Chapter 2

821 19 0
                                    

Her POV

Narito ako sa harap ng Villanueva Enterprises Company dahil nakita kong may hiring sila for secretarial position.

Grinab ko na malay mo makuha ako. Nag aral naman na ako ng secretarial for 2 years dahil yun lang kaya ko as a working student na rin. Kelangan ko na ring makahanap agad ng trabaho dahil nag aaral pa ang mga kapatid ko.

Kung itatanong niyo kung nasaan ang mga magulang ko, ayon nasa piling na sila ni Lord.

Ma, pa bantayan niyo ko lage okay.

At sana makuha ako ng kompanyang ito dahil ilang weeks na rin akong naghahanap kaso sinasabi kelangan daw may experience or minsan di daw ako qualified. Edi wow bahala sila kawalan nila yun hindi akin.

Nasa tapat na ako at tinanong ko ang guard ng mismong building.
Tinignan pa niya ako from head to foot wow hah pati guard e-examinin din ako grabe na to.

"Anung kelangan mo miss?"

"Manung guard kanina pa po ako nagsasabi na nag aaply ako for secretarial position at tinatanung ko po san papuntang HR department. Interview ko po ngayon manong."
Sabay pakita ng dyaryong

Tinaasan niya pa ako ng kilay. Naku manong kung gusto mong manatili pa yang buhok sa kilay mo ay naku wag mong papainitin ang ulo ko dahil medyu umiinit na ito sumasabay sa init sa labas..

"Okay, miss sa ikatlong floor, itanong mo na lang dun sa incharge din."

"Sige salamat manong."

Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang third floor. Nagtanung ako dun sa babaeng nasa registrar office. Itinuro naman niya ang HR department. Pagkarating ko dun iginiya ako ng isang babae sa ibang floor at dun may nakapilang mga babaeng mag aapply din ata. Umupo na ako at naghintay.

Nagbabantay ako ng oras ng biglang bumukas ang pinto kung saan ginaganap ang interview. Medyu mapula ang mata nung babaeng lumabas. Sumunod naman yung isa pa. Nakarinig ako ng mga ilang sigaw kaya pumasok sa loob yung babaeng taga HR, narinig ko pa ang pagsigaw ng isang lalaki. Dali dali namang lumabas yung babaeng applicant. Medyo kinakabahan tuloy ako dahil ako na ang kasunod, narinig ko pang nagtanung yung lalaki sa babae kung may applicant pa ba.

"Sir merun pa pong isa para sa araw na to"

"Sige papasukin mo na"

Lumabas naman yung babae at iginiya na ako papasok sa opisina kung saan may isang lalaki na nakatayo patalikod sakin at nakaharap sa glass wall nito.

Napatigil pa ako dahil sa pagkamangha sa loob ng opisina niya. Lahat ng pader ay gawa sa salamin kaya tanaw na tanaw ang nasa labas at mga kalapit na establishments. Nasa pinaka top floor din kami ng building kaya ganoon kalawak ang pwedeng makita mula doon. Nagtataka rin ako dahil hindi pag nasa top floor kadalasan opisina iyon ng mga CEO pero malay ko ba baka iba naman yung mag iinterview at hindi mismo yung CEO talaga.

Bigla naman akong napabalik sa pakay ko ng tumikhim ang lalaking ngayon ay nakaupo na sa kanyang swivel chair at hawak ang resumé ko.

Tumingin tingin pa ako ng very slight para hindi mahalata ng nasa harapan ko. Malinis ang table niya, may laptop at isang placard kung saan nakalagay ang pangalan niya o ng may ari rather.
Zarick Nikolai Villanueva
CEO

"You may now take your sit."

"Thank you sir and good morning."

"So, Ms. Ligaya why do i have to hire you?"

Gosh ang boses niya napakafamiliar, teka baka katunog lang tama. Hindi siya yun. Napatingin naman ako sa kanya at boom huli nakatingin rin pala siya sakin.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now