Kabanata 10

4K 126 7
                                    

APHRO

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo habang hawak hawak ang isang tasa ng tsaa na binigay sakin ni Selina.

Yeah, you heard me right. She’s Selina. Siya ang may-ari ng shop na tinutukoy sa address na nakuha ko sa library. Selena's Antique Shop.

Nasa harap ko siya ngayon ngunit nakatalikod siya sakin at may hinahanap. Sinabi ko na sa kanya ang dahilan ng pagpunta ko dito.

Nakailang inom pa ako ng tsaa bago siya humarap sakin. She has something on her right pulse.

Isang tattoo iyon. Violet tattoo ito. Hindi ko nga lang makita ng maayos kung ano iyon.
She handed me a paper and when I look at it, iyon iyong papel kung saan nakalagay iyong address ng shop niya.

“I think you need to meet someone aside from me. Mas makakatulong siya sayo. Besides, alam niya kung anong meron sa kwintas mo.” She explained.

“This necklace…” she added. “It belongs to you, the right owner.”

“Huh? I mean, hindi naman kasi akin to’ bigay to sakin ng manugang ko.” I explain.

“I know. And just like what she said, only you can find the answers to all of the curiosity that has been running down to your head.” I silently release a heavy breath.

Mukhang nabigo ata ang lakad ko. Mukhang mas lalo lang nadagdagan ang mga katanungan sa isip ko.

Who is this someone na tinutukoy naman niya?
Mukhang magkakaroon pa ata ng part two ang adventure ko.

I just nod at her as a response. She smiled back at me. I think she’s a good friend.

“You have to meet her as soon as possible. Kailangan bago pa dumating ang blue moon.” Paliwanag niya.

“She’s my sister but she’s more dangerous than me.” Dagdag niya. Kinilabutan ako sa sinabi niya.

Blue moon?

More dangerous?

“But she wont bite you I assure you that.” Tumango-tango lang ako. Pero ang totoo kinabahan ako sa sinabi nya.

Biglang nag-iba ang pinta ng mukha niya. Nabalot ito ng galit kaya bigla akong natakot sa kanya. May bigla kasing kumatok sa pinto ng bodega. Malalakas na katok na pwede nitong ikasira.

She immediately grab my hand at pinapasok ako sa isang maliit na pinto sa likod ng isang malaking kabinet.

Kung tutuusin hindi ako kasya sa pinto ngunit dahil parang may paparating na panganib kaya lakas loob na rin akong pumasok roon.

“Please be safe.” Nangungusap ang mga mata niya.

“Hindi ka ba sasama sakin?”tanong ko.

“Get in, fast!” she commanded. Ngunit nangungusap ang mga mata nya.

“Sumama ka sakin.” Pakiusap ko.

“Ito lang ang tanging paraan para hindi ka nila makuha. Gapangin mo ang daan sa loob ng pintuang ito. Sa dulo nito, may isang bangka. Sumakay ka at bumalik ka na sa asawa mo.” Habilin niya at isinara na ang pinto.

Anong nangyayari?

Bago ko ginawa ang sinabi niya ay narinig ko pa ang huling sinabi niya mula sa likod ng pinto.

“Its nice meeting you.”

Unti-unting pumapatak ang aking mga luha. Nahihirapan akong tahakin ang daang sinasabi ni Selina. Masyado kasi itong makitid.
Pero kailangan kong magtiis dahil alam kong nasa panganib ako.

Tinuloy-tuloy ko ang paggapang sa makitid na daan hanggang sa makita ko ang liwanag sa dulo nito at mapansin ang bangkang tinutukoy ni Selina. Nang makalabas na ako ay lumapit ako sa isang bangka.

Nag-alangan pa ako kung sasakay dito dahil hindi ako marunong magpatakbo nito.
Ngunit sa huli ay sinubukan ko at sa kabutihang palad ay umusad naman ito.

Habang nagsasagwan ako ay nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Nasa likod pala ako ng malaking gusali at ngayon ay nasa malawak na lawa na kung saan banayad lang ang agos ng tubig. Mga huni ng guniguni lang ang aking naririnig.

Hindi ko lubos maisip kung ba’t ako umabot sa ganitong sitwasyon. Nakaramdam ako ng kirot sa aking balat at nakita ko ang maliliit na galos sa aking balikat, binti at may iilan rin sa aking mukha. Medyo narealize ko na ngayon kung bakit ang hirap maging adventurer.

Saan kaya ako dadalhin ng bangkang ito’?

Kinuha ko iyong phone ko sa bag at tinigil muna ang pagsagwan. Kailangan kong tawagan si Eros.

Ngunit pagbukas ko ay emergency call pa rin ito. Ibinalik ko na lamang iyong phone ko sa bag at nang mapansin ko iyong papel na binigay sakin ni Selina ay naroon pa rin iyong address ng shop ni Selina.

Ngunit nagtaka ako nang may nakasulat pang iba sa ilalim ng address. Inayos ko ang pagkakahawak dito at binasa iyon.

Selene Madrigal?

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now