Chapter 58

409 10 3
                                    

Her POV

Hinayaan ko muna ang mag-ama na magbonding sa sala habang naghahanda ako ng meryenda para sa kanila. Bigla namang pumasok si Ralph na namamawis pa dahil galing sa paglalaro.

"Andyan na pala si kuya Nick ate, nagkaayos na ba kayo?"
Ito ang sinalubong niya agad sa akin habang kumukuha ito ng tubig sa ref.

"Maayos naman kami. Paano mo nasabing hindi kami okay?."
Saka ko itinuloy ang hinahanda ko at binigyan din siya.

"Hndi sa nanghihimasok ate ha, hindi mo man sabihin sa akin pero nung araw na umuwi ka dito alam kung may hindi magandang nangyari sa iyo sa Maynila at alam kung tungkol iyon sa inyo ni kuya Nick. Pero ate sana huwag mo ng pakawalan si kuya, sana maging maayos ang dapat ayusin. Ngayon palang nakikita ko na ang pagiging mabuting ama niya kay Nicka kahit hindi niya siya ang tunay na ama nito kaya nakakasiguro akong magiging mabuting asawa din siya sayo. At bilang kapatid mo, malaki ang tiwala ko na ipagkaloob kayo kay kuya Nick dahil alam kong aalagaan at mamahalin niya kayong dalawa. Hindi na ako mag-aalala sa inyo kasi nasa mabuti kayong kamay kay kuya Nick." Nabigyang linaw ang isip ko dahil sa narinig ko sa kapatid ko, kaya naman kahit na binata na ay hindi ko napigilang hindi guluhin ang buhok nito.

"Ate naman eh, binata na ako."
Reklamo pa nito sabay subo sa meryendang hinanda ko.

"Kahit binata kana, magka-asawa, magka-anak at tumanda. Ikaw pa rin ang bunso ko. Kaya hala maligo kana doon at nangangamoy ka na."
Sabay gulo ko ulit sa buhok niya at biglang alis sa kusina.

Dinala ko na rin ang hinanda kong meryenda para sa dalawa ng matigil ako dahil sa nadatnan. Nakakandong si Nicka kay Nick at niyayakap maya't maya ni Nick ang bata sabay sabi ng "I love you anak" at ikinaantig ng puso ko. Gumaganti naman ang anak ko ng "I love you din daddy" sabay yakap nito ng mahigpit kay Nick.

Nagkaroon na din ako ng lakas ng loob para tumuloy at ilapag ang hinanda kong meryenda nila. Unang kumuha si Nicka ng isang piraso ng camotecue at isinubo iyo kay Nick na malugod naman nitong tinanggap sabay halik sa noo ng anak namin.

Anak namin.

Tama anak namin si Nicka at may karapatan itong magkaroon ng kompletong pamilya at makasama ang tunay nitong ama. Alam ko rin na matagal ng inaasam ng anak ko na magkaroon ng pamilyang kompleto at masaya. Gagawin ko nararapat para sa anak ko.

Mabilis na nakatulog si Nicka ng gumabi dahil sa walang sawang pakikipaglaro at harutan kay Nick.

Matapos ko siyang maiayos sa higaan ay lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko si Nick sa sala. Inaya ko siya sa labas at nakaharap kami sa malawak na bukirin na nasisinagan na lamang ng liwanag ng buwan.

Binasag din agad ni Nick ang katahimikang namagitan sa amin.

"I really miss you Reign. Hinintay ko ang tawag mo pero wala, noong nakaraang linggo pa sana ako pupunta dito pero nagkaroon ng problema sa isang branch ng kompanya." Sabay hawak at pisil nito sa dalawang kamay ko kaya napatingin na rin ako dito.

"Sorry kung hindi ako tumwag kaagad. Pakiramdam ko kasi kailangan ko pa ng mas mahabang panahon para mag-isip pero habang tumatagal Nick ay mas lalong tumitindi ang pangungulila ko sa'yo. Gusto kong bigyan ng buong pamilya si Nicka. Gusto kong magsimula ng isang bukas kasama ka ng walang anumang pagsisisi at walang isang nakaraang aalalalahanin. Gusto kong mahalin ka ng buong buo at gusto kong magsimula ng pamilya, ikaw, ako at si Nicka. Kaya Nick, let's take this last chance and start all over again. Kalimutan na natin ang lahat ng masasakit na kahapon at magpokus tayo sa kung ano ang ngayon at sa darating na bukas."
Bigla nalang ako nitong dinamba ng mahigpit na yakap at isang marubdob na halik na tila ba sabik na sabik at tuwang tuwa. Gumanti rin ako ng ganung klase ng intensidad na halik at yakap. Gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal at pangungulila ko.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now