Chapter 12

404 12 0
                                    

Her Pov

Katatapos lang namin kumain at grabe busog na naman ako. Masarap talaga paglibre.

"Shocks, busog na busog ako. Salamat sa libre"

"Always welcome, and thank you too, for coming with me today"

"You're very much welcome."

"Tara lakad lakad muna tayo para matunawan naman tayo sa kinain natin"

Naglakad lakad na nga kami at tinitignan ang paligid madilim na pero di yun alintana ng lahat dahil sa mga poste ng ilaw at mga christmas light na nakapalibot sa mga puno at mga halaman na naka trim into different shapes.

Busy rin ang mga tao. May naglalako ng balot,pinoy, at chicharon. May ihawan, may nagsisigaw ng mani, may mga nagluluto ng popcorn.

Ganito pa rin pala ka busy ang tao sa Manila kahit gabi.

Nang mangalay ako kakatayo at kakalakad ay umupo kami sa isang sementadong upuan doon.

May nakita akong mga batang naglalaro kahit gabi na. Kaya naisip kong tumawag doon sa amin.

Makalipas ng dalawang ring ay sinagot na ito.

"Hello,kuya"

Pero isang maliit na boses ang narinig ko. Kaya naman napangiti ako.

"Hi, ate si bunso po ito"

"Bunso, kamusta kana. Miss na miss ka na ni ate. Wala bang masakit sayo?"

"Miss you na  po ate. Okay lang ako ate very good po ako at iniinom ko yung vitamins ko at kumakain ng tama"

"Naks napaka good girl naman ni bunso"

"Ate, kelan ka po uwe?"

"Hah, bunso matagal pa makakauwe si ate eh. Nag iipon pa kasi si ate para sa'yo at para kay kuya"

Hindi ko na napigilan na hindi bumigay, tumulo yung mga luha kong pilit kong nilalabanan. Nakaramdam naman ako ng kamay na humahagod sa likod ko.

"Pero ate lapit na pasko. Di ka po uuwe?"

Narinig pa niya ang himig ng salita nito. Nalulungkot ito at ayoko pa namang nararamdaman niya yun dahil nagtitrigger yun sa sakit niya.

"Pasko? Ahm bunso susubukan ni ate hah susubukan ko okay"

Nagbalik ulit ang sigla ng boses niya.

"Talaga ate? Promise po ah. Uuwe ka sa pasko"

"Ahm, oo bunso. Magpapaalam ako sa boss ko"

Sabay tingin ko kay Nick nasa tabi ko lang. Nginitian lang niya ako.

Humaba pa ang usapan namin hanggang sa antukin ito at nakausap ko rin ang kapatid kong lalaki.

"Miss mo na mga kapatid mo?"

"Ahm, oo. Di rin kasi kami nasanay na nagkakalayo lalo na yung bunso namin. Ako na kasi ang kinalakhan niyang mama. Kasi katatapos ko lang sa highschool ng mawala ang mga magulang ko sa isang aksidente."

"You want to visit them?"

"Oo sana kaso limang oras ang byahe eh papunta sa amin eh. Tsaka nag iipon pa kasi ako. Pero pwede humingi ng favor. Di ko rin kasi matiis yung bunso namin eh. Sa pasko sana pwede bang mag leave ako kahit isang linggo lang? Babawe ako pagbalik ako at mas magsisipag ako boss."

"Oh, of course you may. But be back after okay or else pupuntahan kita dun at ako mismo ang susundo sa'yo"

Natawa naman ako dun. Medyo clingy tung boss ko ah. Hahaha parang magjowa lang eh.

Napatigil naman ako ng tinignan niya ako ng seryuso as in walang kurap kurap.

"Ahm b-bakit may dumi ba sa mukha ko?"

"No, i just can't believe someone didn't man up for you."

"Ganun talaga eh, takot siyang maghirap at tama nga naman siya he don't deserve me and i don't deserve him as well"

Sabay tayo ko at hinila siya dun sa ihawan.

"Bili mo ko nito"

"I thought you're full"

"Kanina yun eh natunawan na ako ulit kaya kakain ako ulit"

"Di ka natatakot tumaba?"

"Hindi no, mas natatakot akong mamatay ng dilat at gutom noh. Go na kukuha na ako hah"

Sabay bili ko ng dalawang barbeque, tatlong isaw. Bumili rin ako ng palamig. Habang siya siomai at fishball lang. Iniumang ko sa kanya yung isaw peru ngumiwi lang siya.

"Is that really a food or even clean?"

"Malamang noh, napaka eggy mo talaga. Kumain ka masarap yan"

"I'll just take the barbeque"

"Ay hindi dapat ito unahin mo. Sige na ahhh"

Wala siyang nagawa ng inilapit ko isaw sa bibig niya. Peru pagkatapos niyang matikman ayun bumili pa ng lima.

Umuwe lang kami nung busog na busog na kami dun sa mga street foods, pati nga balut pinatos niya. Masarap nga daw peru hindi ako, nasusuka kasi ako dahil sisiw yung laman eh.

Inihatid niya ako sa apartment ko. At ang mokong nagstay pa dun ng ilang oras hanggang sa mapilitan na talaga akong pauwiin siya dahil gabing gabi na at magpapahinga na rin ako.

Nagpoprotesta pa nga dahil linggo naman daw bukas pero dahil mas matigas ako sa kanya kaya wala siyang nagawa.

This day is one of the special day of my life. I enjoyed it very much.

I never thought na may mapagsasabihan pa ako ng kwento ng buhay ko.

But dun lang dapat hindi na lalagpas pa.

Reign always guard your heart....

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now