Chapter 53

376 12 2
                                    

His POV

I woke up a bit lightened but still my head is like in great turmoil of the informations i just got knew.

Dagdagan pa na parang pinupokpuk ang ulo ko pero ang pinagtataka ko ay ang pagkakahiga ko sa sofa dahil last time i remember i was on the bar counter drinking myself til i drop dead. Pero nasagot na rin ang katanungan ko ng dumating ang taong nagbigay ng liwanag at pag-asa sa buhay ko, my baby Reign.

May dala itong bowl na alam kong may lamang soup na nanghahalina sa tyan ko. Dahan dahan akong naupo at iwinaksi ang lahat ng mga alalahanin ko, Reign is here it means i should act as if things are well ayokong mag alala siya.

"Hi, kamusta ang pakiramdam mo" medyo nag aalala pa nitong tanong.

Inilagay niya sa may center table ang bowl bago ito naupo sa tabi ko. Agad ko naman itong niyakap. I need this, i really need her warmth it makes me feel secure and calm.
Hinaplos haplos naman nito ang buhok ko bago nito hinawakan ang mukha ko para magkaharap kami.

"Bakit ka umiinom mag isa. You should call me para nasamahan kita at may maka-usap ka. Pinag alala mo ako."
I can't really look at her that long, nakokonsensya pa rin ako kaya sumubsob na lamang ako sa leeg nito.

"I'm sorry for making you worry baby, i swear next time ikaw ang una kong tatawagan at pupuntahan pag may mga bagay akong inaalala. Thank you Reign for being here and for coming into my life." Madamdamin kong tugon dito.

Zarick get hold of yourself, you must not act weak right now.

But i can't, knowing that one of these days i should tell Reign of who really am in her life. And what would be her reaction after. I'm afraid, so afraid as hell. I can't take it if it happens.

Kinain ko ang hinanda nito at naligo na ako para gumanda kahit papaano ang pakiramdam ko. Hindi na rin bumalik si Reign sa office at kinancel ang mga meetings na dapat sana ay daluhan ko this afternoon. Maghapon lang kami sa unit ko, nagkwentuhan, nanood ng movie at nagkulitan. Kontento na ako sa ganito, how i wish it will not end but that's not life. It always have an end.

After a week, hindi pa rin ako makahanap ng pagkakataon para kausapin at sabihin kay Reign ang mga nalaman ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon at kahihinatnan pag nalaman na niya. But one weekend afternoon while we were together, nakatanggap ito ng tawag mula sa kapatid nito at sinabing may emergency daw nataranta naman si Reign at kaya kinalma ko muna ito bago kami tumulak papunta sa probinsya nila.

Puno ng pag-aalala ang mukha ni Reign at pahigpit ng pahigpit ang hawak nito sa kamay ko na parang dito ito kumukuha ng lakas. Kung dati ay nakakatulog ito sa mahabang byahe ngayon ay hindi ito mapakali at hindi na makapaghintay na makita ang mga kapatid nito. Mga past 7pm na sila nakarating, dali daling bumaba si Reign at tinakbo ang daan papunta sa bahay nila. Sumunod naman ako napatigil ng makita ang mga taong nakaupo sa sala nila Reign...

Her POV

Pagkarinig ko pa lang sa sinabi ng kapatid ko na emergency naisip ko agad si Nicka baka sinumpong na naman ito ng hika niya. Matagal na rin mula ng sinumpong ito dahil regular na itong nakakainom at napapa check up ng kapatid ko. Grabeng kaba at takot ang naramdaman ko parang bumalik yung alaala ko nung una naming nalaman na may sakit si Nicka. Hindi ko malaman kong saan hahagilap ng pera para sa pang gamot ng anak ko halos mawala ako sa tamang pag-iisip kung sinu-sino ang nilapitan ko para mautangan gusto ko ng bumigay pero naalala ko ang anak ko kailangan niya ako.

Ngayon nalang ulit ako nag-alala ng subra subra. Ano ang gagawin ko kung mangyari ulit yun. Ayokong mag-isip ng masama pero hindi ko lang mapigilan lalo na at anak ko ang nasa sitwasyon. Mabuti nalang at kasama ko si Nick, siya na lang ang kinakapitan ko para maging matatag.

Against All Odds (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang