Chapter 19- Bus and Jeep

Start from the beginning
                                    

"Oh, sakay na maluwag pa!" sigaw ng mga nagpapasakay sa jeep.

"Kailangan ba talaga nating sumakay dito? Napakainit eh. Pwedeng time out muna?" reklamo ni Gary.

"Ayon sa radar, malayo pa ang pupuntahan natin. Kakailanganin nating sumakay dito." napabuga nalang si Gary at hindi na nagreklamo nung magsalita na si Jack.

Matapos naming sumakay ay agad kaming napuno sa iisang jeep kaya halos gawin akong sandwhich nina Frena at Jack.

"Oh pakikandong nalang yung mga bata!" hindi ko pinansin si Kuyang sumisigaw kase di naman ako bata.

"Neng, kumandong ka nalang dyan sa katabi mong lalake." nanlake ang mata ko ng kalabitin ako ni Kuya at sabihin sa akin ang kagimbal gimbal na bagay na yun.

Napatingin ako kay Jack na nakapoker face lang na napatingin sa akin samantalang ako ay ready to kill na at namumula pa ang mukha dahil sa kahihiyan.

"Ako!? Mukhang bata!? Masyadong mapanghusga ang mga tao dito, bababa nalang ako!!!" Pagkasigaw ko non ay nakatayo na ko kaso hinila ako nina Olivia, Gray, Han at Frena paupo ulit.

"Maluwag pa!!!" sigaw ulit ni Kuya na ikinagigil naman ni Gary.

"Maluwag!?!?? Hindi na nga magkasya yung isang pisngi ng pwet ko, matatawag mo pa itong maluwag!?!??" nanggagalaiting sigaw ni Gary.

"Kumalma ka bes. Makakaganti din tayo someday." Sabi ko kay Gary habang nakabusangot.

Nakabusangot na umupo na lang ulit ako dahil wala naman kaming ibang choice kundi sumakay ng jeep na ito. Kesa naman sa maglakad kami ay pagtitiisan ko nalang ang mapanghusgang mundong ito.

Napansin ko pang napangisi si Jack sa tabi ko habang ako ay nakabusangot lang na nakatingin sa nang-aasar nyang mukha.

"Kandungin na kita." tiim baga akong napapikit at pinigilang magpalabas ng apoy sa kamay ko.

"Tigilan mo ko, Jack kung ayaw nyong sunugin ko kayo." nanahimik naman sya at tumingin na lamang sa labas.

Hindi na ko makatulog dahil nakatulog na naman din ako ng mabuti sa bus kanina.

"Yna, hindi ka matutulog?" tanong sa akin ni Gray kase sya nalang ang gising sa amin.

"Hindi na ko makatulog pa. Ikaw ba't gising ka pa?" tanong ko pabalik.

"Hindi din ako makatulog. Hindi ka ba nangagalay diyan kay Frena?"

Napasilip ako sa mukha ni Frena, nakasandal kase ang ulo niya sa balikat ko.

"Ayos lang naman..." sagot ko kay Gray at tumingin sa kanya

"Hindi ka ba kinakabahan?" Nagtaka ako sa tinanong nya kaya nagtanong din ako.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa pwedeng mangyare sayo sa digmaan." nagulat ako sa sinabi ni Gray dahil hindi ko inexpect na may magtatanong sa akin ng ganto. Alam ko naman kaseng hindi ko kakayanin ang pagsubok na ito at pwede na lang akong mamatay ng basta basta.

"Oo naman kinakabahan ako...

Pero kailangan kong tanggapin na may katapusan ang lahat..."

Matatapos din ang digmaan at mamumuhay din tayo ng mapayapa.

Napakunot ang noo ni Gray ganon din sina Frena, Gary, Ley , Han, George at iba pang kasama ko.

Mukhang gising pa sila at naku-curios din sila sa sasagutin ko sa tanong ni Gray. Napangiti naman ako.

"Pwede akong mamatay habang nakikipaglaban."

napabangon silang lahat sa sinabi ko at tila nanigas pa sila kaya pinigil ko ang aking tawa.

"Pero sigurado naman akong tatapusin nyo ang laban at may tiwala ako sa inyo." napangiwi at napakunot ang noo nilang lahat kaya napangiti ulit ako.

Ako naman ang pumikit at sumandal sa balikat ni Frena na nakakunot ang noo sa akin.

"Pero kahit ganon. Ano man ang mangyare, lalaban ako para sa inyo, para sa academy at lalaban kasama nyo."

Pagkasabi ko nun ay nagsitawanan sila samantalang napangiti lang ang iba.

Pagkasabi ko nun ay nagsitawanan sila samantalang napangiti lang ang iba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now