Chapter 40

398 16 0
                                    

Her Pov

Matapos ko ikwento sa kanya ang sekreto at nakaraan ko hindi na ako aasa na gugustuhin niya pa ako. Kaya naman tumayo na ako habang siya ay naiwan na natulala at nalilito. Naglakad ako palayo, palayo sa taong mahal ko. Ito na ang katapusan, hindi paman nagsisimula ay nagtapos na agad ang kabanata ng buhay namin.

Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa pisnge ko. Ngunit natigil ako sa paglalakad ng may yumakap mula sa likod ko.

"Bakit ka ba nang iiwan, dapat ako yung unang nag walk out eh."

Hinarap niya ako sa kanya at may luha na rin siya sa mga mata niya. Pinunasan niya ang mga luha sa pisnge ko at nakangiting nakatingin sakin habang lumuluha siya.

Di ko napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko siya.

"Wag mo kong iwan please."

Sambit pa niya at mas hinigpitan ang yakap sakin.

"Di ko na kakayanin pa kung pati ikaw ay iiwan ako. Wag mo kong iwan please. Kahit anu pa man ang naging nakaraan mo tanggap kita Reign, gaya ng pagtanggap mo sakin ng buo tatanggapin rin kita ng buong buo kahit may excess baggage pa. Mahal kita Reign at mahal ko rin si Nicka."

Napahagulgol naman ako dahil sa sinabi niya.

"Mahal kita at ang pamilya mo. Ang nakaraan ay nakaraan na. Magsimula tayo ng bago, ayaw mo nun may instant anak na tayo kaagad. Napamahal na rin ang bata sakin kaya aakuin ko siya Reign. Bigyan mo lang ako ng chance na maging parte ng pamilya mo."

Umalis ako sa yakap niya at hinarap siya, pinakatitigan ko siyang mabuti. Ang swerte ko at nakatagpo ako ng lalaking handa akong tanggapin kahit may nakaraan akong hindi tanggap ng iba.

"Sigurado ka ba jan sa desisyon mo baka anu...ahm baka nadadala ka lang ng damdamin mo. Nick gusto kong pag isipan mo ng mabuti."

Bigla naman siyang sumimangot dahil sa sinabi ko.

"Reign, tanggap ko ang lahat sayo mahal kita kaya kahit anu pa man ang sekreto mo tatanggapin kita. Sigurado ako, hindi kita papakawalan pa. Kahit pa hindi ako ang unang lalaki sa buhay mo mahal pa rin kita."

Lumuhod na ito sa harapan ko niyakap ang mga binti ko. Hindi ko naman mapigilan na mapaiyak.

"Please wag mo kong itulak palayo dahil para mo na ring sinabing magpakamatay na lang ako. Ayokong mawala ka sa buhay ko please. Sabay nating sasabihin kay Nicka yung totoo."

Pero panu naman ang pamilya niya. Hindi ako sigurado kung gugustuhin nilang maging parte ako ng pamilya nila pag nalaman nilang may anak ako mula sa nakaraan.

"Tumayo ka Nick, please."

Sinunod naman niya ako at giniya ko siya sa isang bench. Pinunasan ko ang mga luha ko bago siya hinarap ulit.

"Nick masaya akong marinig na kahit alam mo na ang nakaraan ko ay handa ka pa ring tanggapin ako. Masayang masaya ako at Nick mahal rin kita kaya ayokong maglihim pa sayo. Pero panu ang mga magulang mo hindi ako sigurado kung matatanggap pa nila ako."

Hinawakan naman niya aulit ang kamay ko. Ramdam ko dun ang init ng katawan niya.

"Reign, even if they will not accept you, i am just here willing to accept and to father your daughter but i guess my family will be still like you and can't you remember mom once said that she wants to meet Nicka right."

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko para mapigilan pa ang pagbagsak ng panibagong luha ko.

Napayakap naman ako sa kanya dahil hindi ko mapigilang saya sa sinabi niya.

"Are you really sure Nick, oh my gosh thank you Nick. I love you so much."

Napatawa naman siya dun at hinarap ako sa kanya.
Binigyan niya ako ng magaan na halik sa labi at pinagdikit ang noo naming dalawa.

"I love you too Reign. Thank you for accepting me in your life. I promise to love you more and more while i'm still alive and i'll be an incredible dad to Nicka. I'll fulfill her dream of having a dad."

Napayakap naman ako sa kanya. Hindi na ako naiiyak kundi napapangiti na lang.

"Thank you Nick, i am really lucky to met a man like you."

"No Reign, i am the lucky one. You just not give me love but also happiness . You are the light of my darkness days."

After ng dramahan naming iyon ay hinatid niya ako sa apartment ko. Nagtagal pa siya dun ng isang oras hanggang sa pinilit ko na siyang umuwe.

"Umuwe kana lumalalim na ang gabi. Mag ingat sa pagmamaneho okay."

"I will take care of myself especially now that i have you. So it's official, you're mine and i'm yours."

Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Nagyakap lang kami at humirit pa ang mokong.

"So to formally make it official let's seal it with a kiss shall we."

Napataas naman ako ng kilay dun sa sinabi niya. Samantalang siya ay nakangiti ng pilyo habang winiwiggle yung kilay niya. Lumapit pa siya sakin at ipinulupot ang dalawa niyang kamay sa bewang ko. Dahil rin hanggang balikat lang niya ako tumingala pa ako. Seryuso na ang mukha niya ngayon na nakatitig sakin. Hanggang sa unti unting bumababa ang mukha niya kaya naman pumikit na lang ako. It's not my first time to have a kiss but feeling ko ito yung magiging true loves' kiss ko.

Nakapikit lang ako hanggang sa lumapat yung labi niya sa labi ko. Banayad lang ang halik na ginawad niya sakin. Lips to lips lang at napakasarap sa pakiramdam. Feeling ko first time pa akong nahalikan sa kiss ni Nick. Minuto din ang tinagal ng halikan naming dalawa hanggang siya na mismo ang pumutol nun.

"I love the taste of your lips, it's like a marshmallow coated with strawberry, so sweet and soft. Feeling ko ito yung unang kiss ko with a girl."

Napatawa naman siya kaya ngumiti na lang din ako.

"I love you Reign"

"I love you too Nick"

Then he hug me again and planted a soft kiss after. Hinatid ko na siya sa kotse niya at nagpaalam na may matatamis na ngiti sa bawat labi.

Thank you Lord for giving me such a wonderful man.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now