Kabanata 42

2.4K 66 1
                                    

HERA

"Hindi ka ba nababahala sa kalagayan ngayon ng angkan natin?" Tanong sa akin ni Aleh, nasa balkonahe kami ng bahay nila ni Pavel. Malayo ang tingin ko at inaagam agam ang lahat ng nangyayari sa paligid namin.

"May dapat ba akong ikabahala? Kapiling ko na ngayon ang taong mahal ko at sa tingin ko maayos na ang resulta ng paghihigante ko. Eh diba nga ikakasal na ulit ang kapatid ko sa pangalawa niyang luna. Kaya wala na naman talagang problema, Gracia." Sagot ko. Ngunit hindi pa rin maguhit-guhit ang reaksyon ng mukha niya. Bakas rito ang labis na kalungkutan.

"Alam mo kalimutan mo na yang Cañunez na yan! Masaya na naman kayo ni Jinx diba?" Pangungumbinsi ko sa kanya.
Tanging ang kapatid ko nalang ang hindi masaya ngayon.

"Pero hindi tama itong nakikita nating nag-aaway away na naman ang mga angkan natin! Lalo na si lotharion, hindi ka ba naaawa sa kapatid mo!" Sumbat niya sakin. Bakit naawa ba siya noon ng paghiwalayin niya kami ng asawa kong si Von?

"Hindi ito ang pinagkasunduan natin noon, Hera. Naghihigante ka! Pinaparanas mo lang sa kapatid mo ang naranasan mo noon at sa tingin mo ba magiging masaya ka sa lagay na yan habang buhay?" Patuloy na pangangaral sakin ni Gracia.
Hindi ako katulad mo Aleh na madaling kalimutan ang taong minsan mo ng pinangarap sa buhay!

"Walang kaso iyon sakin. Ang importante masaya ako ngayon kasama si Von." Pagmamatigas ko.

"Eh si Von, magiging masaya kaya siya kapag nalaman niya ang ginawa mo!" Sumbat niya sa akin. Bigla akong natahimik.
Tama siya. Mapapatawad kaya ako ni Von kapag nalaman niya ang ginawa ko?

Pero para naman to samin. Mahal ko siya at ayokong maghiwalay kami ulit tulad ng dati. Ayoko ng maulit pa iyon.

"Walang kasalan ang kapatid mo. Alam mo namang ginawa niya lang yun dahil iyon ang tama. Dahil hindi ikaw ang nakatakda kay Von!" Sumbat niya sa akin. Agad ko siyang sinimangutan.

"At ano sa tingin mo, papayag akong matali sa Zherus na yon para ano? Para sa ikakapanatag ng angkan natin? Sa dinami dami ng babae sa lahi natin bakit ako ang dapat na magsakripisyo!" Singhal ko. Bakit ako pa?

"Pero iyon ang nakatakda sa iyo!"

"Wala akong pakialam! Sa totoo nga tinulungan ko pa ang kapatid ko para makasama ang taong mahal niya, si Jerusha hindi ba?" Pangungimbinsi ko. Matutunan niya ring mahalin ulit si Jerusha. Isang dekada ng wala ang asawa niya kaya posibleng nakalimutan na niya ito.

"At paano ka nakakasigurong mahal niya nga ang babaeng yun. Nakita mo ba kung gaano niya sinisisi ang sarili niya simula ng mawala ang asawa niya. At sigurado ka bang si Jerusha ang pangalawang luna ng angkan natin?!" Sumbat niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?.."

"Hindi magkambal sina Aphro at Jerusha!" Singhal niya na ikinabigla ko. Hindi sila magkambal?

"Paanong..." Napaupo ako bigla sa upuang nasa balkonahe ng bahay.

"May umampon sa tunay na kapatid ng luna. Mga mag-asawang hybrid at nasa Spain sila iyon ang alam ko base na rin sa sinabi ni Selina sa akin." Paliwanag ni Aleh. May bigla akong naisip. Kung may kakambal ang luna, pupwedeng ito ang pumalit sa kanya.

"Sa Spain ba kamo? Magkamukha ba sila?" Tanong ko. Hindi kasi magkamukha sina Jerusha at Aphro kaya baka ang kapatid nito ang posibleng identical ang mukha at pepwedeng ipalit sa dating luna. Tumango siya at naguguluhang tumingin sa akin.

"Punta tayo ng Spain!" Dali dali kong yaya sa kanya.

"Spain? Ano ka ba wala tayong panahon ngayon para mamasyal sa kung saang lupalop ng mundo!" Sumbat niya sakin.

"Gaga! May pupuntahan tayo dun!" Sagot ko na lalong ikinabigla niya. Akmang magtatanong na sana siya ng biglang tumunog iyong telepono sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya ito at sinagot.

"Selene?!.." Usal niya. Si Selene?

"Ano? Spain?! Huh kailan?" Naguguluhan niyang tanong sa telepono. Spain? Nasa Spain si Selene. Kinuha ko iyong phone ko at tinext ko kaagad si Clon na nasa Spain ang kasintahan niya.

"Oh God! Mabuti naman!" Rinig kong sambit ni Aleh. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"Sige, papunta na kami dyan!" Sambit niya at dali daling binalik iyong telepono sa mesa.

"Tara na sa airport!" Nagmamadali niyang sabi sakin at hinila na ako palabas ng bahay nila.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now