Chapter 44

389 11 3
                                    

Her Pov

Ambilis talaga mg panahon, di mo mamamalayan na parating na pala yung araw, yung araw na kinatatakutan mong mangyari. Kahit pa sinabi ni Nick na okay sa pamilya niya ang about sakin di ko pa rin maiwasang kabahan.

Noong sabado pinasundo ni Nick pa Manila ang pamilya ko. Kahit ayaw ni tsong kinulit ko talaga siya dahil para yun kay Nicka, 6th birthday na nito at gusto kung maging espesyal ito para sa kanya.

Nagpareserve kami ni Nick sa isang di naman masyadong kamahalan na restaurant. Nagdecorate kami dun ng party na pang birthday. Simple lang dahil kami kami lang naman ang magsasalo salo, gusto ko lang iparamdam kay Nicka na birthday niya.

Hindi pa kami nagkikita dahil si Nick na ang nagpaasikaso sa kanila. Ngayong araw ding ito ay ipapakilala kami ni Nick sa pamilya niya kaya mas lalong lumala ang kaba ko.

Then 6 pm came so fast at di na ako mapakali, natigil lang ako ng may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko si Nick lang pala.

"Hey relax, smile let's enjoy this night. It's our daughter's birthday."

Pagkatapos nun ay nginitian niya ako kaya naman nirelax ko ang pakiramdam ko at nginitian siya.

Di nagtagal ay bumukas ang pinto papasok sa lugar kung saan namin hineld yung party.

Pumasok ang mag asawang Villanueva at si Bree. Lumapit ito sa amin at nakipagyakapan. Magaan naman ang pagtanggap nila sa akin at malapad ang ngiti na binibigay sa akin.

"Hi iha, you look so gorgeous as time pass by. So, may i know what's the ocassion?"

Tanong pa ni mam Margarette.

"Mom, we will announce it later. So let's sit first while waiting for the others."

Paliwanag pa ni Nick na sinang ayunan naman nito. Habang ako ay hinila ni Bree sa isang sulok at sabay tusok nito sa tahilian ko.

"Anu yung iaannounce ng big bro ko hah. Magpapakasal na ba kayo yieeh i'm so excited. I'll be your wedding designer aright."

"Ahm hindi kami ikakasal ni Nick but if given a chance syempre ikaw ang gagawa ng gown ko."

Napasimangot siya pero agad ring nawala nung marinig ang sunod kong sinabi.

"Ayun naman eh. I realy like you from the first time we met. Ang bagal ni kuya hah."

Natawa naman kami dahil sa sinabi niya at naupo na rin dun kasama ang pamilya ni Nick. Ako naman ay ito naghihintay sa pagdating ng pamilya ko. Kasalukuyan akong nag aayos sa mga balloons ng may munting prinsesa ang pumasok at tinawag agad si Nick.

"Daddy Nick"

Sinalubong naman ito ni Nick ng yakap at binuhat ito. Lumapit sila sakin at hinalikan ako ni Nicka.

"Hello mama."

Lumapit rin sakin si Ralph at tsong at giniya namin sila sa mesang hinanda namin. Tuwang tuwa si Nicka sa nakikita niya. Umupo na kami at nakita ko ang pamilya ni Nick na mukhang nagtataka, si Mrs. Villanueva ay napatakip pa ng kanyang bibig.

Sandaling namayani ang katahimikan sa loob. Nabasag lang ito ng lumapit at magsalita si Nicka sa pamilya ni Nick.

Nagmano siya sa mga magulang ni Nick at kumaway kay Bree.

"Hello po ako po si Nicka, mama at papa po ba kayo ni daddy Nick?"

Nakangiti pa ito habang sinasabi iyon at lumapit na kay Nick pabalik. Si mam Margarette naman ay hindi pa rin nakapagsalita maybe nagulat din siya. Habang si sir Philip naman ay hindi naman nabigla pero tinititigan niya ng mabuti ang anak ko na masayang nakatingin sa kanila.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now