Chapter 20

419 12 0
                                    

Her Pov

I almost got emotional ng marinig ko ang kwento ni Nick pero dapat magpakatatag ako dahil kelangan niya ng masasandalan.

"Okay lang yan. Di mo yun sinasadyang mangyari biktima ka rin sa nangyari. Nawalan ka rin di man ng mahal sa buhay ay nawalan ka ng kakayahang magproduce ng bagong buhay. Hindi yun karma, may rason lang talaga ang Panginoon kaya nangyari yun."

Pang aalo ko pa sa kanya.
Tinapik naman niya ako pabalik. Dahil madaling araw na rin, inaya ko na siyang magpahinga. Tulog na ang kapatid ko kaya ako na ang tumulong sa kanya sa paglalapag ng foam sa sahig.

"Okay ka lang ba dito?"

Paninigurado ko pa..

"Yes i'm okay to it. You should also rest now."

"Okay sige. Good mornight Nick. Wag mo ng isipin ang past ang mahalaga ang sa ngayon ok."

Tumango na lang siya at lumabas na rin ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kwarto namin ni bunso. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap siya bago matulog.

Kinabukasan tinanghali ako ng gising kaya naman dali dali akong napabalikwas ng tayo mula sa higaan ko. Wala na sa tabi ko ang kapatid ko kaya nagtungo agad ako sa kusina. At ayun nakakandong siya kay Nick habang si Nick naman ay sinusubuan ito. Para silang mag ama kung titignan.

Nakuha naman ang atensyon ko ng tawagin ako ni Ralph. Umupo na rin ako sa hapag.

"Sorry nalate ako ng gising"

"Okay lang yun alam kung napagod ka kagabi at kaninang madaling araw kakaasikaso sa mga kapatid mo at sakin."

Sabad naman ni Nick...
Tumingin ako sa handa sa mesa may ilang tirang ulam galing kagabi. May bagong luto naman na pang agahan..

"Ralph ikaw ba nagluto ng agahan na ito?"

Tanong ko sa kapatid kong busy sa cellphone niya. Teka bat touch screen na tung phone niya.

"Hindi ate, si kuya Nick ang naghanda ng agahan. Bago ka magreact, siya ang nagpilit kaya hinayaan ko na lang."

"Ganun ba. Teka kaninong cellphone yang hawak mo eh keypad lang yung dati mong phone ah"

Pinakita naman niya sakin iyon. Isang latest model yun ng cellphone na kakalabas lang sa market.

"Maganda ate diba, regalo ni kuya Nick. Late Christmas gift daw niya."

Sagot ng kapatid ko sabay kalikot sa bago niyang phone.

Tinignan ko naman si Nick na ngayon ay nakangiting nakatingin sakin.

"Nick?"

"What? It's just a phone, no big deal. Tsaka diba miss mo na sila. Tamang tama pag bumalik ka ng Manila pwede kayong magvideo call ng mga kapatid mo. It's just a small present for your good brother and he needs it, he's a college student."

Sabay fistbump pa nito sa kapatid ko. Ngumiti naman yung kapatid ko. Ang galing, kuha na niya kaagad ang loob ng mga kapatid ko. Nadali sa charm at gifts niya.

"Ate"

Tawag sakin ni bunso sabay pakita sa kwentas na nasa leeg niya at isang pambatang relo. Tinignan ko na ngayon ng masama si Nick.

"Nick, subra na yan. Ayaw kong nasasanay sa luho ang mga kapatid ko"

Pero tinitigan lang din niya ako at nginitian ang kapatid kong babae.

"Reign, minsan lang sa isang taon ang pasko. Kaya hayaan mo ng makatanggap ang mga kapatid mo. Tignan mo oh tuwang tuwa si Nicka. She said she loves me then she kissed me. You know how i love to have kids. Kahit dito lang maramdaman ko yun."

Pag papaunawa pa niya sakin. Tinignan ko naman si Nicka na nakangiti habang tinitignan ang relo niyang may mukha ng frozen characters.

Napabuntong hininga nalang ako at di na umangal pa. Okay na rin kasi di ko naman maibibigay yung mga bagay na yun sa mga kapatid ko sa ngayon, kelangan pa ng ilang taong pag iipon bago makabili ng ganun.

Kumain na lang ako. Pagkatapos ay ako na rin ang nagligpit at naghugas.

Matapos ko yung gawin ay nakita ko si Nick at Nicka na nagseselfie sa phone nito. Tuwang tuwa nanan si bunso. Kung anu anu pa ang pinaggagawa nila sa mukha nilang dalawa. Hanggang sa tawagin ako ni bunso at sali daw ako sa kanila. Di ko naman binigo ang kapatid ko kaya tumabi ako at nagselfie na nga din Nick habang nakakandong si bunso sa kanya. Inayps ko muna ang buhok ko.

Naabutan kami ni Ralph kaya isinali na rin namin siya. Nagwacky, nag beastmode, nag look up, poker face at smiling face ang picture namin. Hanggang sa dala-dalawa naman hanggang sa mag offer si Ralph na kunan kami ng picture, kaming tatlo. Nasa gitna namin si Nicka at nakaakbay si Nick sakin.

Tinignan pa namin yung picture. Wow, para kaming isang masayang pamilya sa litratong yun.

Iniwan ko muna sila dun at nagpunta na ng kwarto para ihanda yung mga gamit ko dahil mamaya ay babalik na ako sa Manila. Hays mamimiss ko tung bahay pati yung mga kapatid ko.

Pumasok rin si bunso sa kwarto ko. Napasimangot naman siya pagkakita sa mga damit kong nakalagay sa kama namin. Tumulis yung nguso niya tanda na malapit na siyang magtampo.

Inaya ko naman siya na kumandong sakin at sinunod naman niya.

"Ate, aalis kana ulit?"

"Oo bunso eh, kailangan ni ate bumalik kasi may work ako dun. Para may pambili ng vitamins mo para di na magkasakit si bunso at may pampaaral si kuya"

Mas lalong tumulis ang nguso niya at nagsisimula ng pumula ang mga mata niya kaya niyakap ko siya at hinaplos haplos ang buhok niya.

"Bunso, wag ka na umiyak. Tatawag naman parati si ate eh."

"Ate kasi, mamimiss po kita. Wala ng tabi sakin matulog. Wala na hahaplos sa buhok ko para makatulog sa gabi"

Sumisinghot pa siya habang sinasabi iyon.

"Sige sasabihan ko si kuya na tatabihan ka at haplusin buhok mo para makatulog ka kagad hmm. Tahan na bunso"

Hinagod hagod ko pa ang likod niya para di na umiyak pa. Naiiyak na ako sa isiping iiwan ko sila ulit. Kung pwede ko lang silang dalhin dun kasu wala namang magbabantay sa kanya at maliit lang yung apartment ko.

Iniwan ko na muna yung mga damit ko at dinala siya sa sala. Napatingin naman si Nick samin at may pag aalala sa mata niya. Lumapit siya samin at inayos ang buhok ni Nicka. Nagpakarga naman si bunso sa kanya.

"Oh bakit umiiyak si bunso hah hmm"

Maingat pang tanong ni Nick kay bunso na ngayon ay nakayakap lang sa kanya.
Hinahaplos lang niya ito sa likod habang dahan dahang sinasayaw.

"Kuya Nick, aalis na kayo ni ate mamaya diba"

Humarap si bunso kay Nick habang sinasabi iyon.
Tumingin naman sakin si Nick.....

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now