted because of our bloodline. Dahil nabuhay kaming malayo sa dugo ng mga normal na tao. My parents are both hybrid, ibig sabihin pinaghalo sa dugo nila ang dugong bampira at lycan o lobo kaya nagdesisyon kaming magpakalayo-layo sa Pilipinas.

I was born as an only child and so my parents decided to adapt another child, ang kakambal ni Aphro. Ako ang nagpangalan sa kapatid ko bilang Aphrodite at sakto namang may kakambal rin pala itong pina-ampon rin sa ibang pamilya. They were identical twins at basi sa kwento ni Aling Sol, Athena raw talaga ang tunay na pangalan ng kapatid ko who was with us during the accident.

At talaga namang pinagtatagpo ang landas ng magkambal dahil sa mismong sinasakyang bus rin pala nakasakay si Aphro kasama ang isang lalaking nagngangalang Zherus Cañunez. Ayon kay Selene, Aphro was abducted by him when the chase from their clan are still at stake.

After ng accident kung saan naroon kaming lahat, tanging ako at si Aphro lang ang nabuhay  na siyang pinagkamalan kong kapatid ko. My parents are dead on arrival when the ambulance stop to the nearest hospital from the accident site while my sister's body is still nowhere to be found until now. And I was surprised when Aling Sol appeared as the live witness of the accident and purposely apply as caretaker of my sister. Sa una nag-alangan akong ihabilin sa kanya ang kapatid ko but because I was so damn busy to many cases kasali na ang aksidenteng kumitil sa mga magulang namin, I decided to trust my bedridden sister to her.

"Bakit niyo po pala gustong makita rin ang mga magulang namin maliban sa kapatid ko? Tanong ko ng kumalma ang utak ko.

"Dahil sa kontratang meron kami at ng kapatid ng asawa ni Aphro, si Hera De Guzman-Ventures." Sagot niya.

"Ano ho bang kontrata?" Naguguluhan kong tanong.

"Kapalit ng pera at gastusing aakuin niya para makapunta kami rito sa Spain kinakailangan naming makumbinsi ang mga magulang mo na gawing hybrid siya. Dahil gusto niyang makasama ulit ang dati niyang asawa na inakala ng angkan nila na ito ang tunay na nakatakda sa kanya." Paliwanag niya.

"Bakit sino ba ang nakatakda sa kanya? Anong magagawa ng mga magulang ko sa pagiging hybrid niya." Tanong ko.

"Ang alpha ng ikalawang angkan, si Zherus Cañunez na isang hybrid." Sagot niya.

"At tanging mga hybrid lamang tulad niyo ang may kakayahang palitan ang dugo at lahi ng mga canid at ng hindi nila makasama ang nakatakda sa kanila. Ngunit nabigo ang plano namin." Pagpapatuloy niya.

"Dahil sa aksidente na siyang pumatay sa mga magulang mo." Dugtong niya pa. Mukhang nagiging malinaw na ang lahat sa akin ngunit may kung anong duda pa rin ang umuukit sa puso ko.

Alam kong hindi basta aksidente lang ang nangyari sa sinasakyan naming bus noon. Sa tingin ko sinadya itong mangyari lalo pa't nakasakay rin pala dito ang alpha ng ikalawang angkan na siyang hindi pa nakukumpirma kung buhay pa o hindi na katulad ng kapatid kong si Athena.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon