Chapter 49

310 9 0
                                    

Napahinto si Reign ng bumukas ng pinto at pumasok doon ang taong di niya inaasahan...

"Ikaw?!!!"
Sigaw niya rito....

"Walanghiya ka Edward, ano ba to hah. Tapos na tayo, matagal na at ikaw ang tumapos non. Tigilan mo na ako."
Pilit ko itong pinagsasampal pero nahawakan lang nito ang mga kamay ko at idinikit sa dingding ng kwarto.

"Akin ka Reign, noon at hanggang ngayon. Alam ko kasalanan ko kung bakit tayo nagkahiwalay pero Reign ito na ako kaya ko ng tumayong mag isa ng hindi kinakailangan ang approval nila papa. Kaya na kitang buhayin at ipaglaban. Let's start a new Reign alam ko, ako pa rin ang mahal mo."
Sabi pa nito habang nakahawak pa rin sa mga kamay ko at pilit na idinidikit ako sa dingding.

"Gumising ka nga Edward. Matagal ng walang tayo at walang magbabago dun. Hindi ako magsisimula ng panibago kasama ka dahil mayroon na akong kasama at tumigil kana sa ilusyon mo. Hindi kita mahal, si Nick lang ang mahal ko at hindi ko siya ipagpapalit sa isang tulad mo."

Unti unting dumilim ang mga matang nakatitig kay Reign, nag umigting ang mga panga nito at mas humigpit ang hawak nito sa kanyang mga braso.

"Edward bitawan mo ako. Ganito ka na ba kadesperado at pinakidnap mo pa ako? Pakawalan mo na ako hinihintay na ako ng mga mahal ko sa buhay. Malamang nag aalala na sila sa akin ngayon."
Pagmamakaawa niya pa rito, unti unti namang lumambot ang mukha nito ng magsimulang dumaloy ang mga luha ni Reign.

"Reign hindi kita sasaktan okay, ibabalik rin naman kita. Gusto ko lang munang malinawan ka na ako talaga ang mahal mo at hindi kung sinong ponsyo pilatong bago nakilala mo. Reign alam ko ako pa rin. Sabihin mo lang na mahal mo ako at iuuwe na kita. Say it baby."
Parang batang kinakausap ni Edward si Reign ngunit hindi ito nagpatinag.

Her POV

Nagpantig ang tainga ko ng marinig ang mga salitang yun kay Edward. Matagal na kaming tapos bat ba siya bumalik pa. Kalokohan ang nais niya.

"Edward, ilang ulit ko bang sasabihin na hindi na kita mahal ang tagal na nun. Marami na ang nangyari, nagbago na lahat pati na ang nararamdaman ko, isa ka nalang bahagi ng mapait kong kahapon na ayokong balikan."

"Hindi Reign, hindi mo ko pwedeng kalimutan at palitan. We were destined for each other. We are perfect match."

"Nagkakamali ka dun. May mahal na akong iba at mas higit ko siyang mahal kesa sa kung ano pa mang nararamdaman ko sayo dati. At nag aalala na yun sakin kaya please Edward pakawalan mo na ako. Walang maidufulot na maganda tu."
Pagmamakaawa ko dito pero parang mas nafrustrate lang ito sa pagmamakaawa ko.

"No Reign, hindi kita iuuwe at ibabalik hanggat hindi tumitino ang pag iisip mo at hindi mo sjnasabing ako ang mahal mo. Magsasama tayo dito hangga't gusto ko."
Galit at may pinalidad nitong sabi.

"Pero Edward hindi nga pwede. May pamilya ako-"
Hindi ko na rin natapos ang sasabihin ko dahil may nagmamadaling pumasok sa kwartong kinaroroonan namin.

"Boss, may mga dumating at kasalukuyang nakikipaglaban kina Berto at Glen sa labas."
Naghahabol pa ng hininga ang tauhan nito.

"May mga pulis bang kasama?"
Tanong naman ni Edward na inilabas afad ang baril mula sa likuran niya.

"Wala boss, apat na matatangkad na lalaki lang sila. May mga baril ding dala."

"Shit that fucktard. Bantayan mo si Reign."

Hinarap pa ako nito habang hinahaplos ang baril nito.

"Iniinis talaga ako ng bago mong lover Reign kaya wala na akong choice. Total gusto niyang mauna pagbibigyan ko siya. Baka pag nawala na siya maisip mong ako talaga ang para sayo"
Sabay ngiti nito ng malademonyo.

Ginapangan naman ako takot at pangamba sa kung anong maaring mangyari, si Nick nga kaya yung nasa labas? Sana walang masamang mangyari sa kanya.

Nick

Nakaupo ako sa kama habang ang bantay ko ay nakaharang sa may pinto pero di rin nagtagal ay nabuwal ito ng may kung sinong malakas na sumipa sa pintuan. Naririnig ko na rin ang sirena ng pulis sa labas. Bubunot pa sana ng baril ang tauhan ni Edward ng maunahan itong sipain ng lalaki, si Nick. Agad agad akong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya. Kaagad naman ako nitong dinaluhan at niyakap.

Hindi ko na napigilang hindi umiyak sa sitwasyon. May pumasok na pulis at agad na hinuli ang lalaki.

"I missed you baby. Are you okay. Did he do something to you huh?"
Sabay suri nito sa mukha ko left to right pababa sa leeg ko at sa kamay ko na namula pala sa mahigpit na pagkakahawak ni Edward sa akin kanina.

"That bastard how could he. He has no right to touch and hurt you. I should just kill him."
Nag aapoy ang mga mata nito sa galit, nag igting ang mga panga nito. Kaya hinalikan ko nalang siya para maibaling sa akin ang atensyo niya.

"Okay lang ako baby. Okay na ako kasi andito kana. Thank you Nick for looking for me. Akala ko hindi na tayo magkikita pa."
Sabay yakap ko ulit ng mahigpit at hinalikan naman niya ako sa noo at hinaplos ang buhok ko.

"Tahan na baby, i will do everything mahanap ka lang. I almost killed that bastard for trying to steal and hide you from me. I got really panic ng bigla kang sumigaw sa phone. Buti nalang naka on ang phone mo kaya nalocate ka namin agad."

Pumasok naman ang isang di ko kilalang lalaki at sinenyasan nito si Nick.

Pagkalabas namin sa pinagdalhan sa akin ni Edward ay may mga nakakalat ng pulis at naisakay na sa sasakyan nito ang apat na tauhan ni Edward at ito.

Nakatingin ito kay Nick ng matalim na at ginantihan naman siya ni Nick ng mas nakakapasong tingin na parang sinasabing hindi mo ito gugustuhing makalaban.

Kinausap ako sandali ng mga pulis at pagkatapos ay nakipag usap din si Nick sa mga kasama niya at pinakilala rin ako. Andun ang pinsan niyang si Luix, ang kaibigan niya dati sa college na sina Raze at Geo.
Nagpasalamat din ako sa kanila sa pagtulong kay Nick na mahanap ako.

Tinanguan lang nila ako at binigyan ng tipid na ngiti at nagpaalam na rin sa amin.

Sinama na rin ako ni Nick sa condo niya at nilagyan ng ointment ang kamay kong namumula kanina. Chineck ko rin siya kung may natamo siyang sugat pero mabuti nalang at wala.

Natulog kaming magkatabi ng gabing iyon. Payapa na ang pakiramdam ko at feeling secured sa tabi ni Nick. Mahigpit ang yakap nito na para bang natatakot na mawala ulit ako sa piling nito.

Nagpasalamat naman ako sa Panginoon para sa lahat ng biyayang dumating sa akin at sa pagkakaligtas sa akin.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now