Chapter 15- The True Yna

Start from the beginning
                                    

"J-janina." Kinakabahang sagot nya sa akin.

"At nagawa nyo pang magbulungan..." Jane na napangisi pa.

I want to use my magic kaso nahihirapan ako. Ayoko namang magulat ang mga estudyante at sabihing... Surprise ako ang nakatakda!! Whoah~~

Hinila nila ang buhok namin ni Janina sabay tinulak kami kaya pareho kaming napahiga sa sahig. Halata namang nagulat si Olivia sa ginawa ng kaibigan niya kaya napahakbang sya ng isa.

"Dapat lang sa inyo yan dahil mga mahihina kayo!" Sigaw sa amin ni Melli while straddling Janina tapos pinag-sasampal nya ito, ganon din ang ginawa ni Jane sa akin kaya pilit kong sinangga sya gamit ang kamay ko.

"Ohmygahd nasan na ang ibang members ng AOF!?" rinig kong sigaw ng isa sa mga istudyante.

"Melli, Jane! Tigilan nyo na yan! That's against the rules!" Sa wakas ay umaksyon na si Olivia pero ayaw syang pakinggan ng dalawa nyang kaibigan. Umaawat na rin si Hannah pero tinulak lang sya ni Melli.

Ewan ko kung bakit, pero mas tanggap ko pa ang dahilan kung bakit galit sila sa akin. Dahil ba nabastos ko sila? Pero ano bang nagawa ni Janina?

"T*ngina nasan ang AOF pag kailangan mo sila!? Mawawalan na tayo ng dalawang estudyante dito! Nagawa pa ba nilang mag prepare? ano toh? Napakabagal!!!" Narinig ko somewhere sa crowd ng mga estudyante.

"OMG JANINA!!!! AND...T*NGINA NASA TROUBLE KA NA NAMAN YNA??!!?!" narinig ko si Gary pero hindi ko sya pinansin mas dinadaing ko ngayon ang sakit ng katawan ko dahil sa sipa, suntok at sampal ng dalawang bruha na ginugulpi kami ngayon. Ramdam ko ring ginagamitan kami ng powers nila kaya mas lalo kaming nanghihina ni Janina.

"Melli and Jane, Stop it!!" Narinig ko na din ang sigaw ni Jack pero ayaw pa rin talaga nilang tumigil.

"Mga wala kayong kwenta sa academy!"

'Anak, lumaban ka'

Mama?

"Hindi kayo tinuraan ng mga magulang nyo ng magandang asal! How dare you not show your respect to us kahit na mas malakas kami sa inyo!"

'Show it.'

Papa?

"Kaya dapat sa inyo mamatay kasama ng mga magulang nyo na hindi kayang arugain ang anak nila!"

"Kitang kita sa inyo na pabaya ang mga magulang nyo!"

'Show your true power.'

Jessi's POV

Nang marinig ko ang pinagsasabi ng dalawang bruha, nakaramdam ako ng matinding galit pero mas nangibabaw ang kaba ko dahil ramdam ko ang galit ni Ate Yna. Hindi nya kayang kontrolin ang sarili nya... Hindi din ang kakayahan nya!

Ngayon natatakot ako sa pwedeng mangyare sa dalawang bruha, hindi magandang desisyon na galitin ang nakatakda. Nasabi sa amin ito ng aming guro kaya alam ko at ramdam kong may mangyayareng hindi maganda.

Yna's POV

Hindi sila nagkulang

Ginawa nila ang lahat para sa amin...

Hindi nila kami pinabayaan, Oo napabayaan nila kami nung namatay sila bigla.

Pero tinuruan nila kami ng magandang asal bago sila namatay kuno...

The thing is... hindi nila nasabing bawal kaming magpadala sa galit...

'I will show to all of you my true power.'

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko na agad kong pinahiran.

Namatay sila ng malinis at hindi ko hahayaang bahiran nila ng dumi ang imahe ng mga magulang ko.

Third Person's POV

"WALANG KWENTA ANG MGA MAGULANG NYO!" pagkatapos isigaw yun ni Janina ay bigla na lang itong tumalsik hanggang sa tumama ang likod nya sa pader at nasira ito dahil sa lakas ng impact nya.

Nagulat ang lahat sa nangyayare, na kahit ang mga nasa ranking ay hindi makapaniwala.

Tumayo si Yna pero hindi makita ang mukha nya dahil sa nakatakip nyang buhok. Nung tinaas nya ang ulo nya ng kaunti ay mas nakita nila ang pagkaitim ng mata ni Yna. Nabalot na ng kadiliman ang mga mata nya, it's completely black.

Tumingin si Yna kay Melli na nakatungtong pa din kay Janina.

Halata ang takot sa mukha ni Melli ng bigla na lang syang lumutang at tumilapon din. Sumugod bigla si Jane na may hawak ng kutsilyo na handa nya ng itarak sa likod ni Yna.

Nagulat ang lahat na may dala ng kutsilyo si Jane pero ang nagpagimbal sa kanila lalo ay ang pagtilapon ni Jane.

Hindi sya tumilapon dahil sa telekinesis. Tumilapon sya dahil sa biglaang paglabas ng kulay itim na pakpak ni Yna na nagpagulantang sa lahat.

"Ang nakatakda." Saad ni Gray na narinig ng lahat.

Nasa sahig na ang dalawang sina Melli at Jane, wala silang malay.

"Pero nasabi nila sa akin na huwag pumatay." Bulong ni Yna na sya lamang ang nakarinig at bumalik na sa normal ang mga mata nya.

Alam ni Yna kung ano ang ginawa nya  at hindi nya ito malilimutan.

Biglang nanghina si Yna at babagsak na sana ito sa lupa ng saluhin sya ni Olivia na malapit lamang sa kanya. Lumapit si Jack kina Olivia at walang pasabing binuhat si Yna papuntang klinika.

 Lumapit si Jack kina Olivia at walang pasabing binuhat si Yna papuntang klinika

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now