Chapter 5

564 16 0
                                    

Her Pov

Hays ano kaya pumasok sa utak ni sir at inaya akong maglunch kasama siya eh nung nakaraan lang bad mood na bad mood yun dahil sa kliyenteng naagaw ng kabilang kompanya eh. Grabeng takot at kaba ko pa naman nang araw na yun. Tapos ngayon wow ambait, napaka moody talaga.

Pero infairness hah, minsanan lang siyang maging mabait at mag aya kaya dapat hindi tanggihan.

Pumasok na ulit ako sa office niya at andun na nga siya sa visitors area niya dito sa loob ng office niya. May table sa gitna noon at may dalawang long sofa at isang single sofa. Pa U-shape yung arrangement.

"What are you waiting for, Ms. Ligaya. Come sit."

Naupo na nga ako sa isa sa mga long sofa niya. Second time ko na pa lang nakaupo dito at ang lambot lambot pa rin.

Bigla naman akong napaayos ng upo ng tumikhim siya.

"Is there a problem Ms. Ligaya?"

"Ah, no sir. Kain na po tayo malapit na mag 1"

Inilapag ko yung baon ko at binuksan ito.
Tinignan ko rin yung mga nakahain na binili ko sa kanya ang dami nga pala talaga. At ang sasarap, wait, Reign hindi yan sayo kaya kain ka na dyan.

Nagsimula na nga akong kumain ng mapansin kong hindi pa rin sumusubo si sir. Baka ayaw niya ng mga binili kong ulam patay.

"Sir, ayaw niyo po ba? Magpapadeli-"

"No, i'm okay with it. Naninibago lang ako."

"Hah, naninibago sir? Huwag niyo pong mamasamain hah, hindi pa po ba kayo nakakain ng ganyang ulam?"

"I have eaten some of these dishes, my mom used to cook for us when i'm still living with them. But as i decided to move out either i order food from fine dining restaurants or have some delivery from fast food. When my mom told me to go home she'll prepare lots of homemade food. Then she will not forget to scold me after because i look like i did not eat well."

Napangiti pa ito habang nagkukwento tungkol sa mama nito.

Naisip ko tuloy ang mama ko, ganun din si mama samin lagi kaming pinagluluto ng mga paborito namin.
Kaso hindi ko na matitikman pa ang luto ni mama.

"I just miss my mom and her food. Medyo na busy kasi ako kaya hindi ako nakakauwe.

Wait, wait, hindi naman ako nabibingi diba. Nagkukwento si sir ng buhay niya, personal niyang buhay sakin, her secretary. Heck iba pala talaga nagagawa ng mga pagkaing pinoy sa boss ko.

Walong putahe ang inorder ko sa cafeteria.
Sinimulan ko sa kare-kare, adobong manok na siyang laging iniluluto sa kanya ng mama niya. Sinunod ko yung menudo, ginataan, paksiw na isda, bulalo,  may bicol express pa at ginisang gulay.

"Kain na sir bago lumamig at para hindi mo na masyadong mamiss ang luto ng mama mo. Promise masasarap po yan, mas mas masarap sa mga pagkain na nasa fine dining restaurant."

Sumubo na ako at sumubo na rin siya. Nung una parang nangingilala pa yung dila niya. Inalok pa ako, at sino ako para tumanggi minsan lang din ako makakain ng ganun karaming putahe kaya lubusin natin. Sarap na sarap kami habang kymakain at walang nag iimikan focus lang talaga sa pagsubo at pagnguya.

Miske yung ulam kung ginisang ampalaya na sinahugan ko ng kamatis at itlog eh tinry niya napabuga pa nga kasi daw bat daw mapait, malamang ampalaya kaya yun. Peru umisa pa at nasundan pa.

Nagpabili pa nga siya ng extra rice, taray diba.

After maubos namin yung pagkain ay tumawag siya ng crew sa cafeteria para iligpit yung pinagkainan namin kahit nag insist akong ako na ang magbabalik noon.

Grabe busog na busog ako. Napadighay pa tuloy ako. Natawa naman siya, medto nahiya naman ako peeo napatawa siya ng slight at sinabing normal lang yun pag busog. Shocks diba first time siyang tumawa sa harapan ko mismo. Kasi naman nakikita ko lang siyang ngumingiti pag may naikoclose siyang deal at sa harap lang ng kliyente niya. Kasi naman lagi siyang naka poker face basta makikita mo talaga yung pagkastrikto niya, pag ka arogante minsan, seryuso at yung tingin na nakakapanlambot ng tuhod samahan pa ng boses na napaka maawtoridad na di ka talaga magdadalawang isip na gawin ang iniuutos niya.

Napatitig lang ako sa kanya. Habang nakangiti siyang nakasandal sa sofa niya at nakatingala sa kisame.

"Gosh, i'm so full. Thank you for that wonderful food Reign."

Sabay tingin sakin na nakangiti pa rin hah. Napasinghap naman ako sa sinabi niya pero hindi ako dun sa pagpapasalamat niya kundi nung banggitin niya ang pangalan ko.

Napayuko na lang ako e kasi naman ang sexy pakingan ng boses ni sir nung sinabi niya yung pangalan ko. Bwesit naman tung puso ko eh bigla namang bumilis, ui wala ka sa marathon.

"Walang anuman yun sir. Salamat din po."

"Tsaka isa pa po, hindi naman po ako nagluto nun, yung crew po sa  cafeteria."

"Kahit na, i love those food. Hmmm i can still taste them in my mouth."

Napasinghap ulit ako dahil ginawa ni sir na pag Hmmm niya grabe anu bang nangyayare sa pandinig ko na tu. Haist, dapat lumabas na ako para matigil na ako sa mga iniisip ko.

"Sige sir, magtatime in na po ako."

"Thank you po sa lunch."

Tumayo na nga ako at naglakad na papuntang pintuan ng tawagin niya ulit ako.

"Reign."

Napalingon naman ako.

"Is it ok, if i call you by your name?".

"Ikaw po bahala sir"

"Do you know how to cook right."

"Opo, bakit po?"

"Are you free tonight? Yayain sana kita sa unit ko?"

"Sa unit niyo po. Anu pong gagawin natin dun? Sir ang trabaho ko lang po ay hanggang pagsesecretarya lang po."

"Silly, i know what you're thinking. I know you're my secretary. I just want to make some request. If you're free tonight i want to invite you in my unit to teach me how to cook those dishes. May bayad din pagpupunta ka, sabihin na nating sideline na trabaho ang ino-offer ko."

"Ay yun lang pala sir eh, pinakaba niyo pa ako. Opo libre po ako ngayong gabi."

"Good, so after work, we'll gonna head straight to my unit, is that okay?"

"Okay lang po, basta ba libre hapunan at may bayad naman po kaya okay lang."

"Of course. So it's a deal"

"Deal po. Sige po sir"

Lumabas na nga akong tuluyan sa office ni sir. Wow hah tuloy tuloy yung good mood niya mabisa talaga yung mga pagkaing pinoy.

Wait, wait, pero bakit kaya ganon ako kausapin ni boss, nakakapanibago. Parang feeling close agad siya sakin. Medyo nawala na din yung tunog bossy niya pero baka ngayon lang din ito baka bukas balik na naman siya sa medyo pagiging cold and bossy.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now