Kabanata 47

2.4K 72 0
                                    

Flashback
ZHION

"Hey! Easy dude!" Awat ko sa canid na si Lotharion ng akmang susuntukin na naman niya ako sa mukha. Makatatlong beses niya na akong sinuntok at talagang napakalakas bumanat ng gagong to. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko. Shit!

Huminto siya at madilim ang mukha ng tumingin sakin.

"Ito lang ba ang sinadya mo rito? Para bugbugin ako?" Reklamo ko. Hindi siya umimik. Sa totoo lang nakakatakot iyong mukha niya lalo pa kaya kung mag-anyong lobo na ito. Tumikhim ako bago muling nagsalita.

"Ok. Alam kong may atraso ako sayo pero kalma lang, kaya ko namang humingi ng tawad." Pakiusap ko. Nanatili pa rin siyang tahimik.

"Ok, ano bang gusto mong gawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Give back the amulet to my wife or else I'll end your bloodline." Pagbabanta niya sa akin sa kalmadong boses. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Kilala ko siya base na rin sa mga kwentong naririnig ko tungkol sa kanya. Kalmado pero demonyo kapag nagagalit.

"Sige fine. Ill I'll do it." Pagpapayag ko. Ayokong maubos ang lahi namin lalo pa't pinaghirapan ko tong maangkin mula sa kapatid kong si Zherus.

Ng marinig niya ang pagpayag ko ay agad siyang umalis sa teritoryo namin kasama ang magkambal na Ventures at ang dalawa pang canids.

HERA

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan nina Aphro. Nasa garden ito kasama ang magkambal na Madrigal habang kasama ko namang naglalakad papunta sa kanila si Gracia.

"Hi!.." Masayang bati ni Aleh sa kanila. Lahat sila napatingin sa direksyon namin. Naiilang kaming umupo katabi sila. Tahimik na nakatingin sa amin si Aphro. Siniko ako bigla ni Aleh. Ang totoo gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil ito ang gusto ng kapatid ko at syempre gusto rin dahil alam ko namang may kasalanan din ako.

"I'm sorry, Aphro. Sorry sa mga nagawa ko." Pakikiusap ko sa kanya. Tahimik lang na nakikinig iyong tatlo, sina Aleh, Selene at Selina.

Ngumiti siya sakin.

"Ok lang yun. Matagal na panahon na din naman yun. Isa pa ang importante unti-unti ng nagiging maayos ang lahat." Sagot niya na ikinatuwa ko. Akala ko magagalit siya sakin dahil ginamit ko siya sa plano ko at ang mga tunay niyang magulang.

"Salamat!" Sabi ko at agad na lumapit sa kanya at yumakap. Gumanti rin siya ng yakap.

VON

Pagkatapos naming pumunta sa teritoryo ng rival clan ay sinadya naming bisitahin ang lungga ni Styllone. Agad kaming pumasok sa malaking gate ng teritoryo nila. Kasama ko nga pala si Lotharion, ang kambal ko at sina Jinx at Moore.

"Mukhang hindi na kayo makapaghintay sa itinakdang araw ng digmaan natin, Lotharion." Komento ng kalalabas palang na si Lander Venero-Styllone mula sa mansyon nila kasama ang luna niyang si Moira.

Ngumisi lang kami habang tahimik lang na nakatingin sa kanila si Lotharion.

"Kumusta ang kasal niyo ng pinsan kong si Jerusha?" Baling naman ni Moira. Hindi sumagot si Lotharion. Tahimik pa rin ito.

"Mukhang nabigo ka sa kasunduan natin, Lotharion." Komento ni Lander habang nakangisi.

"Kayo ang unang trumahidor samin, gago!" Sumbat ng di nakapagpigil na si Jinx.

"Hindi ka kasi katiwatiwala, Lotharion. Akalain mong napaamo mo rin sa wakas ang bagong alpha ng ikalawang angkan at ano, pumunta kayo rito para pasukuin rin kami? Hell no!.." Bulyaw ni Lander.

"Wala rin kaming balak na makipagsundo sa inyo. Hindi namin kinukopkop ang mga trahidor ang lahi!" Singhal ni Moore. Tumawa si Moira habang dumilim naman ang mukha ni Lander.

"Akala niyo ba matatapos na ang digmaan? Nagkakamali kayo sa parteng yan!" Singhal ni Lander. Alam kong unti unti na siyang napipikon.

"Nasa amin pa rin ang korona, Lotharion. Alalahanin mong kami na ang bagong namumuno ng BAS!" Pagmamalaki ni Moira. Tama siya. Sila na ang bagong komokontrol nito. Ang dating namumuno dito ay ang ama niya na pinalitan ni Zherus at ngayon naman ay si Zhion na ang lider nito.

"Kagagaling palang namin don at balita naming kayo na nga ang bagong naymamay-ari nito." Komento ko.

"Kaso mukhang ginalit nila si lotharion kaya..." Pagpapatuloy ko. Lalong dumilim ang mukha ng mag-asawa lalong lalo na si Lander. Nakuha niya agad ang sinabi ko. Wala na siyang babalikang BAS dahil tinapos na ni lotharion ang grupo nila.

"FUCK YOU, LOTHARION!!" Galit na sigaw ni Styllone. Napangisi nalang kami. Napikon na nga ang gago.

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Where stories live. Discover now