Kabanata 7

3.9K 120 2
                                    

APHRO

Kung bibilangin ang bawat palapag ng building na ito may tiglilimang room ito.

Room 486 to Room 490 sa unang palapag. Dito sa ikalawang palapag nagsimula ako sa room 491 at ngayong nasa last room na ako.

“Room 495.” bulong ko sa sarili. Huminga ulit ako ng malalim at ibinalik ko ang phone ko sa sling bag. Sinimulan kong maglakad.

“Kaya ko to’.” Sigaw ng isip ko. Matanda na ako para maniwala sa mga multo multo.

Tinungo ko ang hagdanan paakyat sa huling palapag.

“Room 496”, ito ang unang room na nakita ko. Dahil nakasunod-sunod naman pala ang bawat kwarto, didiretso na ako sa pinakahuling room.
Mabilis akong naglakad. Bumilis din ang tibok ng puso ko.

Nasa tapat na ako ng huling kwarto.
“Ito na siguro to’.” Sa wakas. Tiningala ko ang nakasulat sa ibabaw ng pinto ng nasabing kwarto.    

Room 500? 

Pagod.

Takot.

Panlalamig.

Nahihilo. Dismayado.

Iyan lahat ang nararamdaman ko sa mga pagkakataong ito.

Room 500?

Ito ang pantatlong beses kong pag-uulit sa nakasulat sa ibabaw ng pinto. Ito na ang huling kwarto sa huling palapag na ito.

Nasaan na ang room na tinutukoy sa address? Nasaan ang room 501?

Nilibot ng aking mga mata ang kabuuan ng ikatlong palapag.

Wala bang extended room dito?

Iyong makikita ko ang Room 501.
Para akong maiiyak. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinatok ko ang pinto ng huling kwarto. Ang 500.
Walang sumasagot. Kinatok ko uli ito. Wala pa rin.

Tayong tayo na ang mga balahibo ko sa katawan. Inipon ko lahat ng tapang na meron ako at pinihit ang saradura ng kwarto. Dahan dahan ko itong binuksan at laking gulat ko ng di ito naka-locked.

Wala akong nakitang tao sa loob ng kwarto. Ngunit kwarto nga ba ito?
Para naman kasing hindi mukhang kwarto to’.

Isa itong bodega ng kung ano.
Hindi ito nilalangaw. Hindi rin ito mabaho o masangsang ang amoy.

Malinis na nakaimbak ang mga sako sa loob nito at hindi ko mawari ang mga laman nun. Humakbang ako palapit sa mga nakaimbak. Hindi naman kasi madilim ang kabuuan ng bodega.

Wala ito ni isang ilaw ngunit sapat na ang liwanag na nagmumula sa maliliit na bintanang nakaawang sa mga gilid nito.

May anim itong maliliit na bintana at sa paraan ng pag-awang nito ay parang isinadya. Hahakbang pa sana ako papalapit sa mga nakaimbak na sako ng may biglang humawak na malamig na kamay sa balikat ko.

Lahat ng tapang ko sa katawan ay biglang naubos. Hindi ako makagalaw. Nanlabo ang paningin ko at nanghina ang aking katawan hanggang sa maramdaman ko na lamang ang paglapat ng aking katawan sa malamig na sahig ng bodega.

Dahan-dahang sumuko ang katawan ko ngunit bago ako mawalan ng ulirat ay nakita kong andito siya.

“E-Eros…?”

The Chosen Mate (Mate of the Lotharion Canid)✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat