Kabanata 12

3.7K 124 4
                                    

APHRO

Narating na ng bangkang sinasakyan ko ang huling bahagi ng ilog. Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay masusuka ako anumang oras.
Pasuray suray akong bumaba at naglakad mula sa bangka.
Marami akong punong nakikita sa paligid. Malapit nang dumilim ng husto.

Ano na kaya ang susunod kong gagawin?

Tatahakin ko ba ang mayabong na kagubatang ito o maghihintay na lamang ako na may dumaan at sumaklolo ng tulong?

Oh God, pagod na pagod na ako.
Hindi rin kasi natapos ni Selina ang habilin niya sakin.
Umupo muna ako sa lilim ng isang malaki at mayabong na puno. Nanghihina na ang katawan ko.

Makakauwi pa kaya ako?

Wala na akong mapagsidlan ng pagod at kusa na ring sumuko ang katawan ko kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.

Ang kaninang naririnig kong huni ng mga guniguni ay tila nauubusan na ng tinig. Hanggang sa dumating ang pangalawang pagpanaw ng aking ulirat.

Nagising ako bigla ng may naramdaman akong mga gumagapang sa aking mga braso at binti. Parang may tumutusok rin na karayom sa katawan ko mula leeg papuntang daliri ng aking mga paa.

Bigla akong napabangon ng maramdaman kong wala na sa paa ko ang aking mga sapatos.
Bumangon ako at nilibot ko ang paligid.

Nasa kweba ako. Nakaka-amoy rin ako ng mapaklang amoy.

Ba’t parang ang panghi?
Tiningnan ko ang nanlalamig kong mga daliri sa paa.
Shet! Sinong kumuha ng sapatos ko?

Sinubukan kong tumayo kahit pakiramdam ko ay nirarayuma na ko. Kailangang mahanap ko ang supot ng aking paa kundi ay mamatay ako sa lamig.

Pinagpag ko ang mga itim na insektong kanina pa nagrarally sa ibabaw ng damit at pantalon ko. May mga naririnig akong mga nakapandedering huni.

Huni ito ng mga paniki, kaya pala ang panghi.
Kailangang makalabas ako rito. Baka masasamang tao ang nagdala sakin dito.

Akmang hahakbang na sana ako upang umalis ng may nakita akong dalawang bulto ng lalaki.
Matatangkad ito. Kasing tangkad ni Eros at malalaki ang mga katawan. Lumapit silang dalawa sakin.

“Looking for this?” tanong nung isa sakin saka itinaas ang kaliwa niyang kamay bitbit ang dalawang pares ng sapatos ko.

Tumango lang ako at kukunin na sana ang sapatos ko ngunit nauna itong lumapit sakin at isinuot ito sa mga nanlalamig kong mga paa.

Sigurado akong sila ang nagdala sakin dito sa kweba. Mukhang mababait naman sila.

“I’m Moore. Moore Smith.” Pakilala nung lalaking nagsuot sakin nung sapatos ko.

“Jinx here. Jinx Pavel.” Pakilala din nung isa.

“Mga kaibigan kami ni Eros.” Pagdadagdag ni Moore. Hearing them saying my husband name makes me feel a little bit better and safer.

“Aphro. Aprodite.” Maikli kong pakilala. Tumango-tango lang sila.

“Iuuwi ka na namin. He is terribly looking and waiting for you.” Wika ni Jinx.

Maingat nila akong inalalayan palabas ng kweba.

“Hey!” sigaw ng isang babae.

Teka may babae ba kaming kasama?

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Totoong may babae nga at nakasandal ito sa isang kotse.

May hawig siya kay Selina.
Ang ganda niya. May kasama siyang isa pang lalaki.

”So, kumusta?” She start asking me. Kilala nya ako?

Wait. Pamilyar yung boses nya.
Parang narinig ko na to, somewhere.

“Oh dear, wag mo namang ipahalata masyado sakin na your drooling to my beauty. Baka tusukin ko yang mga mata mo!” Banta nya sakin.

Ay may attitude ang isang to!
Hindi ko sya pinansin. Nanatili lang ako nakatitig sa kanya.

Who are these two people here anyway? Kaibigan rin kaya sila ni Eros?

“So, ikaw pala ang asawa ni Eros De Guzman?” She said with a bored face. What a bipolar one.

Anong problema nito sakin?

“Stop it, Selene!” Saway nung kasama nyang lalaki.

Wait! Tama ba ang narinig ko.

Selene?

“Selene Madrigal?”

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now