Kabanata 4

4.8K 141 11
                                    

APHRO

Wala sa bahay ngayon ang isa sa mga katulong namin. Nakiusap ito sakin na uuwi mo na siya sa kanila dahil gagraduate sa kolehiyo ang panganay nitong anak.

Siya si Aling Fe. Siya ang tumawag sakin bago kami makauwi ni Eros mula sa family dinner.

Dalawa ang katulong namin sa bahay. Sa kanya nagpaalam si Eros nung hinahanap ko ito. Isa pa sa mga katulong namin sa bahay, si Aling Jing. Siya muna ang pansamantalang aako sa lahat ng mga gawaing bahay habang wala si Aling Fe.

Mga mababait silang katulong sa bahay. Malaki rin ang respeto ko sa kanila dahil bukod sa mas matanda sila samin ni Eros, masisipag silang katulong.

Pansamantala ako ngayong tumutulong kay Aling Jing sa pagaayos ng mga pinagkainan namin. Sabay sabay kasi kaming tatlong nag-almusal. Siguro isa ito sa mga araw na nakisabay kumain sa amin ni Aling Jing si Eros.

Masaya ako siyempre.
Miminsan lang mangyari ito sa timpla ng ugali ni Eros kaya talaga namang gumising ako ng maaga at tumulong sa paghahanda ng almusal namin.

‘’Hija, bakit ang tamihik mo ata?” Sita sakin ni Aling Jing. 

“Ah... wala naman po. May iniisip lang”. Sabi ko ng nakangiti sa kanya. Ngumiti rin sya sa akin bago umalis papunta sa kabinet kung saan itinatago ang mga ginagamit naming pinggan, kubyertos at iba pa.

“Manang Fe, pupunta po muna ako sa kwarto ko.” Paalam ko sa kanya. Tapos naman rin kaming maglinis. Tumango lang si Manang.

Umakyat ako sa itaas. Balak ko kasing magbasa ng libro na may kinalaman sa kwintas na bigay sakin ng ina ni Eros.

Pinapatay ako ng curiosity ko dahil dito. Sa tingin ko rin kasi may something dito sa kwintas. Nasa loob na ako ng kwarto ko.

Kukunin ko lang ang susi sa Library dito sa bahay. Kinuha ko ito sa ilalim ng bedsheet ko. Doon ko kasi itinatago ang mga importanteng bagay sakin.

Pumunta na ako ng library. Binuksan ko muna ang ilaw bago pumasok ng tuluyan. Madilim kasi ang kwartong ito. Miminsan lang naman kaming mag asawa napapadpad rito. Kaya pinapatay namin palagi ang mga ilaw.

Sinimulan ko na ang paghahanap ng libro na maaring may impormasyon patungkol sa mga antique na kwentas. Simple lang naman ang itsura ng kwintas na ito.

Hindi sya masasabing hugis bilog dahil hindi perpekto ang hugis nito para sa isang bilog. Kulay puti ito. Specifically dirty white ang kulay niya.

Pero kung gaano ito kasimple, ganun naman kakomplikado ang mga letrang nakaukit dito dahil hindi ito ordinaryong letra na ginagamit natin araw araw. Mga letra ito na nakaayos na parang tatsulok at may ilang parang nakapyramid.

Hindi ito mga letra mula sa alpabetong Filipino. Mga letra ito na kahit ako na nag-aaral ng kursong etymology nung kolehiyo ay wala akong ideyang makuha kung ano ito.
Naisip ko nga, baka ito ang letra ng mga species na nakatira sa ibang planeta. Mga alien ba.

“Hay, nakakapagod mag-isip.” Komento ko.

Magkakalahating oras na akong naghahanap dito sa loob ng library pero wala parin akong nakikitang angkop na libro patungkol sa mga kwintas. Naisip ko rin kagabi na ipatingin ito sa mga treasure hunter o di kaya sa mga antique collector, ang kaso parang natatamad akong lumabas ng bahay.

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa makita ko ang hinahanap ko.
Ito ang libro na binili ni ama sa Italy nung nagbakasyon sila ni ina noon. Sabi niya itago ko daw ito dito sa library namin ni Eros. Wala na kasing library sa bahay namin. Pinatanggal kasi ito ni ama. Pinagawa nyang kwarto para sa mga bisita. Kaya lahat ng libro sa bahay nasa library na namin.

Tinitigan ko ang libro. Medyo luma na ito pero halatang ginawa ito sa ibang bansa. Wala itong may akda. Plain lang ang cover nito na kulay brown. Halatang ang binding ng libro ay mula sa Italy dahil may French word ito sa ibaba na ibig sabihin, made from Italy.
Sinimulan kong buksan ang libro. May table of contents ito na nakasulat sa salitang French. Medyo nakakaintindi naman ako, kasi bukod sa nag-aral ako sa lenggwaheng ito, half Italian ang ina ko.

Nahagip ng mga mata ko ang topiko na pwedeng makapagbigay sakin ng impormasyon tungkol sa mga kwintas. Actually, lahat naman ng laman ng librong ito ay patungkol sa mga kwintas. Pero dahil gusto kong basahin ang tungkol sa Full moon symbolization through necklace creation, kaya ito ang napili kong basahin. 

Kung titingnan kasi sa malapitan parang full moon ang itsura ng kwintas. Lalo na kapag nasisikatan ito ng araw. Nawawala ang dirty white nitong kulay.
Sinimulan ko nang basahin ang laman ng topikong napili ko. Naintindihan ko lahat ng ibig sabihin nito. Pero wala akong nakuhang impormasyon na may kinalaman sa kwintas na nasa sakin. Dismayado kong isinara ang libro at ibabalik na sana sa lalagyan nito ng may nahulog na maliit na piraso ng papel mula sa libro.

1/8 size lang ang laki at haba nito kung sa yellow pad na papel ang pagbabasehan. May nakasulat sa papel. Salitang French ito at ang pagkakaintindi ko, isa itong addres.

Room 501. Mystic St., Selina's Antique Shop

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now